Chapter 25

520 39 11
                                    

MEDYO tinanghali na sya ng gising nang magising sya. Nang bumaba sya naabutan pa nya ang pamilya na kumakain kasama ang ate nya. Umagang umaga ngunit tila may tension sa pagitan ng mga to. Wala manlang umiimik, tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig.


"Good morning" humihikab na bati nya.



"'Morning" tipid na wika ni Cairo.



Nang makalapit sya, napansin agad nya ang pag angat ng isang kilay ng ate nya. Alam na nya  na may gagawin ito. Kaya hindi na sya nagulat nang magsalita ito pagkaupo palang nya.


Ngumisi ang ate nya "May gana ka pang mag good morning kahit tinanghali ka na ng gising. Bihis na bihis na ang lahat, ikaw nalang ang nakapantulog.....hindi ka ba nahihiya sa ugali mong yan?"



Nangunot noo sya "Bakit ako mahihiya eh andito lang naman ako sa bahay? "



Julianne scoff at look at their dad "Dad, hahayaan mo nalang ba na ganito ang maging ugali ng babaeng yan? She's an Arno, how can she behave like this? Tsaka anong oras ka umuwi kagabi? Baka kung saan-"



"Enough!" Mariing putol ng tatay nila na ikinatigil ni Julianne.



Sinalinan sya ni Theo ng pagkain sa kanyang plato.



Napalunok si Julianne dahil sa pagsita ng kanilang ama.


"P-Pero dad, anong oras na sya gumising-"



"I said enough! Ano man ang oras ni Leo wag mo ng pakelaman Julianne. Alam ko ang oras ng pasok nya so mind your own  business" muling putol ng ama nila dito "She comes home late often dahil nagtratrabaho sya. Kaya hindi ko sya pinapagising ng maaga ay para mas mahaba ang tulog nya. Now, eat your food at pumasok ka na sa school."



Napahiya man, gulat naman na bumaling sa kanya si Julianne.



"Why the heck would you work?"hindi mapigilang wika nito.



"Simple lang, ayokong maging palamunin dito" kibit balikat na sagot nya "Tsaka, matapos nakawin saakin ng nanay mo ang mga allowance ko ng ilang taon para may pang gastos sayo natutunan ko na mas mabuting may sarili akong pera. "



Namula si Julianne sa sinabi nya. Napangisi sya nang makita nyang humigpit ang hawak nito sa kubyertos sa sobrang inis sa kanya. Ngunit pinigilan nito ang sarili dahil naroon ang ama.



"I heard from your uncle na madalas magkainitan ang dugo nyong dalawa sa school. Wag na wag kayong mag aaway sa labas, hindi yon magandang makita ng ibang tao" wika ng tatay nila.



"Si Leo ang pagsabihan mo dad" inis na wika ni Julianne "Sya naman talaga ang madalas gumagawa ng gulo "



"Ako nga ba?"  Ngumiti sya "Sino ba yung nagpunta sa club room namin para agawin ang lahat ng meron kami kahit wala pang approval ng instructor at president?"




Hindi na napigilan ni Julianne at nahampas nito ang mesa "Tapos na ang issue na yan diba?! Bakit kailangan mo pang banggitin ulit?! At hindi pang aagaw ang tawag sa ginawa namin! Nag propose kami ng plan na pag isahin ang dalawang club!"



"Julianne!" Sita ng alpha "Where are your manners?! Nasa harap tayo ng hapag.."




Masama ang tingin sa kanya ni Julianne ngunit hindi nito masuway ang ama.



"Tama ka" wika nya sa kapatid "Hindi pang aagaw pala yung ginawa nyo kundi pagtangkang nakawin ang meron kami."



Tuluyang napatayo si Julianne "You btch-"



Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now