My Princess and I'm The Pauper

488 4 0
                                    

 Prologue:

Bakit nga ba laging mga babae ang mahihirap at panget? Tapos magkakagusto sa mga prinsipe nila na ubod ng yaman at kailangan nilang makisalamuha sa mga matapobreng mayayaman? Wala na bang gender equality?

Malamang halos lahat ng nakikita niyong kwento, mga babaeng...uhm normal na tao? O kaya mga babaeng panget at mahirap na nagkakaroon ng happy ending sa mga prinsipe nila. Syempre, 'yung mga lalaki 'yung mga dream guys nila. Mayaman, gwapo, mabango, may pinag-aralan, perpekto, kayang gumastos para sa isang babae. Hay..kaso hindi ako ganun :| Kaya ang hirap hanapin ng happy ending ko. Mahirap lang kasi ako, walang magandang kotse, magandang pamporma, hindi rin mabango, laging nagtatrabaho, hindi din ganun katalino, pero gwapo naman ;D

Hahaha, eto ang kwento ko. Pang-teleserye kaso hindi ako 'yung bida. Pwedeng pang-wattpad kaso hindi ako 'yung main character. Pwedeng pang-story book kaso hindi ako 'yung magiging masaya sa huli. Pwedeng pang-pelikula, tipong langit ka lupa ako, at hanggang doon na lang ako kaso kung mala-stairway to heaven 'to baka may mamatay sa ending. Pwedeng pang-drama sa radyo, kaso hindi ako cowboy na hinahabol sa disyerto at laging may umuungol tuwing umuulan at isa na palang..... Ah basta, hindi ako ang bida sa sariling kong istorya. Kasi hindi ako 'yung mayamang pinapangarap ng bawat kababaihan. Ako kasi 'yung mahirap na sidekick lang. Kaso anak ng tokwa, ako yung nainlove sa bidang prinsesa :(

A/N: 'Wag kayong maniniwala sa kanya!!! Siya ang bida ng pinakabago kong wattpadserye na My Princess and I'm The Pauper. Ang bagong mukha ng pag-ibig, ang bagong pasan ko ang universe, ang tatalo sa lahat ng rental pocketbooks sa palengke!! HAHAHA, ang lakas kong mangarap. Oo nga pala, suggestion sa'kin 'to na bakit daw hindi maging 'yung lalaki naman daw 'yung mahirap tapos 'yung babae ang mayaman para maiba.

Pwede na!- J.K. Rowling

Havey naman, onting edit na lang- John Green

Ang taray!! Wagi!- Rick Riordan

Bet ko 'to- Mitch Albom

Hahaha! Echos lang. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga writers sa taas. Hindi pa akong nagiging New York's Bestselling novel kahit halos lahat ng libro na nakikita ko sa bookstore merong ganung nakalagay. Paunawa na din po, itong kwentong itey ay pawang gawa lamang ng malilikot na isipan ng tamad na author. Kung ano man at pagkakatulad nito sa totoong buhay ay tanging coincidence lang 'yun. Lahat po ng nilalaman nito ay entirely fictional! Geh! Simulan na natin! SUGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOD!!! Mwahahahaha! XD Sensya na nga pala kung adik 'yung author.

-Ehem, eto po ang una kong mahaba-habang story sa wattpad XD Nadelete kasi lahat ng stories ko :( Osya, enjoy ^_^

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Where stories live. Discover now