Chapter 2: Banda

136 1 0
                                    

Kinuha ko na lang ‘yung uniform ko at pinirmahan ang dapat pirmahan. Umuwi na ako.

At paglabas ko, nakasalubong ko si Nari ah....Minari-ojo-something ewan hahaha.

Nagkangitian kami.

“Hello Kent! Pauwi ka na?” tanong sa’kin ni Nari.

“Ah, oo,” sagot ko naman.

“Pwede bang magstay ka muna dito kahit saglit lang. Wala naman tayong mga gagawin eh. Itutour lang kita dito.”

“Ah, eh...sige.”

‘Di na ako tumanggi. Wala naman akong masyadong gagawin eh.

Dinala niya ako sa may parang stage sa cafe.

“Alam mo, nirequest ko ‘to kina mama. Gusto ko talaga palagyan ng parang stage dito sa cafe para ‘yung mga students sa school pwedeng magperform dito. Ako ‘yung unang magpeperfrom dito bukas kaya pumunta ka ha!”

“Hahaha, syempre. Magtatrabaho na ako dito bukas eh.”

“Basta bukas haaaaaaaaa!!”

“Oo na hahaha.”

“Tawa ka dyan. Gusto magperform din kayo dito ha, nila Thunder. ‘Di magaling ka kumanta?”

“Marunong lang hindi magaling. Grabe ka naman, baka lumaki ulo ko nyan.”

Well, hindi naman sa nagyayabang ako, mahirap man ako marunong naman ako kumanta. Medyo hindi naman masama ang boses ko. Husky pero soothing daw sabi ng iba. Marunong din ako mag-gitara kahit ‘yung pagkatuto ko eh parang trip trip lang. Nagpapaturo ako paminsan-minsan kina Thunder hanggang natuto na ako.

“Basta tumugtog ka minsan dito ha. Kanta ka tapos sama mo na sina Thunder.”

“Sige, kung okay lang sa kanila.”

“Yehey!!”

Haha, ang cute ni Nari. Minsan gusto ko siyang mahalin na ayaw na ayos lang na ayoko na ‘wag na lang pero pwede din. HAY! ANG GULO KO! Pero sobrang mabait si Nari, cute siya! Japanese nga kasi. Okay din siya kumanta. Hindi rin siya katulad ng mga matapobreng babae sa school si Nari. Sobrang humble at down to earth kahit iisa lang ang meaning noon. Helpful din siya, Walang pinipiling kaibiganing tao, nakakatawa din, at basta mabait siya. Si Nari ‘yung tipong prinsesang mahirap abutin at tipong ako lang ‘yung taga-pakain ng dragon sa kaharian nila. Malungkot isipin na may ibang prinsipeng magtatanggol at magmamahal sa kanya pero malay mo mainlove siya sa isang pulubi gaya ng sa fairytales. TEKA NGA KENT ANG DRAMA MO, WALA TAYO SA ISANG FAIRYTALE!!! GUMISING KA SA KATOTOHAHAN!!!!

Matapos magpantasya kay Nari, umuwi na ako para tignan ang uniform ko sa trabaho.

Isa lang siyang ordinaryong waiter uniform. Tipong pang-gwapong waiter lang. Tipong pang-butler lang. At bigla na lang ako magpapantasya para maging butler ni Princess Nari. Teka, erase erase!! ‘Wag mo ngang isipin ‘yun. Kailangan magtrabaho ako at hindi ma-inlove. Mahirap unahin ang pag-ibig, apektado ang lahat. Kailangan hindi laging pag-ibig ang pinaprioritize natin, kasi ‘pag siya ang inuna, sa kanya lang ang atensyon. Hindi pwedeng isabay ang studies, trabaho at iba pang career. Teka, san ko nahugot ‘yun O_______________O

“KUYA!!!” sigaw nung kapatid ko, si Karel. Siya ‘yung bunso sa’ming lahat at ako ang panganay. Elementary palang siya, grade 5.

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon