Chapter 3: Falling in love

127 0 0
                                    

Pagkagaling sa school dumiretso na ako sa cafe nila Nari. Wata Cafe ‘yung pangalan ng cafe nila. Nakakatawa isipin ‘yun pangalan ng cafe nila. ‘Yung Wata eh galing sa apelyido nila na Watanabe.

Pagkapunta ko doon sa cafe eh nag-bihis na ako. Panay babae ‘yung kasama ko magtrabaho -_____________- Pero magaganda naman. Katulad ko, ‘yung iba sa kanila na student worker. Mababait naman sila kahit halos 15 minutes pa lang ako. Gustong gusto ko ‘yung cute na magkaibigan na si Margaux at Blaire. Kung nahihirapan kayo ipronounce ang Margaux, Marg na lang. ‘Yun din ang pinapatawag niya. Ang cute nga nilang dalawa eh, ang liit kasi haha. Pero mabait sila.

Paglabas ko ng staff area may tumawag agad sa’kin customer.

“Waiter!! Waiter!!” sigaw nung isang lalaking nasa table. Pagkakita ko si Thunder -____________- Loko ‘to. Kasama pa si Cyril, isa din sa mga kaibigan namin. Nilapitan ko ‘yung dalawang mokong.

“Ano ho ‘yun ‘SIR’?” tanong ko habang pinapamukha ‘yun SIR.

“Haha, isa nga nento tsaka ‘to pati na rin ‘to tsaka ito pa at ito.” Loko din ‘to ha! Pinahirapan ako kakaturo sa mga inorder niya XD

“Is that all ‘SIR’?” tanong ko.

“Oo, ah nga pala Kent, ‘yung sa banda natin may pangalan na ako tapos baka next week magperform tayo dito kaya ready ka na ha,” sabi ni Thunder.

“Geh dre, este SIR. HAHAHA,”reply ko.

Pumunta na akong counter para ibigay ‘yung order. Nakuha ko lahat ng order niya, syempre ako pa. Expert na ako sa pagtatrabaho.

Pero hindi na ako ‘yung nagdala ng order nila sa table nila, si Marg na. At mukhang pinopormahan pa nung dalawa si Marg.

Pagbalik ni Marg sa counter, tinanong agad niya ako.

“Kuya Kent, kaibigan mo ba ‘yung dalawang ‘yun?” tanong ni Marg siya sa’kin habang nagpapacute with a curious tone tapos tinuro ‘yung dalawa.

“Ah, oo.”

“San sila nag-aaral?”

“Sa Fillian High, parehas lang kami.”

“Ah, kaparehas lang pala ni Minari-ojousama.”

“Ikaw saan ka nag-aaral?”

“Pare-parehas kami nina Blaire at tsaka ni Joyce, ‘yung matangkad na maganda na cashier. Sa Pacific Woods Montessori kami.”

(A/N: Okay lame  na naman ‘yung name ng school nila Marg XD Takte haha on the spot brainstorming!! Haha, ang Pacific Woods po eh isang kalapit na subdivision dito sa may lugar namin. Hahaha, magaganda ang bahay doon!!)

Naghugas-hugas lang ako ng plato at mga hugasin. Kahit waiter ako, kailangan pa din namin tumulong sa kitchen works at iba pang duties dito sa cafe. Maya maya may narinig akong nagma-mic test. Sigurado akong boses ‘yun ni Nari. Ang sweet at soothing eh. Parang candy lang hahahahaha. Sinilip ko mula sa kusina ‘yung nangyayari sa labas. Medyo madaming tao tapos lahat nakatuon ang pansin kay Nari. Woah, kinabahan tuloy ako kung paano kung kami naman ang nandyan. Pero ang cute ni Nari habang nasa stage siya. Tapos sinimulan na niyang magsalita ulit.

“Hello po sa inyong lahat!!” tapos sabay smile. Weeee, nakaka-inlove.

“Ako nga po pala si Minari pero Nari na lang po for short. Maraming salamat po sa pagbisita niyo po sa cafe namin. Sana po magustuhan niyo ang stay niyo dito. Gusto ko nga pala po kayong alayan ng isang kanta. Ipagpasensyahan niyo na kung ang panget ng boses ko pero I will try my best for all of you. I dedicate this song for someone that I met a long time before,” she continued saying tapos sumeryoso ‘yung mukha niya pero bakas pa din ang kagandahan niya.

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Where stories live. Discover now