Chapter 5: Mr. Right

95 0 0
                                    

Kent POV

Imbes na next week ang performance namin, namove this week. Madami daw kasing nagdemand -________- Ow, sikat kami? Hahaha.

Pagkagaling sa school, dumiretso na akong cafe at nagbihis ng uniform ko.

“HI KEEEEEEEEEEEEEEENT!!!” bati ni Blaire.

“Oh, hello din Blaire,” bati ko din.

“Ah, Kent~ ‘Di ba kakanta kayo dyan mamaya?” tanong ni Blaire.

“Ah, oo.”

“YAY!!! Pupunta dito ‘yung mga kaklase ko!! May cafe din kasi na ganito malapit sa school pero walang performance kyeme kyeme na ganyan!!”

“Ah, talaga? Mukhang lalo akong kakabahan.”

“Haha!! ‘Wag!! Papakilala ko sila sa’yo mamaya! Si Darren tsaka si Krystal at si Danica!”

(A/N: Uhm, si Darren, Krystal at Danica ay mula sa iba pang story na My Boyfriend is a Girl!! Hahahaha, nawawala na ‘yung kopya ko nyan :(( )

‘Di na nagtagal nakita ko nang dumating sina Thunder at Cyril. Amporma, kinakabahan ako na ewan.

Nagsimula na ang show.

Lumunok muna ako at nagdasal sandali.

“Hello ho sa inyong lahat. Kami nga ho pala ang Amplified Whispers. Alam niyo ba ‘yung nostalgic? ‘Yung nostalgia? ‘Yun kasi ‘yung nararamdaman ko ngayon. Ibig sabihin ho ng nostalgic eh mixed emotions. Parang masaya ka pero malungkot ka tapos excited ka din na kinakabahan. Mixed emotions nga kung baga. Para bang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ho ako pero masaya din. Ako nga ho pala si Kent, waiter ho ako dito. Siya nga pala si Thunder, bassist namin at si Cyril para sa drums. Sana ho magustuhan niyo ang tutugtugin namin. Mula ho ‘to sa isa sa mga paboritong banda namin, ang A Rocket to the Moon, ang Mr. Right. Inaalay ko ho ito sa inyong lahat at lalo na sa kanya hehe,” pagkasabi ko nagsimula na kami.

Kinakabahan ako pero masaya rin akong makakapagperform dito. Sa ngayon, nakikita ko si Nari. Naka-upo siya sa may counter, kasama niya ‘yung napakakulit niyang manliligaw. Student ‘yan sa school, isa rin sa mga mayayamang hambog doon.

Simula na ang kanta.

 Mr. Right by A Rocket To The Moon (video is located on the right side :D )

My girlfriend's got a boyfriend, funny
He doesn't make a dime all day
And all her girlfriends' boyfriends with money
What more can i say?

Hindi nga siguro ako mayaman gaya niya, pero higit pa sa pera ang kaya kong ibigay. Pangako ‘yan, mayaman ako dyan eh...sa pagmamahal :D

It's true
He never made it through a day of school
The only thing he studied was you

He knows your body better than you do

Sorry kung hindi ako matalino, pero higit pa sa kaalaman na makukuha sa libro ang kaalaman ko sa buhay. Kaalaman ko kung paano kita mapapasaya. :))

Nakatingin lang ako kay Nari habang nagpapanggap na nakikinig sa makulit niyang manliligaw.

Maybe I'm your Mr. right
Baby, maybe I’m the one you like
Maybe I’m a shot in the dark
And you're the morning light


Mas kaya ko pang higitan ‘yang manliligaw na ‘yan eh. Hahaha, ako ang ‘yong Mr. Right :)) Magkaiba man tayo, tipong ako devil at ikaw ang anghel.....

 

Whoa
Maybe this is sad but true
Baby, maybe you've got nothing to lose
You could be the best of me
When I’m the worst for you


Pero patawad, maaring hindi tayo bagay dahil ang drama masyado ng mayaman ka at mahirap ako~~ But you’re the best for me I guess but I guess I’m not the one for you.

 

My girlfriend's got a boyfriend, running
To catch the bus to meet
To meet up with the boyfriend's girlfriend
Who's stunning
she's such a sight to see


Hindi ako titingin sa ibang babae, pangako ko ikaw lang. Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang mahal ko :)

It's true
The moment he laid eyes on you he knew
The only wish he wanted came true
He knows he's lucky that he met someone like you


Maswerte ako sa’yo Nari. Sinasabi na ng lyrics ang gusto ko sabihin sa’yo :)

You’re my only wish that came true :)

Maybe I’m your Mr. right
Baby, maybe I’m the one you like
Maybe I’m a shot in the dark
And you're the morning light

Whoa
Maybe this is sad but true
Baby, maybe you've got nothing to lose
You could be the best for me
When I’m the worst for you


Paano kung ako nga ang para sa’yo? Pero ayaw mo naman sa’kin at hindi tayo bagay. Paano naman kung magkaiba nga talaga tayo pero tayo talaga? Ang gulo takte :|

Teka, umaalis na siya sa counter. Nabore na marahil sa bwiset niyang manliligaw. Pumunta siya sa ibang table at kinausap ‘yung nasa table. Nakikinig kaya siya sa kinakanta ko? Kasi para sa kanya ‘to :(

You can always change your mind
And you can't change mine
I know you can't change mine

Sana marealize mo, na ako ang.....

Maybe I’m your Mr. right
Baby, maybe I’m the one you like
Maybe I’m a shot in the dark
And you're the morning light

Whoa
Maybe this is sad but true
Baby, maybe you've got nothing to lose
You could be the best for me
When I’m the worst for you

Baka ako na nga....sana ako na nga :(

Sinundan ulit siya ng manliligaw niya at kinulit. Hanggang nainis siya at pumasok sa staff room.

Nakinig kaya siya? Palakpakan at hiyawan ang naririnig ko ngayon. Pero wala akong pakialam ngayon sa kanila, sana nakikinig si Nari at iniisip din niya ang iniisip ko.

“ENCORE! ENCORE! ENCORE!” sigawan ng tao lalo na ‘yung sa may isang table na panay chicks. Kanina pa nga kinukulit ni Blaire, ‘yun ata ‘yung mga kaklase niya.

“Psst..Kent, geh encore na. Pangarap lang Kita, ha?!” sutsut sa’kin ni Thunder.

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Where stories live. Discover now