Chapter 6: Pangarap lang Kita

83 1 0
                                    

“Pangarap lang kita?” tanong ko.

Bakit ‘yun pa? Kasi kung magkakaroon kami ng  theme song ni Nari, Pangarap lang Kita ang pipiliin ko :)

“Oo, dali na pre hahaha.”

Eh ‘di no choice :( Kahit medyo umaampalaya ako eh ‘di geh..... Pangarap lang Kita.

“Pwede po magrequest!” sigaw nung isang babaeng nasa table. ‘Yung mga kasama ni Blaire.

“Sige ho,” sagot ko sa kanya.

“Pwede po isama niyo si ate Nari. ‘Yung nakanta din dito?” request nung isang chicks.

Eh... si Nari? O_O Duet? Kami? Kasama siya? Eh...kasi...baka mapatigil ako habang nakanta dahil natulala na ako sa kanya.

“Kuya, sige na po!!” pakiusap pa noong katabi niyang babae.

“Oo nga!! Sige na!! First date namin ng gerlprend ko!!” sabi nung isang kadadating na lalaki sa table nila tapos umakbay sa isang chicks du'n din sa table ng mga kasama ni Blaire.

“Ano ba!! Renji naman!! Hindi ‘to date! Hindi mo ako gerlprend!!!” sabi nung babaeng inakbayan niya habang pilit niyang tinatanggal ‘yung pagkakaakbay nung lalaki.

Hehe, kakatuwa naman sila. Ang kulet!

“Ha, ah teka ho... wala ho kasi si Nari..uhm.. baka ho kasi.... ‘di siya pumayag..ah ano...”

“Papayag ako,” biglang may sumagot tapos pagtingin ko si Nari~!

“Talaga?”medyo nagtataka ako.

“Bakit naman hindi Kent?” sabi niya sabay tawa.

Pagkakita ko ng ngiti niya, napaiwas ako bigla ng tingin. 'Di ko matago 'yung ngiti ko eh :)

Ngiting tagumpay hahaha ^_________________^

Tapos sinimulan na namin. Syempre, kinausap namin muna si Nari tungkol sa kakantahin. Call naman siya since alam niya ‘yung kanta. Ayos na din kami dahil alam namin din 'yung kanta.

“Ah, sige ho. Since madami hong humihingi ng encore, sige pagbibigyan namin ho kayo.”

“WHOOO!!!” naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Nakaka-overwhelm! Hahaha!

“Since may nagrequest din ho, sinama ho namin si Nari. Ang kakantahin ho namin ay Pangarap Lang Kita ng Parokya ni Edgar, sana ho magustuhan niyong lahat.”

Tapos sinimulan na nilang tumugtog. Medyo iniba nila medyo  ‘yung tugtog, hindi masyadong acoustic.

Higit sa lahat, ngayon..makakaduet ko si Nari. Salamat doon sa nagrequest sa kaibigan ni Blaire ^_____^

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hahahahahaha.

Kinakabahan ako pero...wala nang urungan ‘to. Mas kakabahan pa ako kung liligawan ko si Nari. Nyahahaha :D

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Where stories live. Discover now