Chapter 1: Part Time Job

207 2 0
                                    

Pagpasok ko ng school, mukhang ordinaryong araw lang. Naglalakad ako patungo sa building ng room ko. Normal naman eh. Kasabayan ko ang mga lalaking naglalakad sa tabi ko na grabe pumorma. Iba-iba ang black leather shoes araw-araw. Ang babango at hindi amoy putok. Dinadaanan din ako ng mga gwapong BMW, Porsche, Ferrari, na mukhang papuntang parking lot. Nandyan din ang mga mayayabang na lalaking nagpapayabangan ng bagong gadgets nila. Pati na rin ang mga babaeng mukhang clown sa kapal ng make-up. Pagandahan sila ng mga accesories, gadgets, damit, bag, at kung anu-ano pa. Araw-raw ganyan dito, buhay mayaman sila. Unfortunately, wala akong mapagyayabang. Kagwapuhan ko lang ang kalevel nila. Baka sabihin niyo mayabang ako, pero totoo naman eh.. mas gwapo pa ako sa mga ungas na ‘to hehe. Mas mayaman lang sila :D

Kent Pineda nga pala, ang resident mahirap sa school na ‘to. Ang hirap makibagay kung tutuusin nga araw-araw mga mayayaman ang nakakasalamuha ko. Pero okay lang, kilala na nila ako at kinakaibigan pa. Bestfriend ko ang isa sa pinakasikat at mayaman dito, si Thunder. Kahit mayaman siya, napakabait naman niyang tropa ko. Hindi siya hambog gaya ng iba sa school na ‘to. Simula first year, kasangga ko na ‘to. Oh teka, baka magtaka kayo kung bakit ako nag-aaral dito. Una hindi ako scholar na matalino. Isa lamang akong hamak na varsity. Varsity ako ng volleyball dito kaya may scholarship ako sa varsity. Kaya ‘pag bumaba grades ko, baka hindi na ako makagraduate. Fourth year na ako, isang taon na lang at graduate na. Baka hindi naman ako makapag-college -__________- Trabaho muna. Pag-aaralin ko pa ang mga kapatid ko. Hay, ang saklap ng buhay ko no? Bakit pa kasi ako ‘yung panganay at kailangan sumalo lahat sa mga pangangailangan ng mga ‘to? ‘Pag panganay ba kailangan sila agad ang magsasakripisyo? -______________-

Teka, nandyan na si Thunder, si esprendzxsxhzshxshhxhsxh~~~~ ajejeje.

“Oy Kent, tinatawagan kita kagabi ah, cannot be reached daw,” sabi sakin ni Thunder na akmang aakbayan ako.

“Ah, nasira ‘yung cellphone ko kagabi eh.”

“Na naman?!?!?!”

“Oo eh,”

“Pre naman, 800 lang may matino ka ng cellphone. Bumili ka naman pare hindi ‘yung panay China phone ‘yang pinapatulan mo.”

“Sensya na dre, hirap ako ngayon eh. Tinitipid ko na nga lang ‘yung allowance ko sa varsity eh. Ang dami kasing bayarin ng mga kapatid ko. Hirap na nga eh.”

“Ano ba ‘yan pre, magtira ka naman para sa sarili mo. Kaya hindi ka magkaroon ng love life eh. Wala kang cellphone.”

“Dre, hindi ako nagmamadali sa pag-ibig. Sa gwapo kong ‘to, kayang kaya kong magkaroon ng girlfriend in instant.”

“Gwapo nga wala namang cellphone.”

“Aba naman! Hoy!!”

At nagtakbuhan na nga kami ni Thunder. Para kaming bata -_____-    ^__________^

Matapos makipaghabulan kay Thunder, umakyat na kami sa room. Habang naglalakad sa hallway, pinagnanasahan na naman ng mga babae si Thunder. -__- Mukha tuloy akong alalay nintong lalaking ‘to eh. Lahat sila nakatitig lang at kinikilig-kilig sa kanya habang naglalakad. Yuck. ‘Yung iba nagaabot pa ng letters at regalo. Eto naman si Thunder, tanggap naman. Pero ako din ang nagbebenefit ^________________^ Ako kasi ‘yung kumakain ng mga pagkain na regalo sa kanya kaya lagi akong busog eh hehehe. Tapos ako din ‘yung gumagamit nung ibang regalo niya. Ngayon, may nagbigay ng isang jar ng cookies na kanya, akin lahat ‘to wahahaha.

Pumasok na kaming dalawa sa room. Umupo na ako sa dulo. Magkatabi kami ni Thunder. Sa harapan ko si Minari, pero Nari ang kadalasang tawag sa kanya. Ang ganda niya, full-Japanese siya pero dito na siya sa Pilipinas pinanganak at pinalaki. Crush ko siya. Pero syempre crush lang. Nagagandahan, nababaitan, ‘yung ganun lang. Very very very light lang. Ang alam ko kasi crush niya si Thunder eh kaya hindi rin ako makakaporma dito eh.

“Good morning,” bati niya sa’kin.

“Good morning din Nari,” bati ko din.

“Ah, Kent,”

“Bakit?”

“Ah kasi...baka gusto mo ng part-time job. Ah kasi...”

Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

“Oo naman! Sige! Ano ba ‘yan?

Kailangang kailangan ko kasi ng part-time ngayon lalo na’t maraming gastusin. Lahat na ata ng part time jobs nagawa ko. Nagtitinda ng pirated DVDs, hardinero, janitor, house helper, cook, taga-sibak ng kahoy, baby sitter, dance instructor, tagalinis ng kuwadra, tagapakain ng baboy, lahat na as in. Kulang na lang drug pusher at macho dancer pero syempre joke lang ‘yun.

“Waiter. Nagbukas kasi ng bagong branch ‘yung cafe namin, malapit lang dito sa school. Tumatanggap kami ng student workers. Baka interested ka kaya inalok kita.”

“Sige sige!!”

“Salamat Kent!”

Yown, may bago na akong trabaho! Ang saya naman!! Dagdag kita :D Sa ngayon, waiter lang ang part time job ko. Busy na rin kasi ako sa school.

Pag-uwi ko, pumunta nga ako sa cafe na sinasabi ni Nari. Sabi niya pumunta daw ako doon after school para mag-usap para sa trabaho.

Pumasok na ako doon sa cafe. Ang ganda ng loob, pang-mayaman at sosyalin. Pumunta ako sa may counter para magtanong.

“Ah, excuse me miss. Ako ho si Kent Pineda, ‘yung kaklase ho ni Nari.”

“Call her Minari-ojousama,” sabi nung babae sa counter.

“Ah, sorry po.”

“Ikaw si Kent Pineda?” tanong nung babae tapos tinignan niya ako head to toe at parang kinikilatis niya ako.

“Oho,”

“Kung ganun, ikaw pala ang sinasabi ni Minari-ojousama. Magsisimula ka bukas. Ito ang uniform mo. Pakipirmahan itong kontrata, nandyan ang lahat. Dahil student worker ka, ayos lang kung hindi ka pumasok minsan dahil per araw lang ang bayad mo. Nagkakaintindihan ba?”

 “Ma’am, yes ma’am! Este, oho.”

“Sige makaka-alis ka na. Oo nga pala, ako si Caren Reyes, ang general manager dito.”

Ang bilis naman. Pinaalis agad ako -___-

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu