Chapter 4: Korni at Epal Chapter Special

102 2 0
                                    

Kent POV

Dear kupido, bakit naman kailangan mo pang ubusin ang pana mo at ipana lahat sa puso ko para mawala ang kamanhiran ko at ma-inlove kay Nari? Sana pumili ka man lang ng kalevel ko. Hello?!?! Ang yaman at perpekto ni Nari ako naman gwapo lang. Oo, gwapo lang. Hindi mayaman at walang mapagyayabang kung ‘di kagwapuhan lang. Ano pa ako ‘pag nawala ang kagwapuhan ko? Taena naman eh!!! Nababaliw na ako :|Nababaliw kay Nari :|

“Kristian!!” sigaw ni Kyle. Takte nagkukumpulan na naman.

“Oh, Kyle?”  sagot ni Kristian,nga pala si Kristian ‘yung pangatlo sa’ming magkakapatid. Grade six na siya.

 “Pwede bang itik na lang ako tapos.....”

“IKAW ANG BIBE KO!!!! BOOM!!!” sabi ni Kyle.

Takte, korni ha!!

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!” tawa naman si Karel na kakarating lang. Ang babaw ng kaligayahan -_______-

“Kyle, we want MOOOOOOOOOORE!!!” dugtong naman ni Karel. Hahaha, mga baliw ‘tong mga ‘to. Nakadrugs na naman XD

“Multo ka ba?” tanong ni Kyle.

“Baket???” sagot ni Karel.

“Kasi GHOST-o kita!!!!! BOOOOOOOOM!!!!!” banat ni Kyle.

‘Teka, medyo pwede na ‘yun.

“Dali, bigay ka pa!!!!!” request naman ni Kristian. Grabe naman ‘to maka-utos, hindi pa nagkukuya. Feelingero ‘tong ungas na ‘to, feeling panganay.

“Teka, isip pa ako... Hmm...tae ka ba?” tanong ni Kyle.

“Bakit?” tanong ulit ni Karel.

“Kasi, mahal kiTA EH!!!!!” banat ni Kyle.

TAKTENG MGA ‘TO!!! Saksakan ng korni hahaha.

“Ako si Pina, PINAnganak para sa’yo!!!”

“Whale ka ba?” tanong ni Kyle.

“Bakit?” sagot ni Kristian.

“WHALE you marry me?? BOOOM!!” sagit ni Kyle

“Mangga ka ba?” tanong ulit ni Kyle.

“Bakeeeet?” tanong naman ni Kristian ulit.

“Mukha ka kasing kalabaw!!!” banat ni Kyle XD.

“Saranggola ka ba?” tanong ulit ni Kyle.

“Oh, bakit na naman?” tanong ni Kristian.

“Ang ganda mo kasi sa malayo!!!” sagot ni Kyle.

“Sana bowl na lang ako at ikaw ang tae,”

“Baket na naman?”

 “Para kahit anong mangyari sa’kin ka babagsak!!!!”

“At.....hmm.....electric fan ka ba??”

“Oh,baket?”

“Ang hangin mo kasi!!!”

“Bitter ka ba??”

“Oh,why?”

“Mukha ka kasing ampalaya!!! Whoo!!!!!!!!!!” sunod sunod na banat ni Kyle. Ang daming baon ng amputek!!! HAHAHA XD

“Ang dami naman!! Hahaha, non-sense na ‘yung iba!!” apila ni Kristian.

“Hahaha,teka ito. Galing sa mga kaklase ko. Ketchup ka ba?”

“Baket -_________- ?”

“Hinahanap-hanap ka kasi ng hotdog ko!”

P*TANGNAAAAAAAAAAAAAAA HAHAHAHA TAENA, DANG LOKONG NENTO!!!

“ADEEEEEK!!” sagot ni Kristian.

“Manok ka ba?”

“Bakit Kyleee?”

“ Gusto ko kasing upuan mo ang itlog ko!!”

“Loko ‘toh hahahahahahahahahahahahaha!!”

“Magic lamp ka ba?”

“Baket?!?!?!”

“Gusto ko kasi kitang himas-himasin!”

“Gagi ‘to!”

“Mesa ka ba?”

“Bakit?”

“ Gusto ko kasi kitang patungan!!! HAHAHAHAHAHA XD” banat na naman ni Kyle.

TAKTE!! Ang baboy nentong lalaking ‘to!!!! Ano ‘to? LOKO AH!!! Pero laugh trip din nyahahahaha XD

“Teka, teka...Kristian, globe ka ba?” tanong ni Kyle.

“Bakit?”

“Patext naman!!!”

“HE!!! Ewan ko sa’yo!”

“HOY KYLE!! Tigilan mo nga ‘yan!! Ang baboy mo! Elementary palang ‘yang mga ‘yan!!” sigaw ko sa kanila. Hahaha, feel na feel ko ang pagiging panganay.

Tapos nagsi-alisan sila.

(A/N: Oy, haha sorry kung korni at luma ang mga pick-up lines na 'yan. 2011 ko pa 'to sinulat hahaha)

 

“Hoy Kent, nagtext si kuya Thunder!!” sigaw ni Kyle.

Lumapit naman ako sa mokong. At oo, may cellphone si Kyle. Daig pa ako. Napanalunan niya kasi ‘yan sa birthday ng kaklase niya. Mayaman ‘yung kaklase eh, prizes nung birthday niya eh cellphone, ipod, mga gadgets at kung anu ano pa. Sinewerte siya at nakakuha ng isang cellphone.

“Oh? Anong sabi?” tanong ko.

“Amplified Whispers daw ‘yung pangalan ng banda niyo tapos Mr. Right daw ‘yung kakantahin niyo bukas kaya pag-aralan mo daw. ‘Yun lang.”

Ah, Mr. Right ng A Rocket to the Moon. Paboritong banda ni Thunder ‘yan eh. Sige, sige..papapraktisin ko na lang.

Pero bakit kaya Amplified Whispers ‘yung napili nu’ng pangalan ng banda?? Parang may maganda ‘yung ‘Bayag ng Kapre’....he joke lang.

Hindi pa rin mawala sa isip ko si Nari. Kakabalita ko lang na may nanliligaw na sa kanyang taga ibang section. Paano ‘pag naunahan ako nun? Paano ‘pag hindi niya deserve si Nari? Paano ‘pag pinaglaruan lang niya si Nari? Paano??? ‘Pag ako pala ang mahal ni Nari? Pero ‘pag naging kami? Ang hirap naman :|

Pero okay naman ako kahit papano. Kahit mahirap lang ako, walang maibibigay na mamahaling regalo, matatamis ng tsokolate, magagandang bulaklak, malalaking teddy bear,sigurado namang hindi kita lolokohin at mamahalin kita. Dadaanin na lang kita ng kasweetan ko hehehe.

Ang hirap isipin na kahit pagdidikta at pagtuturo ko sa puso ko na ‘wag ma-inlove lalo na kay Nari, mission failed ako. Ang lakas ng hatak ng pag-ibig, natangay ako. Crush ko lang naman talaga si Nari, hindi ko siya dapat mahal. Asar naman. Nakakaasar. Wala akong magawa para sa nararamdaman ko kay Nari.

Kent Pineda. Isang ordinaryo at simpleng taong binigyan ng isang once in a life time chance at isang unusual situation, ang mainlove. Mainlove sa hindi lang ordinaryong babae. Sa isang prinsesa, sa isang mayaman na hindi ordinaryo at simple. Langit siya at amoy lupa si Kent. Paano na sila? Paano na ako? Napaparanoid na ako sa mga susunod na mangyayari :|

My Princess and I'm The Pauper [UD: C.9]Where stories live. Discover now