Chapter 3

9 1 0
                                    


"Grabe! Mas maganda pa ang gate nila kaysa sa'min," nasabi ko nalang. Laviore's mansion is really beautiful with a sense of anticipation filled the air. The moonlight cast an ethereal glow on the ancient trees that surrounded the estate, adding to the aura of mystery that enveloped the place.

Maganda ngunit masyadong mahiwaga ang lugar na ito.

I wandered through the meticulously manicured garden and smiled. Hindi ko akalaing mahilig silang magtanim ng halamang rosas dito.

Hindi ko mapigilang mapapikit ng maamoy ko ang sariwang hangin. The scent of blooming flowers filled my nostrils, and the soft rustling of leaves whispered secrets in the wind. It was as if nature itself was trying to guide me towards my destiny.

Speaking of destiny. Ito ba talaga ang nakatadhana sa akin? To be a spy? To play detective? To reveal their secrets? Hindi ko akalaing mangyayari ito sa buhay ko. Ni hindi ko naisip na iuutos ito sa akin ni Daddy.

Tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa may matandang bigla-bigla nalang sumulpot sa aking harapan. She wore a faded apron. Ang manipis niyang kilay ay bahagyang nakakunot habang nakatingin sa'kin, eyeing me from head to toe. Ang dalawa niyang kamay ay nagpapahinga sa kaniyang baywang. Kulubot na ang kaniyang balat ngunit bakas parin ang ganda niya. I think she's pretty when she's still at my age.

"Ah, young one," aniya sa mahinang boses, her voice filled with a mixture of warmth and authority.

"P-Po?" Tanong ko.

Who is she?? Kinakabahan ako sa mga titig niya. She's scanning my whole body using his eyes.

"Dumating ka rin sa wakas," aniya. "Ako ang katiwala ng bahay na ito.... Kanina pa kita hinihintay. "

I was taken aback by her words, unsure of how she knew my purpose for being here. Siguro pinaghandaan ito ni Daddy. Kakampi ba siya ni Daddy? o sadyang alam niya lang na may bagong katulong dito, at ako yun.

"What do you mean? You're the mayordoma here?" I asked, my curiosity piqued.

The old woman smiled knowingly. "oo." Maikli niyang sagot. "halika na't para magabayan kita sa mga kailangan mong gawin......" aniya at tumingin muli sa aking mata at bahagya akong binigyan ng ngiti. "....at mga hindi mo dapat gawin."

She beckoned me to follow her, and I trailed behind her as she led me through the mansion's grand hallways. The walls seemed to whisper stories of the past, and the portraits that adorned them watched us with silent curiosity.

Ngumuso ako at akmang hahawakan ang isang painting ng aso na may pulang mata ng pigilan ako ng matandang katiwala. Nakakaakit ang mata nito. Parang.....parang nakita ko na dati.

"wag mo yang hahawakan," aniya kaya mabilis akong umayos at sumunod sa kaniya. Nakakahiya naman yon. Kabago-bago ko rito nagiging pakialamera na ako.

We entered a small study tucked away in a corner of the mansion. The room was filled with dusty books and ancient artifacts. Ghad! Ang daming aklat!

"Can I read those books during my free time?" I asked. The old woman gestured for me to take a seat, and she settled into a worn armchair across from me.

"Pwede naman hija. Ngunit makinig ka sa'kin," she began, her voice filled with a mixture of reverence and caution. "Ngayon palang sinasabi ko na sayo hija na... hindi ito madali," aniya. Nilahad niya sa'kin ang isang libro.

Kunot noong tinanggap ko iyon at sinuri ng maigi. It's not a book, Isa itong journal na naglalaman ng mga kailangan kong gawin at hindi. Madaming nakasulat doon ngunit hindi ko na muna binasa. Mahaba pa naman ang oras ko.

"Ano po bang magiging trabaho ko dito?" Tanong ko.

She heaved a sigh and smiled gently. "May oras kapa naman upang umatras." Aniya. "Ano bang naisip mo hija at dito mo naisipang magtrabaho? Tiyak namang mas madaming oportunidad sa labas ng gubat na ito. Maganda ka naman at tapos ka sa High School kaya bakit gusto mong magtrabaho dito bilang isang katulong?"

I bit my lips. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ako sanay mag sinungaling. Pero.........

"Wala po kasing tatanggap sa tulad ko. Tsaka malapit lang kasi sa uuwian ko." Nag aalinlangan akong ngumiti habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Ayaw kong mag sinungaling....

"Kung ganon.....basahin mo yan. Nandiyan lahat ng kailangan mong gawin at mga hindi dapat gawin," aniya. "Yung iba ako na ang magtuturo sayo."

Tumango ako at ngumiti.She proceeded to share instructions that I need to follow. Umakyat kami sa hagdan, sobrang elegante ng pintuan nila dito. Iyong tipong makaluma ngunit elegante parin tingnan. Pati hagdanan sobrang kintab.

"Manang," tawag ko sa'kaniya. Huminto ako at tinitigan mula sa malayo ang naiibang pinto.

Paano ko nasabing naiiba sa lahat ng pinto rito? Dahil sa kulay nito. Lahat ng pinto rito ay kulay itim at puti ngunit ito lang ang nag iisang pula. Ang nakakapagtaka pa ay nasa pinakahuli ito.

"Kwarto yan ni young master," sabi ni Manang mayordoma ng bahay ng makita niyang titig na titig ako sa pinto. Malayo kami ngunit agaw pansin iyon dahil naiiba ito sa lahat.

"Ilan po ba ang anak ni Mr. Laviore?" Tanong ko. I keep on following her like a dog. Grabe, saan ba kami pupunta?

Huminto si Manang sa isang puting pinto. Pinihit niya ang door knob at binuksan bago ako nilingon.

"Tatlo, Isa sa kanila ang pagsisilbihan mo," aniya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pagsisilbihan?

"What do you mean? Diba maid lang naman ako dito?" Puno ng pagtataka
ang aking boses.

"Gaya ng sabi ko kanina may oras kapa para umatras. Hindi madali ang pinasok mong trabaho ngunit nasa sayo parin naman ang desisyon. Isa lang ang ipapayo ko..............mag-iingat ka."

Dancing Under The Moonlight  | Uno Ventricos Laviore  #1Where stories live. Discover now