Chapter 5

14 1 0
                                    


I've never imagined myself dying in such a painful way. Ni hindi ko gustong maranasan  ang mamatay at makaramdam ng pamimilipit ng sakit.

Bumuntonghininga ako at tumingin sa madilim na kalangitan. I wish I'm one of those stars above. Peaceful. Walang problemang iniintindi. Walang mission at walang deadlines. I want peace and freedom.

"Lea!"

Agad akong napalingon kay Manang Linda. Kanina ko lang nalaman na ang pangalan niya pala ay Linda.

"Halika na't ituturo ko sayo ang bahagi ng bahay kung saan ka mamamalagi."

Sunod-sunod akong tumango sa kaniya. I wonder how he look like. I'm curious. Nais kong malaman kung bata pa ito o matanda na. Kung bata naman ay walang problema sa'kin ngunit kung matanda na ay..........dilikado.

"Manang...." I called and bit my lips. So far hindi ako nahirapan sa mga tao dito. Siguro dahil magaling ako makitungo. And I love talking to people. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ko.

Bumuntonghininga siya at tumango. I think she's also tired. Pabalik-balik kasi siya at kung minsan naman ay may inaasikaso siyang mga papel. She's just the mayordoma here pero sobrang dami niyang ginagawa. Nagtataka na tuloy ako kung kasama ba sa mga gawain niya ang pumirma ng mga papelis.

This mansion is pretty big. Maybe because I'm too small? Liban pa don ay kaunti lang ang nakatira. Mga nasa apat lang din ang katulong dito. Kahit maliit ay kita ko naman na nagagawa nila ng mabuti ang trabaho. Manang Linda really trained them well.

Halos salamin ang pader na tinatahak namin ngayon. Manang told me earlier that I have my own room near my boss room, iyong pagsisilbihan ko. Hindi parin mawala sa dibdib ko ang kaba sa tuwing naiisip na hindi mabait ang paglilingkuran ko o kaya naman sobrang kulit.

Nakakainis pa dahil marami silang binigay na paalala sa'kin ngunit kahit isa ay wala akong matandaan. Dibali, may journal naman silang binigay sa'kin. I'll read it later...

Huminto kami sa tapat ng malapad na pinto. Malapit iyon sa kulay pulang pintuan. Iyong naiiba. Akala ko'y iisa lang ang pulang pintuan dito, dalawa pala.

"Dito ang kwarto mo," aniya. Binuksan niya ang punting pintuan at giniya ako papasok. I smiled while roaming my eyes inside the room. This is amazing. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang magkaroon ng ganito kagandang kwarto ang mga katulong.

Or maybe I'm just too special for them kasi I'm gonna take care of their son. Bumuntonghininga ako at nilingon si Manang.

"This is great!" I happily said. "Hindi ko akalain na ganito ang kwarto ng mga katulong nila dito."

"Maalaga sila Panginoon sa kanilang mga kasamabahay," Ani ni Manang.

Hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa tawag nila kay Mr. Laviore. Pero mabilis naman akong masanay.

"Ang ganda," I said and touch the pillow. Sobrang lambot nito..... Siguro mas malambot pa sa unan ko.

Salamin ang pader ng kanang bahagi ng kwarto ko. May nakaharang na kurtina roon. I really love it! Gustong-gusto kong gumising sa umaga na magandang tanawin ang unang bubungad sa'kin.

May bedside table sa gilid at ang study table naman ay nakalagay hindi kalayuan sa puting cabinet.

There's a rose on the flower vase. And there's also a soft elegant couch sa harapan ng kama. Halos lahat ay nasa maayos na puwesto.

"Ang mga gamit mo'y nasa loob na ng cabinet. Pinaayos ko kanina."

I smiled at Manang Linda. "Thank you po," I said. Ngumiti lang siya pabalik.

Dancing Under The Moonlight  | Uno Ventricos Laviore  #1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu