Chapter 4

9 2 0
                                    

"Bilisan mo," inis na utos sa'kin ng isang babae.


I don't know her, all I know is she's one of the Laviore's housemaid. Umirap ako sa hangin at inis na sumunod sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.


"Nais kang kausapin ng Panginoon," sagot niya.


Natawa ako dahilan para huminto siya at lumingon. Masama ang tingin niya. Parang kanina pa siya naiinis sa'kin at kung pwede niya lang ako itapon sa labas ginawa niya na. What's wrong with her? Did I do something wrong?

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong niya.


My lips formed an 'o'. Kaya ba ganiyan siya tumingin sa'kin? I bet Sabel won't like this girl. Baka sampalin niya lang ang babaeng ito dahil sa paraan ng pagtitig nito sa'kin.



"Look, I'm not laughing at you. It's just that you're so weird. You keep on saying kakausapin ako ng Panginoon," I said and laughed realizing that she's really too serious. "What? Hindi naman kasi ako na-inform na bumaba na pala sa langit ang Panginoon," I said sarcastically.

Mas lalong tumalim ang mata niya. The sarcastic smile planted on my lips slowly fading away when I notice her eyes. It keeps on changing colors. Nagiging golden yellow tapos babalik sa pagiging black.


I blink when I heard someone calling us behind her kaya nawala ang focus ko sa mata niya. It was Manang mayordoma ng bahay.



"Bilisan niyo na!" Sigaw nito sa'min.


Mabilis akong tumango at binalikan ng tingin ang mata ng babae. Wala na ang matalim niyang titig ng magtama ang mata namin.


Isa nalang ang nakikita ko roon. Tila nalilito siya, naguguluhan sa isang bagay. She's looking at me curiously.


Namamalikmata lang ba ako?


Umirap nalang ako at mabilis na umalis. Iniwan siya at sinundan si Manang mayordoma ng bahay. I still don't know her name kaya patuloy ko parin siyang tatawaging Manang mayordoma ng bahay.

Ginaya nila ako sa isang pinto. Sabi office daw iyon ni Mr. Laviore at kanina pa ito naghihintay sa'kin.


Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ng sabihin ni Manang mayordoma ng bahay na si Mr. Laviore ang makakaharap ko ngayon. Siya pala ang tinatawag nilang Panginoon dito.


"Manang..." Tawag ko sa'kaniya ng akma na siyang aalis. "What should I do—I mean, anong isasagot ko? Do you know—"

"Pumasok kana hija."

Laglag ang pangang sinundan ko ng tingin si Manang. Matapos niyang sabihin iyon ay umalis siya agad.


Bumuntonghininga ako at pinalis ang namamawis kong noo. Ramdam ko ang panlalamig ko dahil sa kaba.

Napalunok ako at hinawakan ang doorknob. Akmang pipihitin ko na iyon ng biglang may magsalita sa aking tabi.


"You should knock first."

"Kabayo!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Bahagya pa akong napaatras habang nanlalaki ang mata.

Tumawa siya at nagtaas ng kilay. "Ang gwapo ko para maging kabayo," aniya. 


"S-Sino ka?" Tanong ko.


He's tall. Maganda rin ang pagkahubog ng kaniyang katawan. I think he's doing workout. Malinis ang kaniyang gupit, matangos ang kaniyang ilong. Makapal ang kaniyang kilay, it made him look intimidating and serious. Heart shape face with beautiful brown almond eyes.


Huh. Sino naman kaya ang isang ito??


"Hindi ka ba tinuruan sainyo? Before entering someone's door, knock first and wait for his approval. Hindi yung papasok ka ng walang paalam, your not a member of our family," aniya bago ako iniwang tulala sa mga mata niya.

Ang yabang niya magsalita ah!
"Hoy!" Tawag ko sa'kaniya. Huminto siya at nilingon ako. "Alam ko naman yon. Tinuruan ako sa'min! Ang yabang mo!" Sabi ko bago walang pag aalinlangang kumatok sa pintuan ng tatlong beses bago pumasok.


I only heard him laugh. Nakakainis siya, ang yabang naman non.


"It seems that you are used to make people wait for you huh," a baritone cold intimidating voice echoed.


Bumalik ang kaba at panlalamig ko kanina ng maalalang kakaharapin ko nga pala ang boss ko.


"G-Good morning s-sir," nauutal kong bati sa kaniya.

Kunot lang ang kaniyang noo habang sinusuri ako.


"It's Señor, not sir..." Aniya. Inayos niya ang kaniyang salamin sa mata bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. "At gabi na, it should be good evening, miss.....?"


"Ah sorry po. Good evening po pala and....ah I'm Aza—lea, I'm Zalea Mariano po," mabilis akong naglahad ng kamay na tinanggap niya naman.


Nakakainis. Gabi na pala, ni hindi ko na mabantayan ang oras. Ang bilis. Parang kanina lang may araw na sumisilip sa bintana, ngayon liwanag pala ng buwan ang nakikita ko.


Nakakahiya naman. Baka sabihin niya ang tanga at bobo ko. Baka tanggalin niya ako bigla. Lagot ako kay Daddy pag nagkataon.


"How old are you?" Tanong niya. Kung dagat siguro ako kanina pa siya nakasisid. I mean his looking at me deeply on my eyes. Like his reading what's on my mind.

"t-twenty..." sagot ko.

"Did Manang already told you what to do?" Tanong niya na mabilis ko namang tinanguan.

"Pero may iilan pa po akong hindi alam," sabi ko. "Tulad nalang po ng kung ano ang magiging trabaho ko. Obvious naman po kasi nag hindi ako katulong dito dahil sa binigay nilang uniform sa'kin," I said. Nahihiya ako ngumiti ng magtaas siya ng kilay.

"Manang didn't inform you yet?" Aniya at bumuntonghininga.

Kung tititigan mo siya ng maiigi masasabi mong kay sungit at strikto niya. Maawtoridad at seryoso dahil sa binibigay niyang ekspresiyon sa mukha.

But he's nice and calm while talking to me. Wala rin akong naririnig na pagmamataas. Tanging babala lamang at mga payo.

"Uno never wanted a personal maid but since he needs help.......I insist to find her a maid, iyong makakatulong sa kaniya."

"May sakit po ba siya?" I asked.

Natawa siya at umiling. "Parang..... ganon narin iyon," aniya. "He's kinda different," aniya.

"Special child po ba siya?" Tanong ko ulit.

Kumunot ang kaniyang noo at mas lalong umiling. "Oh no hija, he's not like what you're thinking," aniya na kinatawa namin pareho.

Baka kasi mamaya yung aalagaan mo pala ay special child, naku! Paano na ang misyon ko?

Binigyan niya pa ako ng karagdagang impormasyon tungkol sa anak niyang pagsisilbihan ko. I never imagine myself serving someone. Ang kaisipang lulutuan at aalagaan ang ibang tao ay nakakapanghina na ng loob sa'kin. Ni hindi ko panga naaalagaan si Daddy, eh.

"Alam mo naman na siguro ang gagawin...." aniya at ngumiti. "I hope you'll stay long."

"Po?"

"Avoid looking into his eyes," aniya at ngumiti. "His kinda.... kinda playful sometimes."

Hindi ko man siya maunawaan ay tumango parin ako.

Dancing Under The Moonlight  | Uno Ventricos Laviore  #1Where stories live. Discover now