Kabanata 8

1.1M 20.5K 5.1K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 8 

Kakatapos lang ng klase namin. Kanina pa nakatingin sa akin si Shiloah dahil sinabi ko sa kanya na ngayon na ako magsisimula sa trabaho ko pero ka-text ko pa si Parker. Nakalimutan ko yatang sabihin sa kanya 'yung tungkol dito.

Nagbuntong-hininga ako. Nakalimutan ko lang naman talagang sabihin kay Parker pero pakiramdam ko, mayroon akong sikreto. Sobrang bigat sa pakiramdam na may tinatago ka. Paano kaya nakakatagal iyong mga tao na maraming sikreto? Para kasing anytime, sasabog ka.

"Pwedeng puntahan ko muna si Parker?" tanong ko kay Shiloah. Ayoko kasi na sa text lang namin pag-usapan 'to, e. One week na nga kaming hindi nagkita tapos ngayon na magkasama kami mag-aaway lang kami? Ayoko naman nun.

Marahan na tumango si Shiloah. Ang bait niya talaga. Pero minsan nakakainis na 'yung kabaitan niya. Nag-aalala kasi ako na baka mapagsamantalahan siya. Ganun naman kasi 'yung nangyayari sa mga mababait na tao, 'di ba? Sila 'yung pinagsasamantalahan. Kaya ayokong maging mabait, e. Kuntento na ako sa kung ano ako ngayon—not exactly a saint but not a sinner, either: just the correct fusion of both.

"Okay," sabi niya. Sabay kaming naglakad pababa at naghiwalay kami nung dumiretso ako sa lib kung saan kami nagkikita ni Parker. Pero nung naghiwalay na kami, lumingon ako para makita si Shiloah. Napangiti na lang ako nung makita ko na suot niya 'yung binili kong damit. Hindi na siya mukhang nerd masyado. Suot niya pa rin 'yung salamin niya pero ewan ko ba, bagay kasi sa kanya. Parang lalo siyang nagmukhang mas mysterious dahil doon.

Habang naglalakad ako papuntang lib, inisip ko rin kung pipilitin ko bang mag-gym si Shiloah? I mean para magkaroon naman siya ng laman. Mas macho pa yata ako sa kanya, e.

Pagdating ko sa filipiniana section ng lib, nandun na agad si Parker. Nakasuot pa siya ng soccer uniform niya at mukhang pagod na pagod siya. Bigla naman akong naguilty dahil nasungitan ko pa siya text gayong pagod na nga siya. Minsan sobrang inconsiderate ko rin, e.

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi pa rin kasi kami totally okay simula nung nawala siya ng one week. We talked it out already pero hindi pa rin kami bumabalik sa dati talaga. Para bang may issue pa rin na pareho naming iniiwasan pag-usapan.

Huminga ako nang malalim. "Hindi ko ba talaga nasabi?" I asked him. Umiling siya. Damn. Hindi ko talaga nasabi? Weird. "Well, anyway, nagtatrabaho ako para kay Shiloah."

Hindi pa rin siya sumasagot kaya naman kinakabahan ako. Hindi kasi ako sanay na tahimik lang si Parker. Ang dami niya kasi palaging sinasabi sa akin. Sabi ng ibang tao, tahimik lang daw si Parker—'yung pa-cool at snob daw kaya mas lalong maraming nagkakagustong babae sa kanya. But the Parker I met and loved? Hindi siya tahimik. Ang dami niyang kinukwento sa akin. Lahat yata ng bagay may opinyon siya. That's my Parker.

At itong tahimik na nilalang sa harap ko? He felt strange.

"Madali lang naman 'yung trabaho, sasamahan ko lang naman siya—"

He cut me off.

"A few months ago, walang Shiloah. Tapos ngayon, puro Shiloah," he said. I felt shivers down my spine dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Maraming pinagselosan si Parker sa mahigit isang taon na magkasama kami pero 'yung ngayon? It was on a whole different level. "Dapat na ba akong kabahan? Do you have feelings for him?"

"What? No!" mabilis na sigaw ko. Wala na akong pakielam kung may makarinig sa amin o kung pagalitan pa ako ng librarian namin dahil sa pagsigaw ko. Nababaliw na ba si Parker?! Why would I do such a thing?!

I may be a lot of things but I will never be a cheater. That's just so low.

"Parker, naririnig mo ba 'yung sarili mo?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now