Kabanata 30

824K 16.7K 5.4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 30 

"You sure okay ka lang?"

I nodded and showed a small smile.

"Okay, sabi mo, e," Mari told me. Dalawang araw na simula nung huli akong kinausap ni Parker. I changed my number and the locks in my house. I even deactivated all my sns accounts para wala na talaga siyang paraan para makausap ako. Buong weekend, ginugol ko kasama si Mari. Kailangan kong lumabas. Hindi naman pwede na palagi na lang akong nagkukulong.

I needed to build a life without him. Hindi man masaya sa una, palagay ko naman magiging masaya rin ako sa tamang panahon.

Kakatapos lang namin na manood ng movie. Comedy iyong napili namin pero ewan ko ba, kahit ano'ng galing magpatawa nung mga artista, ni hindi man lang ako napangiti. Hindi ko maappreciate ang mga magagandang bagay dahil mas nagfofocus pa rin ang puso ko sa mga masamang nangyari sa akin.

Hindi pala talaga madaling maka move on.

Dumiretso kami sa isang coffee shop. Umorder na kami ni Mari pero pumunta muna siya ng CR kaya naman naiwan ako na nakaupo. I was fiddling with my phone nung biglang may malamig na tumapon sa ulo ko. I almost shrieked but my heart stopped nung makita ko kung sino ang responsable sa pagkakatapon ng isang malamig na frappe sa ulo ko.

"Oops," sabi niya. She had the audacity to smile. This freak! "Sorry."

I tried to calm myself down. Hindi ko dapat siya patulan dahil baliw siya. But with what she's doing? She's making it extra-hard to tolerate her!

"It's okay," I forced myself to say. Inabot ko iyong tissue sa lamesa at pinunasan ang sarili ko. I felt so icky. I was actually waiting—no, praying na umalis na siya. Ayoko siyang makita. She's just reminding me of someone whom I can never have.

Pero imbes na umalis, umupo pa siya roon sa pwesto ni Mari.

"You're Imogen Harrison, right?"

Hindi ako sumagot. I just stared at her.

"It's fine if you don't talk to me. Kilala na kita. From your seemingly happy life to your whore of a mother. No wonder malandi ka kasi may pinagmanahan ka pala," she said with a grin.

My blood was starting to boil. I was barely keeping it together but this freak was making me lose my temper. But I chastised myself. Wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko ang baliw na 'to. Kaya naman huminga ako ng malalim at hindi ko na lang siya sineryoso. She's crazy. She's mental.

"May kasama kasi ako so, if you won't mind, umalis ka na?" I said in the nicest way I could muster.

Kumunot ang noo niya. "What? Your friend? Don't worry; my guards are taking care of her. Let's talk for a while."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. This bitch! Ano'ng ginawa niya kay Mari?!

Tatayo na sana ako para sundan si Mari sa CR pero pinigilan ako ni Bianca. She held my arm firmly while giving me a smile that sent chills down my spine. "Sit," she ordered. Hindi ako gumalaw. Hindi ako magpapatakot sa babae na 'to! Wala naman akong ginagawa sa kanya kaya hindi niya na dapat ako guluhin! "Sit," pag-ulit niya.

"Baliw ka," I spat out.

She let out a small laugh. "Oh, Imogen. You have no idea what you're talking about," she said. "Now, sit."

I scowled at her as I sat down. Gusto ko siyang kalbuhin at saka itapon palabas. Makita ko pa lang siya, kumukulo na agad ang dugo ko. I know it's wrong to think this way but I really want to hurt her real bad. Gusto kong maramdaman niya lahat ng pagpapahirap na idinulot niya sa akin. I want her to experience the same pain—twice worse.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now