Bonus (Closure)

1.2M 27.5K 36.5K
                                    

*Huli na talaga 'to. And use #JustTheBenefits para mabasa ko hehe. Happy New Year, guys! This is the happiest I could do. Hope you appreciate. And listen to Leona Lewis' Better in time.

Imogen's POV

"Don't."

Hindi ko kayang makausap si Quin ngayon. I felt betrayed. I felt lied to. I felt like everybody conspired to protect me only to hurt me in the end.

I felt so crushed.

Hindi ko alam kung paano akong nakauwi sa Pilipinas. Parang gusto ko na lang manatili sa tabi ni Parker—para sabihin sa kanya na nandito pa rin naman ako. I may not love him the way he wanted me to love him but he'd always be in my heart. I once loved him a great deal. He wormed his way to my heart hanggang mawalan ako ng pagpipilian kung hindi ang mahalin siya.

He could have been it.

We could have been it.

But he lied to me. And his lies led me to Shiloah. And for that, I can't hate him.

Yakap-yakap ako ni Shiloah nung dumating ako mula sa Zürich. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin iyong boses ko. Patuloy lang na tumutulo iyong luha ko.

"Shiloah, gusto niyang mamatay..." paulit-ulit na sabi ko. Para akong nasa isang bangungot at hinihintay ko lang na magising ako. Na sabihin sa akin na hindi 'to totoo kasi masyadong masakit para maging totoo. Kasi masyadong mabigat para matanggap.

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako ng niyakap. Hindi niya sinabi na magiging maayos din ang lahat. Hindi niya ako pinaasa dahil alam ko naman na hindi magiging maayos.

We could move on from this but it will never be the same.

He'd leave a scar that I'd have to live with forever.

Umuwi kami sa bahay at nandun si baby Preston. Agad ko siyang pinuntahan at saka niyakap. Kung may isa mang mabuting bagay ang nangyari, iyon ay ang malaman ko na si Shiloah ang tatay ni Preston. Masaya ako na siya. Masaya ako na kami talaga... pero bakit ganoon? Mayroong parte sa isip ko na sana si Parker na lang... Sana siya na lang... Kasi baka kung ganon, magkaroon na siya ng dahilan para mabuhay. Para hindi na kami iwan.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang kausapin siya ng hindi umiiyak. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang tignan.

Sobrang bigat.

Sobrang layo niya sa Parker na nakilala ko. 'Dun sa Parker na minahal ko. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya, ramdam mo iyong pagod. Na parang ayaw niya ng mabuhay. Na parang sumusuko na siya sa lahat.

I wanted to slap him.

I wanted to hug him.

I was feeling all emotions at once.

Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan.

It felt like he'd given up and it was haunting me.

Na kung sana hindi ko sinabi sa kanya na nasa bahay ako, hindi 'to mangyayari... Hindi siya pupunta 'dun para tulungan ako. Hindi siya... magkakaganon.

"Imo..."

Napatingin ako kay Shiloah. Kakatapos ko lang patulugin si Preston at nandito ako sa nursery niya. Tuwing gabi, hindi ako makatulog dahil palagi kong iniisip iyong pag-uusap namin ni Parker. Palaging paulit-ulit na iniisip ko iyong mga salitang nasabi ko. Na kung may nasabi ba akong mali... na kung sinabi ko ba na mas mahal ko siya, baka hindi niya tuluyang sinukuan ang buhay niya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now