Kabanata 20

894K 18.6K 5.4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 20 

Ni wala pang isang araw simula nung sinabi ko kay Parker na 'wag muna kaming mag-usap. Sobrang tahimik ng buhay ko pero mas mabuti na 'yung ganito. I can't be dragged by the issue he has lalo na at wala naman yata siyang balak sabihin sa akin kung ano ito.

Pero sana ayusin niya kung anuman ang dapat niyang ayusin... I was still hoping that he could fix it... that we could still be fixed.

Nag-iisip na ako ng mga bagay na maaari kong gawin. Ngayon ko lang talaga na-realize na masyado akong naging dependent kay Parker na ngayon na wala na siya, parang biglang tumigil iyong mundo ko mula sa pag-ikot. Hindi pala iyon maganda. Hindi maganda na ibigay mo lahat kasi kapag iniwan ka, ni hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Hindi pa kami hiwalay, we just took a beat but the effect was utterly overwhelming. Ganito pala kalaki ang epekto sa akin ni Parker. I never realized he invaded my life this much.

Ngayon ang simula ng university week pero sobrang down ng spirit ko. Dapat maging masaya rin ako kagaya ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko magawa. How can I smile if deep down inside, I was hurting?

I miss Parker. Too damn much but we need the space more. It's better to be separated than to get us killed by being together.

"Where's Candy?" tanong ni Toby.

Carl rolled his eyes. "With his boy toy," sagot niya.

Bakit ba ang malas ko? Bakit kasama ko ang mga lalaki na 'to? Kulang na lang maglaslas ako dahil sobrang naiirita ako sa presensya ni Carl. Kaya ko pang tagalan iyong ibang mga kaibigan niya pero si Carl? Wow. Sobrang yabang at presko niya, hindi ko kinakaya! He took the art of being an asshole into a whole new level!

Mas malas pa ako dahil kahit na gusto kong umalis dito sa booth ay hindi ko magawa dahil una, wala akong tiwala sa mga tao na 'to! Baka magkagulo lang. Ni hindi ko sila maiwanan kahit ilang segundo lang. At pangalawa, namamaga pa rin iyong ankle ko.

Life's really testing my patience and it's hitting dangerously low. The only consolation I was looking forward was to hear Shiloah sing.

Mabuti na lang at nagsimula ng dumami ang mga tao kaya naman hindi ko na masyadong napansin pa sina Carl dahil swear to all the gods, malapit na akong sumigaw at magwala dahil sa kanila! For the love of all that's holy! Paano natatagalan ni Shiloah sumama sa mga tao na 'to?!

"We'll just smoke," sabi ni Carl.

Tss. 'Wag ka ng bumalik.

Umalis na sila kaya naman nagkaroon na ako ng katahimikan sa booth. Nagsimula na rin iyong opening ng University week kaya naman wala ng masyadong mga tao na nagpapagala-gala sa mga booth. I was able to rest my foot for a minute. Nakaupo lang ako at tahimik na nakikinig sa mga kumakanta sa stage. Kailan kaya kakanta si Shiloah? Hindi ko rin kasi siya nakaka-usap lately kaya wala talaga akong clue. Ni hindi ko alam kung ano ang balak niyang kantahin... Bukod sa pagbili ko ng mga damit na isinusuot niya, wala na kaming interaction.

After a few minutes, dumating si Tobi.

"I'll take over. Break ka muna," he said. I looked at him at parang naintindihan niya kung bakit ganun na lang ako makatingin. Bakit bigla siyang naging mabait? "Look, my friends are assholes, yes, but I am not. I'm trying to be nice here so take advantage. I promise I won't get this booth burned down. Kumain ka muna or do whatever the hell you like."

I furrowed my brow.

"You are weird."

"Says the girl who always looks murderous."

Just The Benefits (PUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ