Kabanata 35

710K 14.3K 7.2K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 35

"Kinakabahan ako."

"Calm down. We need to be strong for her."

"Alam ko naman... but she's scaring me. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko siya makausap. Natatakot ako..."

"I know."

Tumayo ako at pumasok sa CR. Tumingin ako sa salamin. Hindi ko makilala kung sino ang nandun. Her eyes looked bloodshot and her hair was a mess. She looked lifeless... Siguro dahil ganoon din mismo ang nararamdaman niya.

Parang tinakasan siya ng buhay.

Ilang segundo ako na nakatayo lang doon. Hindi ko alam ang gagawin ko. I wanted to cry but tears were not coming out. Sa wakas ay naubos na yata sila. Pero bakit kung kailan kailangan kong umiyak, at saka naman ako hindi maiyak?

I wanted to cry to feel the pain.

I wanted to feel the pain.

I wanted to feel something.

I wanted to feel just anything...

But I can feel nothing. I felt numb.

Sinubukan ko na maghilamos para magising ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Pero wala, e. Ganun pa rin. Iyon pa rin ang naaalala ko. Wala pa rin akong nararamdaman.

"Imo?"

There was a knock on the door. Narinig ko ang boses ni Mari. Nag-aalala na siya sa akin. Nagpapasalamat ako na nandito siya pero hindi ko naman siya kailangan. Gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko lang matahimik.

"Imo, open the door, please. Papasok ako," she said.

"Ayos lang ako."

"Please?"

Huminga ako nang malalim bago naglakad para buksan ang pinto. Pagbukas ko roon, nakita ko ang mukha ni Mari. Mukhang iiyak na naman siya. Naglakad siya at agad na niyakap ako.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Basta nararamdaman ko ang higpit ng yakap niya. Well, at least may nararamdaman pa pala ako. Hindi pa pala ako manhid na manhid.

"Okay lang ako," sabi ko. Paos na ang boses ko. Bakit pa ako nagtaka? Puro sigaw at pag-iyak lang yata ang ginawa ko kagabi. Hindi na rin ako nagulat nung may makita akong mga pasa sa braso ko. Kung saan-saan yata ako tumama habang nagpipilit ako na makita siya.

Iyong apoy.

Iyong pagsigaw ko.

Iyong pag-iyak ko.

Napabitaw ako sa yakap ni Mari nung maalala ko na naman ang mga nangyari.

"Gusto kong matulog," sabi ko sa kanila.

Pareho silang tumango.

"Sige, matulog ka lang. Dito lang kami sa labas, okay?" sabi ni Mari.

Umiling ako. "Okay lang ako. Umuwi na rin kayo. Pareho lang tayong pagod." Magsasalita pa sana ako nung maalala ko na wala nga pala ako sa bahay ko. And then I felt that familiar stabbing in the chest.

Hindi ako makahinga ulit.

"Rest, Mari. Ako muna ang bahala sa kanya."

She looked at him. "Sure?"

He nodded. Tumingin ulit sa akin si Mari na para bang ayaw niya akong iwan. Na para bang bigla na lang akong mawawasak sa isang kurap niya. So I nodded and forced a small smile. Kahit na pakiramdam ko wala na akong karapatan na ngumiti. Wala na akong karapatan na sumaya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Just The Benefits (PUBLISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن