Kabanata 59

733K 18.5K 5K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 59 

We ate pretty quickly. Medyo natagalan lang kami dahil once in a while, bigla akong mapapatigil sa pagkain at mapapatingin kay Shiloah at mapapangiti. He was oblivious to the stares I was giving him because he was too busy eating. Ang cute niya lang dahil seryoso siya sa pagkain. Hindi ko tuloy malaman kung seryoso ba siya sa pagkain dahil gutom talaga siya o sineseryoso niya iyong sinabi niya na magpapataba siya para pareho kaming mataba.

Sometimes I can't understand how his mind works.

"Okay ka na?" he asked me.

I nodded.

"Sige, sandali lang," sabi niya tapos tumayo siya. Pumunta naman ako sa CR dahil naiihi ako. Ang dami naman kasing pinainom sa akin ni Shiloah, e. Pagbalik ko sa table, nakita ko na nakaupo pa siya roon. 

"Tara na," I said.

"Sandali lang," sagot niya sa akin.

"Baka hanapin na nila tayo," I said. Halos 30 minutes na rin kaming kumakain. Medyo natagalan dahil ang daming inorder ni Shiloah na pagkain. Ang lakas-lakas niyang kumain pero ni hindi man lang tumataba. Ang unfair talaga.

"Sandali lang 'to," he said and I shut up because it seemed like he wouldn't listen to me, anyway. Ilang minuto lang naman kaming naghintay nung may isang waitress na naglapag ng isang paper bag sa harap namin. "Thank you," sagot niya roon sa waitress at biglang namula iyong babae.

Napailing na lang ako. Kailan pa naging ganito ang epekto niya sa mga kababaihan?

"Tara na," he said and stood up. Tumayo na rin ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa arena nung tinanong ko siya kung ano ba iyong dala niya. Ang laki kasi nung paper bag, e.

"Pagkain," he replied. "Para hindi ka magutom mamaya."

I bit my lip for a second. Can this guy get any sweeter?

Of course he can. He kept on surprising me every day. Parang kapag akala ko na todo na iyon sa pagiging sweet niya, bibiglain niya ako at ipapakita sa akin na kaya niyang mas maging sweet pa.

I suddenly felt lucky because I was able to enjoy all of this. Hindi lahat ng babae makakakita ng Shiloah nila—iyong lalaki na walang expectations mula sa iyo, iyong masaya sa mga maliliit na bagay na kaya mong ibigay sa kanila, at iyong mahal na mahal ka. No questions asked; basta mahal ka nila.

Nung pagdating namin sa loob ng arena, sakto na nakasalubong namin si Kyle Mendes. Thank God nandinto na siya! At thank God na kasabay namin siya! Ayoko na mapagalitan si Marga dahil sa amin ni Shiloah. Kahit sandali ko pa lang kakilala si Marga, ayaw ko na mapahamak siya dahil sa akin. I care for that giggly human being.

Tinanguan niya si Shiloah. Napakunot naman ang noo ko. Magkakilala sila?

"Galit na ba si Irina?" he asked Shiloah.

Shiloah nodded.

"Ginalit mo na naman," Shiloah replied.

Mas lalong napakunot ang noo ko. It felt weird seeing Shiloah being... friends with someone. Siguro dahil nasanay lang ako na wala siyang kaibigan bukod sa akin o kina Candy... Actually, wala pa akong nakikitang kaibigan na lalaki ni Shiloah—or babae for that matter. Hindi naman kami naging friends platonically, hindi rin sila ni Candy, at mas lalong hindi ko ico-consider na magkaibigan sila nina Tobi at Carl. So it kinda felt weird seeing him friends with an actual human being.

Kyle shrugged. "It's worth it anyway," he said and then walked a bit faster. "Una na ako," he said to both Shiloah and I kaya napatango na lang din ako.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now