pt 1

40.3K 390 34
                                    

AUTHORS NOTE:  MATAGAL NA PO ITONG STORY NA ITO, LIKE 2012 PA. BINALIK KO LANG, SO IF YOU FIND IT VERY SHALOW ( HAHAHA ) AYOS LANG. ENJOY READINGS!!!



******



PT 1

***YAM POV***

Naglalakad ako sa Eskineta Madilim St. tambyan ng mga halang ang kaluluwa, 10pm, walang ilaw kaya madilim ang tawag dito.

"Tulong..."

Takte! parang ugong ng multo, pero hindi ko pinansin, kinakabahan ako pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Tulong sabe eh, Tanga mo naman eh"

Ay wait! lang tinanga ako ng multo, paksyet siya. Hihingi nalang ng tulong ita-trashtalk pa ko? Naku ha!

So, tumingin ako sa paligid.

Waley naman akong makita, kinabahan akong maigi. Hindi naman ako nagda drugs para mag-hallucinate tonight? Pero its seem so real!

Lakad ako ulit. Mabilis na lakad kasi very scary talaga ang kantong ito.

"Huy, saan ka pupunta? I said help me, you freak!"

Ay syete nagi-english ang ghost, at shemay ulit, ano raw? Freak? What the freak!

"Shuta kang multo ka, manahimik ka na, sundan mo na ang ilaw!" Paninigaw ko at basta na lang nagtahulan mga stray dogs.

"Urgh! anong multo at ilaw? wala ngang ilaw dito eh, saan ka ba kasi nakatingin, dito ako taas, nakasabit. Tulungan mo ako!"

Ay shesh! Pagtingin ko para siyang sinampay na nakasabit sa sampayan, iyong paa niya nakasabit kaya nakabaliktad siya at pagbumigay ang kawad, tiyak putok ulo niya at kalat ang utak niya sa maduming sementong ito.

"Anong ginagawa mo diyan?" Pagkabigla ko nang makita ko siya.

"Urgh! Mamaya ka na magtanong, tulungan mo na muna ako! Please!" Pagmamaka-awa ng lokong nakasabit.

Naghanap ako ng mapapatungan ko para matulungan ko siya. After a few minutes. Naalis ko siya sa pagkakasabit.

"Thanks pre', akala ko mamatay na ako kanina."

Anong mamatay eh nakasabit lang naman siya, may makakakita pa rin sa kaniya pagsikat ng araw. Nagkataon lang na napadaan ako at nakita niya ako.

Tsaka ano raw? Pre?! Letche lungs!

"Wala iyon, paano ka ba kasi nasabit doon?" Tanong ko at habang napagmasdan ko siya hindi ko mapigilan ang kabaklaan ko sa kagwapuhan taglay niya.

Ay shesh! ang legit ng pagkakapogi niya, as in.

The eyes, the nose, the lips, the stubbles, the face value, hair, physique, height, skin tone... complete packaging talaga siya.

EEEEHHHHHH! Anak ba ng gods ang isang ito sa Olympus, inilaglag dito kasi masama ang ugali? Ang pogi pogi niya talaga!

"Bago ko sagutin yan. May yosi ka ba diyan?"

"Wala eh, kendi lang."

"Sige pwede na iyan pre.."

Inabot ko ang kendi at binalatan niya at pinasok sa bibig. Nakatingin siya sa akin habang nginangata ang kendy.

seriously? nginangata niya ang kendi! hindi ba dapat sipsip-sipsip lang?

"Anyway, I'm Franc..." Inalok niya ang palad niya at pakilala niya. Tinignan ko palad niya.

Aabutin ko ba o hindi? hmmm...

Inabot ko na..

Argh! hotness ng palm niya.

"Yam.." Tugon ko na naman at napakunot nuo siya, "...pasensya na kung 'di masiyadong pinag-isipan pangalan ko ha.." Dagdag ko. Inalis ko kamay ko sa kamay niya.

"Hindi, cute nga ng pangalan mo eh."

Ngumiti siya, taas-taas kilay pa. Ang kyut-kyut niya.

"So, paano ka nasabit doon?"

"Ah napagtripan ako, nakainom kasi ako, pagkagising ko nakasabit na ako doon..." Tumingin pa siya kung saan siya nakasabit kanina. Napatingin din naman ako.

"You mean to say... kanina ka pa nakasabit doon? grabe naman gumawa sayo non, walang puso."

Ngumiti lang siya, naglalakad kami palabas ng eskenita.

Matangkad talaga siya kasi hanggang sa dibdib niya lang ako eh. Pero, hindi ako tumitingin sa kaniya, kakahiya no.

Nang makalabas na kami, medyo maliwanag na. Lumitaw ang tunay niyang itsura. Makapailang ulit kong uulitin talaga ito pero pogi talaga. Para siyang artista... pero, hindi siya artista kasi hindi ko siya kilala eh.

At... at... Umupo siya sa bench at akmang matutulog.

"Uy diyan ka matutulog?"

"Obvious ba? hihiga na nga ako eh."

"Alam mo ang suplado mo sa personal, bahala ka na nga diyan. Goodluck sa iyo baka pagkagising mo nakasabit ka na ulit"

Hindi na siya nagsalita, pumikit na ang loko, para siyang bata matulog, naisip ko na baka--- antok tlaga siya.

"Hoy! gumising ka nga diyan, doon ka na lang sa bahay matulog, konsensya ko pa kung ano mangyari sa iyo, konting lakad na lang naman sa bahay eh."

Walang anu-ano ay tumayo siya at....

"Tara na, siguro naman my electric fan sa bahay mo no?"

Ang kapal ng mukha! Electric fan agad ang hinanap? Baka siguro sinabit kasi walang break magsalita. Pasalamat siya, mabait ako.

Unexpected Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon