pt 10

11.5K 181 2
                                    

pt. 10

"Yam.. mahal kita, totoo yon, sige...lilinawin ko kay Shaun na wala na kami, iniwan na niya ako. Nakilala kita, hindi ko na siya mahal pa." nakahawak padin sa kamay ko si Franc.

haayyyy... ano ba to, bakit ako nasadlak sa ganitong sitwasyon. kinikilig ako na ewan.

ipaglalaban niya ang pag-ibig niya sa akin? parang twilight lang... sabi ko na vampire to si Franc eh.. ipaglalaban niya ako sa vulturi.

"sigurado ka ba?? pero naiinis ako sa iyo! bat hindi mo sinabi sa akin ang about sa kanya???" tanong ko, tumayo si franc tapos tumabi sa akin.

"dahil hindi na iyon importante pa, ang makasama ka ang mas importante, natapos na ang chapter ko sa kanya, hindi iyon naging happy ending, siguro may dahilan ang lahat kaya hiniwalayan niya ako, para makita kita..."

Urgh! kung magsalita tong si Franc parang hindi tao, napakaseryoso. pero i even liking it naman.

"Baka awayin niya ako???" ang arte ko naman, as if di ko kayang idefend sarili ko.

pero ramdam kong mahal talaga ako ni franc, epal yung lalaking yun at Shaun pala name niya uh. napaniwala niya akong sila padin ni franc ko...

kung dati sa kaniya si franc.. ngayon sa akin na siya, kung kaya akong ipaglaban ni franc... ipaglalaban ko din siya sa mahaderang shaun nayun, mas assuming siya sa aming dalawa.

break break niya si franc,,ang pogi pogi tapos aangkinin na niya ulit.. pero wait lang!!! paano niya nalaman ang about sa amin ni Franc.

"Franc... ano ibig sabihin ng grotesque???"

"bakit mo natanong?"

"sinabihan kasi ako ng ex mo na mukha daw akong grotesque???"

"hindi naman... ang cute cute mo nga eh..." nakangiting sabi niya.

ah parang nagka-ideya na ako kung anong ibig sabihin nun. adik na shaun yun uh!!! oo, mas maganda siya sa kin pero, sorry siya, napukaw sa akin si franc, ibig sabihin mas maganda ako sa kaniya.

UMPISA NA ANG BANGGAAN NAMIN NG SHAUN NA YUN!!!!

hindi umalis si Franc.. at natulog siya sa bahay, kanina lang nagdadrama ako na ayaw ko na ayaw ko na, pero konting lambing lang sa akin ni franc bumigay na kagad ako ulit. nubayan!!!

pero okay lang no..wala naman talag na sila nun shaun na iyon. naloko lang ako.

pero nasaktan kasi talaga ako kaya hindi mawawala sa akin iyong magdrama no! it's human nature!!!

importante kayakap ko si Franc ngayong gabi. akin siya... sa akinnn!!!!!!! wahahaha.

KINABUKASAN....

sa shop.

pagpasok ko, nandoon kaagad si Shaun. tae talaga oh. pero, hindi ko siya papansinin.

lalampasan ko sana siya ang kasu pinatid niya ako..

PLAKAK!! subsob mukha ko!

ay sheeeettttt!!!! grrrrrr....

"ay sorry, hindi ko alam na tao pala ang napatid ko, akala ko kasi insektong naglalakad." nakatingin siya sa akin.

tumingin ako ng masama sa kaniya, taenang bakla to! mukha ba akong insekto... hindi ko siya papatulan, hindi ko muna siya papatulan....gggrrrr!!!

tumayo ako. di ko siya pinansin.

"wow ha. parang walang nangyari... hoy Conception, hindi ba maliwanag sa iyo iyong sinabi ko sa iyo na layuan mo na si Franco?" nakatalikod ako sa kaniya. humarap na ako.

Unexpected Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon