pt 6

13.2K 227 2
                                    

pt. 6

"Hoy frend? what time ka ba uwi dito??" kausap ko si Rico.

"pauwi na ako," sagot niya, agad agad?? bilis naman ng date niya, wala pang dalawang oras mula noong umalis siya ah.

"ah okay, baka kasi lumabas kami---- ah dito ko nalang sasabihin." sabi ko. ewan ko lang kong tutuhanin ni Franc ang paglabas namin, buti nalang wala akong pasok sa shop ngayon pede akong lumabas tonight.

pero ano bang susuotin ko?

at shet! talagang paghahandaan ko ang alok na labas ng franc na iyon? naku ha! pero--- sige na nga kung iyon ang right term 'paghahandaan' matagal na din naman akong walang "date"

eerrh! date daw oh? hahha.

PAGKALIPAS NG ILANG SANDALI.

"Ambilis mo ata makauwi anyare sa date mo?" tanong ko kay rico, tapos--- ay shet!!! sino iyong kasama niya??? ay teka teka.... "...fren siya ba si Xyndhryx??"

"oo frend! told yah mauuwi ko siya!" taena kinikilig ang potang si rico. ramdam ko.

pumasok na sila sa loob.

"Hi Pogi," sabi ko kay Xyndhryx. nakaupo kami sa couch. ngumiti siya noong sabihin kong pogi. takte, baklang bakla kami ni Rico talaga kapag may lalaki dito sa bahay. hahha!

Pogi naman pala talaga siya sa personal. Pero... may franc na ako eh. bahaha. ang lagay pala kung wala akong franc aagawin ko siya kay rico? syempre hindi no.

"oh, ano nga iyong sasabihin mong lalabas ka?" tanong ni Rico at tumabi sa tabi ni Xyndhryx na may dalang orange juice. at silang dalawa lang talaga hindi ako tinimplahan ni rico!!!!

uminom si Xyndhryx at may natira, inabot niya sa akin.

"ah no thanks, nakakahiya naman kay rico kasi di na nga niya ako tinimplahan binibigyan mo naman ako..." tinaasan ako ng kilay ni rico. at hindi bagay sa kaniya. hahhaa! "...oo fren lalabas ako, kasama ko si Franc, so if you don't mind, maliligo na ako at aalis para naman masolo niyo na ang isa't isa." sabi ko, sabay tayo.

"NO WAY!!!! makikipagdate ka kay franco?" pagkakadinig ko... franc ko??

"Oo, just so you know, franco-- hindi francmo. okay?"

"ewanko sa iyo fren, sige na maligo kana para masolo ko na si Xyndhryx." ang landee niya, pinatong niya hita niya sa hita ng bisita niya. eh bahala na nga siya, naiingit lang ako! hahha

sila na kaya? kaingit naman. seryoso ao, naiingit talaga ako kay rico, kasi malamang next week iba na ulit syota niya. ganun siya kabilis magpalit palit.

AFTER KO MALIGO, sinuot ko ang napili kong damit. checkered blue na long sleeves na polo, pero ginawa kong 3/4 iyong sleeves, tapos black pants, para akong power ranger sa suot ko, ah bahala na.

pero di pa talaga tumatawag si Franc, lalabas nalang ako, tapos antayin ko nalng tawag niya, siguro tatambay ako sa mall kesa tmambay ako dito habang pinapauod ko si rico sa panghaharot niya sa kasama niya.

"alis na ko fren. text nalang ako sa iyo kapag pauwi na ko." sabi ko.

"oh sige fren, husayan mo ha?"

"alamuyan!" sabi ko. hahha!

SA MALL.

tinext ko si Franc, sabi ko nasa food court ako ng isang malamig na Mall dahil sa todo effort ang airconed.

konting-maya-maya pa.

"Yam?? ano ginagawa mo dito?" <---- si Ex. at wait, may kasama siyang girl. syota niya??? pagkakatanda ko pinagpalit niya ako sa bading din hindi sa babae, anyare???

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now