pt 2

15.9K 298 15
                                    

PT. 2

Kumatok ako sa pintuan. Matagal bago buksan.

Shuta na Rico 'yan. Tulog mantika talaga!

"Sigurado ka bang bahay mo 'to?"

"Ay hindi. Bahay 'to ng kapitbahay namin, ano ka ba syempre no, kakatok ba ako dito kung hindi 'to sa amin, nakadrugs ka ba?"

"Hindi ako adik, kung adik ako baka ginahasa na kita."

"Pag-adik manggagahasa kaagad, hindi ba pwedeng holdup muna?"

"Haha. Mga adik kasi sa amin nanggagahasa, kaya paggabi mga bakla na lang nasa labas. Gusto kasi nila magahasa. Hahaha"

Cute niya talaga,l alo pa habang tumatawa siya.

"Grabe ka naman, ganoon ba tingin mo sa mga bakla?"

"Oo."

Tss! Dapat pala di ko na lang tinulungan ang mokong na ito. Sama ng ugali at hindi ko na siya pinansin.

Kumatok ako ulit. Tagal gumising ni Rico.

"Uy bigla ka matahik ah. Sorry na binibiro lang naman kita eh."

Marunong din naman pa lang magpakumbaba eh. Lalo tuloy siyang pumogi sa paningin ko.

"Wala 'yon."

"Ako nga kakatok, para kang babae kumatok, kahit daga 'di magigising sa katok mo eh."

At siya na nga ang kumatok. Shesh lang, halos gibain na niya ang pintuan eh. At nagising nga si Rico, binuksan ang pintuan.

"Kita mo? Edi nagising siya." Sabi ni Franc at napangiti ako.

"Sino 'yang kasama mo, jowa mo?" Sarap paluin ng tubo sa mukha ni Rico buti na lang hindi narinig ni Franc.

"Adik! hindi no, tagal mo gumising, tinext naman kita na gagabihin ako at ang tagal dumating ng kapalitan ko sa shop."

"Hindi pa ata ako napapakilala ni Yam. I'm Franc," Nag-shake hands sila ramdam ko talaga kinilig si Rico. I knew him since we were a kids, pag-bet ko bet niya rin. Pero I love my friend kaya nagpaparaya ako.

Pumasok na kami sa loob.

"Can I use the shower room?" Tanong ni Franc at napatingin talaga kaming dalawa sa kaniya dahil sa kaniyang pananalita.

"Oo, doon ang banyo, wala kaming shower. Tabo timba lang." Sabay sabi ko naman.

"Damn, pero okay na rin. Mapreskuhan lang katawan ko."

Ang arte. Maka-damn, damn you too.

Pumasok na siya sa banyo.

"Fren, saan mo nadampot 'yon, ang pogi and I think he's hot." Mahinang pagkakasabi ni Rico. Nababakla na naman pero physicaly, manly si Rico kung baga tago pagkatao niya, unlike me. Feminine kasi ako.

"Ewan ko sayp fren, sige sayo na lang siya. Pasalubong ko." Tugon ko naman.

Pogi siya pero ayaw ko sa supldo type baka awayin ko lang siya.

"Talaga fren, wow bait mo talaga sa akin. Sige ayusin ko na higaan namin. Hahaha"

"Bahala ka, inaantok na ako."

Pumasok ako sa kwarto ko. Tig-isa kasi kami ng kwarto. Kumuha ako ng tuwalya at pumunta sa cr.

"Oh gamitin mo iyan, don't worry bagong laba yan, doon ka na raw matulog sa kwarto ni Rico at ako'y matutulog na." Sinampay ko sa pintuan ang tuwalya.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nagtalukbong at yumakap sa unan ko.

MAYA-MAYA pa, nadinig ko na nag-uusap na si Rico at Franc sa kabilang kwarto. Tawanan sila at parang close na sila kaagad.

"Akala ko ba inaantok na si Franc?" Bulong ko sa sarili ko, hindi ko na lang pinansin. Maya maya tumahimik na sa kabilang kwarto.

Pikit ako mata pero shemay, hindi ako makatulog. Kaya makalipas ang ilang oras, lumabas ako para uminom ng tubig.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Franc. Topless habang nainom ng tubig.

Laglag panga ko sa ganda ng katawan niya. Napalunok ako, tapos nakita niya akong nakatayo at tulala sa kaniya. Hindi ko napansin na lumapit na siya sa akin.

"Uy alam ko pogi ako pero huwag mo naman akong pagmasdan ng ganyan. nakakatunaw tingin mo eh."

Kapal talaga ng mukha!

Punta ako sa table, tapos shesh talaga, sinadya niyang madikit ako sa katawan niya.

"Umusod ka nga, lawak-lawak ng sapce. Nasa dadaan pa kita."

Kumuha ako ng tubig. Uminom ako habang siya naman umupo sa couch.

Pabalik na ako ng kwarto ko sana.

"Bakit ka nagising?" Tanong niya.

"Nauhaw ako eh. Ikaw bakit ka nagising?"

"Hindi ako nagising, hindi ako makatulog. Lakas humilik ng kaibigan mo eh."

"Hahahaha!" Napalakas talaga tawa ko. Asa lang siya. Kaya nga hiwalay kami ng kwarto dahil sa hilik noon na malala eh.

"Dito na lang ako sa sala."

"Baliw, malamok dito sa sala."

Hindi niya ako pinansin. Humiga siya at pumikit.

"Adik talaga ito. Bahala ka na nga."

Iiwan ko na sana siya ang kaso bigla siya nagpalo ng palad sa braso niya. Pinapapak na siya ng lamok.

"Uy bumangon ka nga diyan. Doon ka sa kwarto ko, huwag ka mag-alala, hindi ako nahilik at 'di ako malikot matulog."

Parang matik lang, bumangon siya kaagad at nauna pa sa akin na pumasok sa kwarto. Humiga kagad siya at tinapat niya sa kaniya ang bintilador. Niyakap niya rin ang unan ko.

"Uy unan ko 'yan." Inagaw ko sa kaniya. Pinausod ko siya para makapwesto ako. Humiga ako katabi ang pogi. Nang nakatalikod ako sa kanya ay bigla siyang yumakap at dumantay sa akin, damang-dama ko ang init ng kaniyang katawan at ang dampi ng hininga niya sa batok ko.

Aalisin ko sana siya ang kaso napansin kong tulog na ata siya.

Nang papikit na ako, bumulong siya, "Yam, sex tayo."

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now