pt 7

11.9K 233 3
                                    

pt. 7

"Mukhang mamahalin diyan uh?" Tanong ko.

"Oo. Mamahalin talaga, kaya nga diyan kita dinala eh..." sabi niya. bakit pala? para iparating sa akin na hindi ko afford kumain dito??? kapal ng mukha, isang sahuran ko sa shop, kakayanin kong kumain dito no.

"alam mo ang hangin mo no?" sabi ko.

"bakit naman?" Park niya car niya sa tapat ng resto. tapos lumabas na kami ng car niya. Nahihiya ako, takte... ang panget ng outfit ko, parang papasok ako sa deliquenteng lugar tapos suot ko pang holloween party, ah bahala na nga!!!!

"yabang mo kasi eh.." sagot ko, papasok na kami sa loob.

"anong mayabang doon? masarap nga kumain sa mamahalin, lalo na kasama kita, para mamahalin mo na din ako..." tapos ngumiti ang loko.

"ang kornikels mo!" sabi ko, tsee! peo patuloy niya akong pinapakilig in all fairness ha.

Upo kami sa magarang table, na hindi ko maidescribe basta maganda talaga. Para akong nasa palasyo, tapos ako iyong katulong habang katapat ko ang prinsipe, at sasabihin niya sa akin...' will you marry me?" wahahaha!

"Sir, can i have your orders?" tanong ng... aw wow! ang hot naman ng waiter dito!!! kakagigil, aw... Marky ang name niya, nsa golden name plate niya.

"Hoy! ano daw order mo???" <--si franc, lakas makapang epal, nagmomoment pa ako eh.

Tingin ako sa menu...

parang gusto ko ng tumayo at sabihin kay Franc na,

"perahin ko nalang, sa bahay nalang ako kakain, isang ulam lang dito isang araw na sahuran ko na sa shop eh!"

pero, napalunok nalang ako. hindi ako makapili, tsaka never ko pa natitikman ang mga iyon, sure ba na nakakain ang mga toh.

"ano na??? hindi ka mabubusog sa kakatitig sa menu not unless mag-oorder ka!" si Franc... tapos nadinig ko na ngumisi iyong waiter.

"give me water.. cold water." iyon lang at nilapag ko ang menu.

"ano? nagugutom ka tapos tubig lang, ang adik mo talaga no???" sa tono ng panananilita ni Franc, naiinis talaga siya. wala akong pakialam.

baka kasi isipin niya nagttake advantage ako eh. asa xa! 

pwede akong kumain sa kwek kwekan no.

"...chicken tenders for two...& 2 Mediterranean fettuccine.. and give us Honeydew melon and cucumber adult beverage for our drinks..." sabi ni Franc, sa totoo lang hindi na siya nakatingin sa menu kaya hindi ko alam kung ano mga sinasabi niya, baka mamay may halong lason an iyon. Tapos bigla nalang bubula bibig ko mamaya tapos sasabihin niya, ilibing na ako ng buhay.

"...and fresh apple cinnamon crisp for desserts. Ayon lang,"

Tulala nanaman ako.

"ano nanaman? tulala ka nanaman sa akin eh?! alam ko pogi ako, hot, yummy, but you don't need to worry, kasi i'm yours."

peste talaga! sa tingin ko nananginip lang ako. sana gisingin na ako ni rico sa mahabang panaginip na ito!!! urgh.

"franc, tapikin mo nga ako sa pisngi."

PAK!

"AAARRRAY!!! sabi ko tapik lang hindi sampal! adik ka talaga." sakit nun uh! so hindi ako nananaginip lang.

nahiya na tuloy akong tumitig sa kaniya na. asar!

Then, taran!!

nakaserve na ang inorder niya para sa amin sa tingin palang busog na ako, sa amoy palang busog na ako, what more pa pagtumikim ako?? busog lusog.

Unexpected Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon