pt 16

9.5K 175 4
                                    

pt. 16

ANUNENAMAN TOH??? 

urgh! na mga ninja turtles to oh, piniringan pa kami sa mata.

"Fren? fren? okay ka lang ba diyan?" di ko kasi siya makita, di ko din siya nadidinig. Malamang hinimatay na sa takot ang kaibigan ko.

"okay lang ako fren. ikaw? saan ba tayo dadalhin ng mga mokong na to???" Tanong ni Rico.

"Hindi ko alam...hindi ko nga sila kilala eh.." bulungan lang usapan namin ni Rico.

tapos na didinig kong may kinakausap sa phone ang isa sakanila.

"Opo boss, nasa amin na sila. Tapusin na ba namin mga buhay ng mga ito???" patuloy silang nag-uusap, di ko nadidinig iyon nasa kabilang linya eh.

pero... AY SYET lang! TAPUSIN ANG BUHAY NAMIN? :( ano ba kasing nagawa kong kasalanan, sino bang may pakana nito------ 

bigla kong naisip si SHAUN!!!

PAKSYET oh!

"Fren, natatakot na ako, di pa ako handang mamatay." humahagolgol na sa iyak si Rico.

"HOY TUMAHIMIK KAYONG DALAWA!" sigaw noon isa.

"saan nyo ba kasi kami dadalhin? tsaka ano bang kasalanan namin sa inyo? bakit ninyo kami ginaganito!!!"

"sa amin wala kayong kasalanan, pero sa nag-utos sa amin, malaki. kaya manahimik kayo diyan, at simulan nyo na din magdasal at humingi ng patawad para tanggapin kayo sa langit." tapos nagtawanan silang lahat.

Tapos dumikit ako noon kay Rico, nakatali din kasi likod namin.

"wag ka mag-alala, makakakatakas tayo sa mga maligno na to." sabi kokay rico, pero sa totoo lang kinakabahan na ako, bilis ng tibok ng puso ko, pinalalakas ko lang loob ko. at kung ito man ang huling araw ko sa mundo... hiling ko na makita ko man lang si Franc...

Mahaba ang biyahe... hanggang sa huminto na ang sasakyan.

Ibinaba na kami. Tahimik sa lugar na iyon, pero may nadidinig akong mga kuliglig. malamang nasa lugar kami na malayo sa sibilisasyon.

"ano ba! nasasaktan ako!" reklamo ko sa lalaking humahawak sa akin, grabe kasi makahila.

Kinaladlakad pa kami sa ewan ko kong anong lugar na iyon tapos tinulak nalang ako bigla. napabunggo ako noon kay Rico.

"Fren.. okay ka lang??" Tanong ko.

"Fren hindi na ako okay...hindi pa tayo pinapatay pero parang mamatay na ako sa takot. gagahasain ba nila tayo fren? payag naman ako eh, wag lang nila tayong patayin." Sabi ni Rico, tae talaga. Gahasa talaga, ako mas gugustuhin kong mapatay nalang ng mga to kesa gahasainng mga demonyong yon, hindi ba nakit kanina ni Rico kung gaano kalalaki ang mga lalaking iyon, malamang malalaki din kargada nila, mamatay din kami sa sakit.

ehhh!! ano ba iyang iniisip ko! dapat makagawa ako ng paraan para makatakas kami dito.

"Sige, tanggalan nyo na ng piring ang mga yan.." sabi noong isang lalaki, syet! kilalang kilala ko ang boses na iyon.

inalis ang blindfold namin... at hindi nga ako nagkamali...

SI SHAUN WARRENSON!!

"ano itong ginagawa mo??" tanong ko sa kaniya.

"Like what i have told, ako ang magpapatumba sa iyo." sabi niya.

"napakasama talaga ng ugali mong bakla ka!!!" <--sigaw ni Rico.

"I'm just returning the favor... kasalanan ng kaibigan mo kung bakit kayo ngayon nandito, ayaw niya kasing tantanan ang dapat ay sa akin." sabi niya.

"Pakawalan mo na si Rico.. ako naman talaga ang kinaiinisan mo diba? sa akin mo nalang gawin ang gusto mong gawin, kung papatayin mo ako, then do it! patakasin mo na si Rico..." Nanggigilaiti na ako, kung makakatakas ako, ako papatay sa kanya eh.

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now