pt 13

9.4K 179 3
                                    

pt. 13

"Franc... oy... sabi ko sa iyo wag ka matutulog eh... kaasar naman to oh!" Nawalan na talaga ng malay tong lalaking to oh,,, rico nasaan kanaba? hantagal mo!!!

Pagnawala tong si Franc... magbibigti nalang din ako :(

eksena??? tae kasi eh...nakipag-away pa eh...nakakaasar tong lalaking to!

"Franc.. oy oy... gising ka muna... ehhh mamahalin pa nga kita eh..." ginagalaw galaw ko katawan ko baka sakaling magising.. pero ayaw talaga... anubayan.... patay sakin ang mga halimaw na iyon kapag may nangyaring di maganda sa mahal ko.... maghihiganti muna ako bago ako magbigti!!!

NAGPAPLANO NA KO EH BUHAY PA NAMAN SI RICO NAWALAN LANG MALAY??? eh--- mabuti na iyon advance no!!!

kasi kasi... i can't live.. if living is without you :((

"JUSMIO MARIMAR POR SANTO ESMERALDA CORAZON!!!" <--- si Rico. sa wakas dumating din ang loko! "...anyare sa inyo Fren??? bakit kayo parang paniki diyan na nakasabit ng baliktad???" nasa ibaba namin siya, nakatingala sa amin.

"Fren!! tulungan mo kami, wag ka na muna madaming tanong! maghanap ka ng masasampahan mo??? dali na, nauubusan na ng dugo si Franc!!!"

Tapos natuluan ata ng dugo sa mukha si Rico.. pinunasan niya , tapos tinignan pa...

"Is this blood???" Tanong niya.. tae! ayaw pa kumilos... malamang blood yan, alanganamang ketsup lang.. urgh!!!

"Fren?? please naman, hanap ka na ng masasampahan mo, help us get outta here..." taray bigla akong napa-english. Nosebleed fever ako neto mamaya!!!

MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI PA..

"fren patay na ata si Franc mo..." <--si Rico. at mukhang seryoso sya sa sinabi niya.

"tae ka! di pa siya patay nawalan lang ng malay, buhatin mo na.. dalhin natin sa Hospital.." Nakahiga si Franc sa daan.

Tapos.. ay wait!!! anong ginagawa nitong si rico bakit niya hinihimas ang dibdib ni Franc??

"HOy!!! ang halay mo?? anong ginagawa mo kay franc??"

"Tsini-check ko lang kung buhay pa.. hmmm... fren... ganda ng katawan ni Franc talaga.. ramdam na ramdam ko!" sabi niya!! ay peste!!! nananching pa ang loko! at tekaaaaa!!!! pababa na yong kamay niya sa below ni Franc!

"Hoy!!!" Tinapik ko ang kamay niya.

"ano kaba fren.. gusto ko lang namang mahawakan bago man lang siya matigok no."

"Taena mo naman fren eh! hindi pa nga siya patay! ang halay halay mo..." sabi ko. ang baboy nitong si rico.

"Fren.. gusto mo i-mouth to mouth ko nalang, baka sakaling magising??" nag-smile like a devil ang loko.

"Tae! hindi naman nalunod si Franc eh..hindi rin naman siya nauubusan ng hangin! dugo nauubos sa kaniya, gusto mo sapakan ko ng tubo yang mouth mo! ang baboy nito... buhatin mo na..." sabi ko..tapos biglang kumilos si Franc...

"eehhhhhhh!!" sigaw ni Rico. tae! nagulat ako sa sigaw niya!

"taena mo naman eh. bakit ka tumili??" sarap batukan nitong lalaking to!

"eh biglang gumalaw eh."

"natural buhay pa nga siya!!! anoba fren.. tutulungan mo ba ako o tutulungan mo ako??" tae! may utak ba itong kaibigan ko? bakit parang wala na??? anyare sa kaniya?

"may choice pa ba akong iba??" tanong nya.

TOK!

"ARAY! bakit mo ko kineltukan?? ansakit nun ah." Sabi niya hawak sa ulo niya.

Unexpected Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon