HEAVEN 2

1.7K 39 3
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 2

HEART’S POV

Haist, nakakainis, an gaga-aga binadtrip kaagad ako ni mommy, “Hoy Maldita, Gumising ka na dyan? Mag-aaral ka ba o ano?” bungad pa na sabi nito habang nakahiga pa ako sa higaan ko at yakap yakap ko ang paboritong unan ko na binigay ng Ex- Boyfriend kong si Bryan Tan. “opo! Tatayo na po Mom, tks”

Nga pala ang daldaldaldaldaldal ko? Ang aga aga, ang ingay ko? Tsk, ako nga pala si SWEETHEART ANDERSON CHAN, half Filipino, half American plus half Chinese isipin mo nalang na ang dami kong lahing pinanggalingan? Tsk :’p pero pusong pusong Pilipino, Proud to be Pinoy kaya ako, haha. Nagtataka kayo bakit sweetheart? Ang pangalan ko? Haist gaya ng ibang mga magulang? Ako rin ay napagtripan! Sweetheart kasi ang tawag nila mommy at daddy sa isa’t isa, kaya nagpromise sila sa isa’t isa na kapag nagkaanak sila ng babae, yun ang papangalan nila, diba? Kaloka.

16 years old, Matangkad, Maganda at Matalino? Medyo may pagkamayabang no?

Sa School, Johnson Academy ako nag-aaral at fourth year student na ako, infairness kahit na pasaway ako ay umabot ako sa fourth year at tingnan mo nga naman oh nasa pilot section parin ako. Mataas kasi ang standard ng pamilya ko eh, dapat lahat perfect dapat lahat umaayon sa mga gusto nila, dapat ganito, dapat ganun nakakasakal grrr.

Habang naglalakad ako kasama ang bestfriend kong si Greece, kasi ang pangalan nya natatawa nga ako noong una ko syang nakilala, “bakit Greece ang pangalan mo? Pangalan yan ng isang Bansa?” natawa lang ako sa sagot nya sa akin, “bisaya kasi ang mommy ko, actually Grace dapat ang pangalan ko ewan ko ba yung ang nasulat  ng kumadronang nagpaanak sa akin tsk” humalakhak ako ng bongga na para bang walang taong masasaktan sa pagtawa ko ng sobra, that’s how we became friends.

Meanwhile naglalakad nga kami ni Greece, nag-uusap, nagkwekwentuhan habang naglalakad ng biglang lumapit ang mukhang Lupa na fans at taga-sunod ng Ex-Boyfriend kong si Bryan, gosh matagal na kaming wala pero hindi parin sila makamove on na wala na kami at sobra silang sukang suka sa akin simula noong sinagot ako ni Bryan tsk mga ambisyosa.

“hoy! Ipis” sigaw pa sa akin nito, hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad, mas binilisan nito ang lakad saka dalian hinila ang buhok ko. Doon na uminit ang ulo ko at hinarap ko na sya.

“haharap ka rin pala? Bastos ka ah? Kinakausap kita? Tapos tatalikuran mo lang ako?” sarkastikong sabi pa nito sa akin, tinaas ko sya ng kilay? Sabay sabing? “Kausap mo? Ako ba ang kinakausap mo? Oh? Sorry hindi kasi ako nakikipag-usap sa mga mukhang Lupa, na inihagis ng langit at bumagsak sa lupa kaya nagging ganyan ang mukha hihihi” sabi ko pa sa kanya sabay tawa ng malakas ni Greece. Dumadami na ang tao, nagkaroon na ng kumpulan ng tao, circles of people around us gosh sisikat na naman ako nito.

“kaya ka iniwan ni Bryan dahil sa ang arte arte mo, hindi naman kayo bagay, mas bagay pa sila ng bagong Girlfriend nya, ikaw? Isa kalang ipis sa buhay nya pwe”

Sabi pa nito sa akin, aba ang kapal talaga ng mukhang lupang babaeng ito na magcomment sa relasyon namin ni Bryan? Bakit alam ba nya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay? Tsk mamaya ko nalang ikwekwento dahil sa sobrang nag-iinit na ang ulo ko sa babaeng ito, kaya inunahan ko na syang sambunutan, saka sumunod naman sya pagulong gulong kami, ni walang isa sa amin ang gustong magpatalo, sapak kung sapak, bugbog kung bugbog, sipa kung sipa. Hindi iniinda ang mga pasa sa katawan na matatamo naming dalawa, hanggang sa…..may umeksenang lalake, hinila ako nito napatumba ako at sya itong nasaksak ng babaeng mukhang lupa na iyon, saka biglang nag-sigawan ang mga estudyante, doon lang lumapit ang mga Guard pala hilain palabas ang babaeng mukhang lupa na iyon at dalhin sa guidance office para magpaliwanag, ako naman ay hinila ang lalakeng pakielamerong ito at dinala sa ito sa clinic ng school.

HeavenWhere stories live. Discover now