HEAVEN 7

993 17 1
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 7

JUSTIN POV

(yun oh pomopov si justin)

 Naiinis akong isipin na ang dating kong boyfriend na si Seventino Delos Santos III  ay classmate ko ngayon, Masaya na kami ni Bryan pero ginugulo muli ni Seven ang isip ko, to the point that he’s dating a Gangster’s Queen “Heart” Gangster’s Queen dahil dati syang Ex- ni Bryan ko na isang Super Gangster  sa Johnson Academy. Pero paano nga ba naging kami ni Bryan? At paano ko biglang iniwan si Seven at ipagpalit sa isang Gangster na katulad ni Bryan.

FLASHBACK.

It’s all began when I accept the invitation of my childhood Friend which is sister of Bryan si Destiny.

“kelangan nandoon ka sa birthday ko all else I will break your neck girl”

Nakangiting sabi pa sa akin ni Destiny noong magkita kami sa isang mall somewhere in north, almost 3 years din kasi kaming di nagkita kasi ibang school ang pinasukan nya noong nag-highschool na kami

April 26

Araw ng birthday party ni Destiny, Sosyal ang pamilya nila Des nakaformal ang lahat ng imbitado at syempre isa ako sa mga inimbitahan kaya formal formalan din ang peg ko.

Pagpasok ko palang sa malaking bahay nila na malapalasyo, that was the first time na nakapasok ako sa bahay nila, ever since kasi when we in grade school hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila kahit na magkaibigan kaming dalawa.

May nabangga akong isang lalake,  isang lalakeng matangkad, mahaba ang buhok at parang galit na nakatitig sa akin.,

“what the hell your doing in my suit”

Galit na sabi pa nito

Bigla akong kinabahan, nasaba ko kasi sya ng dala kong isang baso ng tubig, sa sobrang takot ko noong dahil sa pag-sigaw nya sa akin ay nabitawan ko ang baso, at naaksidente ko itong natapakan kaya nasugatan ang doll shoes ko dahil sa bubog na nagkalat sa tiles.

Dumugo ang paa ko at nagulat ako bigla akong binuhat ng astig na lalakeng ito

At dinala ako sa isang kwarto.

Sobrang sosyal talaga ng pamilya nila Destiny, may sarili silang Doctor sa loob ng bahay nila o diba?

Sobra ang pag-aalala ng lalake iyon sa akin, sya pa mismo ang tumawag ng doctor, na agad naman pumasok sa loob ng kwarto para gamuting ang paa ko. Masakit ang ginawa ng doctor pero parang mas narelief ako noong nandoon sa tabi si mr. siga sa harapan ko para bantayan at alalayan ako

Hanggang sa pumasok si Destiny noong nalaman na naaksidente ako

At nagulat ito noong Makita ang lalake sa loob ng kwarto sabay sinigawan nya ito.

“Kuya???? Anong ginagawa mo dito? Don’t tell me, ikaw ang gumawa kay Justin nito”

Galit na tanong ni Destiny sa kuya pala nyang iyon.

“so Justin pala ang pangalan mo? By the way I’m Bryan, sorry kung medyo naging harsh ako kanina ah? Badtrip lang kasi eh”

Sabi pa nito sa akin at bigla na nya kaming iniwan sa loob ng kwarto.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas narin ako akay akay ni des ay umupo kami sa table at nagsimula na ang party.

Nakita ko si Bryan nasa haraoan lang ng table namin ni Destiny, katabi nito ang isang babae, and I think that’s she’s the Girlfriend of this Gangster look alike.

At parang nakikita kong nagtatalo silang dalawa throughout the party may times pa nga na umalis, nagwalk out si Bryan at lumabas ito,

Pagkalipas ng isang oras ay tinatamaan na ako ng mga alak na naiinum ko kahit na medyo, pang chicks lang ang inumin na iyon ay madali kasi akong malasing.

Lumabas na ako hindi na ako nakapagpaalam pa kay Destiny dahil sa sobrang marami pa itong kinakausap sa loob. At nakakahiya na magpaalam sa kanya at tanging dahilan ko lang ay lasing na ako? Diba? Ang cheap?

Pagewang gewang ang lakad ko sa labas ng subdivision nila Destiny, nag-aantay ng taxing mapapadpad sa lugar nila at para ihatid ako pauwi sa bahay.

Ng biglang….

May humila sa kamay ko.

“You’re drunk! Kaya mo bang umuwi mag-isa?”

Pag-aalala pa ni Bryan sa akin

“ang gwapo mo pala, sa kapag hindi ka nakasimangot?”

Biglang sabi ko

Shet! Lasing na talaga ako, kung ano ano nalang ang nasasabi ko

“Lasing ka na nga, ihahatid na kita”

Then he pulls me in sa loob ng kotse nya

At shetness kiniwento ni mommy na nakahiga na ako sa lap ni Bryan noong Makita nilang nakapark ang kotse ni bryan sa labas ng bahay nakakahiya…………

Kinabukasan ay nasa bahay na si Bryan, nakikipagkwentuhan at naging sobrang close na kami sa isa’t isa

Hanggang sa magtapat na sya ng nararamdaman nya sa akin, ang astig na looks ni Bryan ay syang sweet nito in personal at mabait pa.

Oo nahulog ako bigla kay Bryan to the point na may current Boyfriend ako si Seven, pero nagkakaroon narin kami ng problema and I think we cannot fixed it this sa mga susunod pang mga araw namin bilang magkarelasyon.

Lagi na kaming nag-aaway, lagi ko na syang naaway, nasasaktan pero hindi parin sya umaayaw, nasasakal na ako sa kanya, sa mga ginagawa nya, he seems so very sweet to me, at ayaw ko ng ganun, yung everyday my chocolate sa bag mo at may mga letter sa ilalim ng desk mo, wew corny ah? At isa pa ang pagiging sobrang bantay sarado nya sa akin, hatid sundo? Eh may driver din naman kami, hindi naman nya kelangan gawin yun, ligtas naman akong makakauwi, nakakairita lang kasi,

At isa pa, noong may away sa school at nasali kasi ang pangalan ko doon syempre pinaglaban ko ang sarili ko, to the point na nakipag-away pa ako para lang sabihin na hindi ko plinagiarize yung isang kwentong ginawa ko sa school paper namin.

Si seven ang humarap sa kanila, sya ang nakipag-away, hindi marunong makipag-away si Seven kaya ang Ending, bugbog sarado sya, yun ang isa ko pang problema sa kanya

How can he save me in times of troubles kung sarili nya mismo hindi nya matulungan

That was the time na napag-isipan ko na it was so over, hindi ko na kaya so I decide to makipagbreak na sa kanya, noong una hindi sya makapaniwala, pero sinabe ko ang lahat ng dahilan pero hindi parin sya naniniwala makulit sya sobrang kulit to the point na nakakairita na sya.

Then Bryan came to my life, he changes everything at wala akong pakialam kung may karelasyon pa sya ng mga oras na iyon pero ang sabi nya wala na raw sila ng girlfriend nya, same lang kami ng problema sa mga karelasyon namin kaya nagkasundo kami.

At kalaunan ay naging kami na.

As sweet as candy,

As light as moonlight

We love each other at we’re free to say na Masaya kaming dalawa at nagdesisyon na akong lumipat sa school nila sa Johnson Academy para lang makasama sya araw-araw at para maiwasan narin si Seven.

Pero pagkalipas lang ng 6 months ay nabalitaan kong nakalipat na si Seven sa J.A  at magklasmyet pa kami grrrr. What the hell this guys doing on his life?

Is he trying to ruin my life?

JUSTIN MAE LOPEZ

…………………….

All Right Reserved 2013

Copy Right © by: Mervin Canta

HeavenWhere stories live. Discover now