HEAVEN 19

1K 12 2
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 19

………………………

SEVEN’S POV

Almost 2 weeks din akong hindi pinapansin ni heart, at sobrang mabigat para sa akin ang hindi ako pansinin ng isang taong laging nag-papapansin, laging maingay, makulit ang higit sa lahat magulong katulad ni heart, nakakamiss din pala…at sobrang na mimiss ko na sya. Tsk.

Kahit na magkatabi kami sa classroom ay kung hindi tungkol sa eskwelahan ang itatanong ko sa kanya ay hindi sya sasagot sa akin, alam na ng lahat na nagkahiwalay kami ni heart at pati rin sila ay naging malungkot sa kinalabasan ng relasyon namin,

Alam ko na kinausap na sya ni Justin, about what is the Going on between us pero bato parin ang puso nya, kinain na sya ng galit at poot nya sa akin.

1 month nalang graduation day na. sobra na ang preparation ng mga estudyante para makahabol sa ranking ng top 10 hanggang sa salutatorian at Valedictorian, kahit na alam naman ng lahat na kay Heart na ang koronang iyon, pero kasi halos pareho lang kami ng score kaya sa point lang kami naglalabanang dalawa.

Linggo ng hapon ng magdesisyon akong pumunta sa bahay nila Heart at kausapin ito.

Pinindot ko ang Door Bell ng gate nila.

May lumabas na kasambahay nila.

“nandyan po ba si Heart?” tanong ko pa sa kasambahay nila.

“ahm…sorry Sir, pero ang bilin po sa amin ni miss. Heart eh, wag raw po kayong papasukin dito”

Malungkot pang pagkasabi ng kaibigan kong kasambahay nilang si aling sita.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsabi..

“ah ganun ba? Sige…pakisabi nalang po sa kanya na….miss na miss ko na sya…dalawin naman nya ako sa bahay….”

Tumalikod na ako. Medyo naging malungkot ako dahil sa magpahanggang ngayona ay sobra parin ang galit sa akin ni heart ni kausapin ay hindi na nya magawa.

Sobra akong naguiguitly sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko lang kasi sya sinaktan, ginago ko pa sya.

Siguro nga sya na nga ang karma ko.

Hanggang sa umuwi nalang ako sa bahay.

Binuksan ang lap top ko at nagfacebook. Offline rin sa fb si Heart pero binuksan ko ang facebook profile nya saka tumingin ng mga pictures nya.

Hindi ko maiwasang ngumiti kapag nakikita ko syang Masaya.

Maligaya at puno ng masasayang ngiti ang mga mata nya.

Hanggang sa di ko namalayan na may nagtext pala sa cellphone ko.

Kinuha ko ito. At binasa ang text.

“magkita tayo, kelangan nating mag-usap”

Text na galing raw kay Heart hindi ko alam ang saying hinatid nito sa akin, kahit na text lang ito ay sobrang excited ako at sobrang kinakabahan….

Pero atleast gumawa na sya ng way para kausapin ako ok na yun, basta lang ba magkausap kami ng masinsinan at maipaliwanag ko ang buong katotohanan.

Nagbihis ulit ako at saka pumunta na ako sa lugar na kung saan kami ay magkikita ni Heart.

Pero medyo may pag-aalinglangan ako sa lugar na pagkikitaan naming dalawa.

Sa lumang gusali na malapit lang sa aming eskwelahan kami magkikita.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon