HEAVEN 10

824 19 6
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

 

 

HEAVEN 10

 

 

SEVEN’S POV

Isang linggo nalang ay Role Playing Day na nakapagpractice na kami ni mahal ko, este ni Justin ko, at feeling ko dahil dito naging sobrang close kami ulit, parang we’re getting to know each other ang peg ng lovestory namin, yung palihim ko syang kinakausap kasi laging nakabantay ang boyfriend nyang si Bryan na para akala mo naman eh aagawan ng girlfriend ng may girlfriend, eh yun naman pala ang plano ko sa una palang hehe.

Magkasama na naman kami ni Heart after school, Gusto kasi nyang bumili ng bagong damit, which is laging ginagawa ng mga babae, ang magshopping. Syempre free time at uwian na kaya sumama narin ako at para narin syempre makalibre ako haha Gold Digger!

Sa mall ay naglibot libot kami, now I feel comfortable holding hands with Heart walang issue sa akin dahil alam ko sa sarili ko na si justin lang talaga ang babae sa buhay ko. At si heart? She is just a friend

Hanggang sa isang babae ang lumapit kay heart ang tindera ng mga damit.

“bagong boyfriend mo?” tanong nito kay heart I was a little bit confuse about the girl asking heart about me kung boyfriend nya ba ako?

Sumagot naman si heart na feeling ko ay kilala talaga ang babaeng nagtanong.

“Yup! He’s my new Dog, by the way he’s Seven ang pangit ng pangalan right? Number? Isn’t he lucky? No! he’s not”

Sabi pa ni Heart sa babaeng kausap nya, ang kapal din naman ng mukha ng babaeng ito na ipahiya ako sa ibang tao?at to the point na tawagin nya akong bago nyang aso?  Duh? Unique kaya ang pangalan ko? Seven? Seventino Delos Santos III oo medyo mabaho nga.! Pero hindi ako aso….Tiger Look grrrr

“bakit mo nasabi yun?”

“Sorry ah? Kasi hindi tayo titigilan ng tsimosa na yun eh, isa sya sa mga Little Ponies ni Baby Boy Bryan, isa sya sa mga supporter nya, hmmmm speaking of supporter samahan mo ako bukas may laro si Bryan and I want to be there, and you’ll be there also ok”

Duh? Ako? Sa laro ng ex-boyfriend nya? Para ano? Supportahan? Mukhang hindi ko na ata nagugustuhan ang nangyayari eh? Mukhan g inaunder ako ni Heart ah?

HeavenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora