HEAVEN 3

1.3K 28 2
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 3

SEVEN’S POV

Ngayon ko lang nalaman noong nagkwento ang maingay kong seatmate na si Heart, na si Bryan na isang Gangster  pala ay syang Ex-Boyfriend nito, infairness bagay sila! Haha

“Ex-boyfriend mo sya?”

“oo! Almost 3 years din kaming naging magkarelasyon, kung di lang lumipat ang babaeng yun dito sa school na ito, tsk”

Sabay sumubo si heart ng ice-cream na binili nya sa cafeteria

“so??? Because of Justin? Nagkahiwalay kayo?”

“tama! Tumpak, palpak talaga si Destiny Grrr”

“sino naman si Destiny?” pagtataka ko pa

“si Destiny? Sya yung kapatid ni Bryan magkaibigan kasi sila noon ni Justin, ininvite nya si Justin sa birthday party nya tapos ayun nagkakilala sila ni Bryan grrrr, tapos? Naging close, tapos bigla nalang nanlamig sa akin si Bryan, bakit ko ba kinikwento sa iyo? Ano bang pakialam mo!”

Si heart sabay tumalikod

“ngayon ka pa mag-iinarte eh halos makwento mo na nga ang buong lovestory nyo?”

Sabi ko pa sa kanya

Hanggang humarap muli si heart pero may ibang saya na sa mukha nya ng mga oras na iyon

“hmmmm magCut tayo ng class”

Sabi pa nya sa akin

What? Ako? Magcucut ng class? Eh ni wala sa isip kong hindi pumasok, tapos magcut pa kaya no no no

Hindi ko pa nagagawa yun in my whole life tapos ang babaeng ito? Aalukin ako na magcut ng class haist

“saan naman tayo pupunta?”

Tanong ko sa kanya

“sa Harrold’s Bar”

Sabi pa nya

“saan yun? At bakit Bar? Iinum ka?, umiinom ka?”

“bakit ikaw? Hindi ka umiinom?”

Biglang humina ang boses ko

“hindi”

Sagot ko na parang nahihiya

Biglang lumakas ang tawa ni heart na medyo nakakainis kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa cafeteria

“really??? God! Tuturuan kita, sige na sumama ka na”

Pamimilit nya pa sa akin

…………………………………..

Harrold’s Bar

Hindi ko alam bakit ako napasama dito, kakasabi ko palang sa sarili ko na hindi ako nagcucut ng class tapos ngayon nandito ako sa isang bar na puro mga lasenggero at mga naninigarilyo ang mga hilig nga mga tao dito, feeling ko magkakasakit ako ngayon grrr

Hanggang sa masilayan ko si Justin na nakaupo sa isang couch kasama syempre ang boyfriend nyang si Bryan.

Kasama ang bestfriend ni Heart na si Greece ay umupo kaming sa isang Couch na medyo malayo sa kinakaupuan nila Justin. Nakakahiya kasi nakauniform pa ako noong sumama ako sa kanila, well marami ring mga estudyante doon na feeling ko ay tagpuan ng mga taong basugalero at naghahanap ng mga away sa kanto.

Hanggang sa lumapit ang isang lalake.

At mukhang Familiar ang mukha ng lalakeng ito, niyakap ni Heart ang lalakeng iyon saka nagbeso-beso sila nito, “kamusta ka na harrold?” tanong pa ni Heart sa lalake, sabay napatingin ang lalake sa akin, at tinuro ako nito, “You look familiar? Have we met before?” tanong pa nito sa akin, then I answered, “Yes, kanina lang nagkita tayo, ikaw ang nagtanong sa akin kung bago lang ba ako sa Johnson Academy” sabi ko pa sa kanya, inabot nito ang kamay nya sa akin at nagpakilala,

HeavenWhere stories live. Discover now