HEAVEN 18

758 18 4
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 18

JUSTIN’S POV

Seven push me away from him pagkatapos naming maghalikang dalawa sa likod ng aking kotse.

Nandoon ako para batiin si Heart at para sabihin narin kay Seven na wala na kami ng boyfriend kong si Bryan. That I ended our relationship at hindi ko na kayang makisama pa sa isang taong hindi pinapahalagahan ang oras at panahon nito at most of all hindi ako pinapahalagahan as his girlfriend.

Yung feeling na para lang akong kasangkapan nya, sweet lang sya kapag may kasama kaming nakakakilala sa amin, sweet lang sya kapag may tao, sweet lang sya kung gusto nya pero pag wala na…wala na talaga para akong bato sa paningin nya.

Siguro tama nga ang sabi ng iba. That Bryan is my karma of what I did to seven before,

………………………….

Hinabol ni seven si Heart sa loob at ako ay naiwan na nakatitig parin kay Bryan ng mga oras na iyon.

Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong babae.

Lumapit si Bryan sa akin at pinandilatan ako ng mata nito, na para bang galit na galit sya.

“What is that, why are you kissing with that fucking Guy huh? Tell me?”

Hinila nya ang balikat ko at hinawakan ng mahigpit

Nasasaktan ako sa ginagawa nya kaya tinulak ko sya at nabitawan nya ako sa paghawak nya sa balikat ko nagkaroon kaagad ako ng pasa dahil sa ginawa nya.

Galit na Galit sya ng mga oras na iyon na parang gusto nyang gumawa ng isang bagay na ikakapahamak nya.

“He’s my Ex-Boyfriend, oo ngayon ko lang inamin sayo, dahil alam ko na magagalit ka, dahil alam ko na hindi mo magugustuhan.”

Bigla nya na akong iniwan after kong sabihin ang revelation na iyon sa kanya.

Pagkalipas ng 30minutes ay malungkot na bumalik si Seven

I asked him kung anong nangyari.

Pero umiling lang ito at hindi sumagot.

…………………………..

kinabukasan after school ay pumunta ako sa bahay nila Seven.

“anong ginagawa mo dito?”

Tanong pa sa akin ni Seven na halata sa mga mata nito na galing ito sa pag-iyak at mukhang hindi pa ata natulog.

“ok ka lang ba? Baka kasi kelangan mo ng may makakausap, narito ako”

“Thank you, pero kasi mas kelangan ko ngayon mag-isip naguguluhan kasi ako eh”

“kung ako ang nagpapagulo sa isipan mo, eh wag na…ok na ako Seven, tanggap ko na ang lalakeng dati ay baliw na baliw sa akin ay may iba ng gusto, at mas lalong tanggap ko na sa sarili ko na hindi na talaga tayo pwedeng magbalikan, mas bagay kayo ni heart, kayo ang dapat magkatuluyan hindi tayo, kasi feeling ko kapag tayo ang magsasama muli eh, baka magpatuloy lang ang mga pang-gagago ko sa iyo haha”

I try to break the ice, pero seryoso talaga si seven ng mga oras na iyon

“haist…wala ng ring kwenta yan, galit na galit na sa akin si heart, at feeling ko kinamumuhian nya ako dahil sa ginawa ko sa kanya”  

“I’m so sorry, dahil sa akin nagkaganyan kayong dalawa”

“hindi naman talaga kasama sa plano ko ang saktan ang damdamin ni Heart eh,  at hindi ko talaga gustong saktan sya, pero kasi….”

HeavenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz