HEAVEN 13

842 19 2
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 13

HEART’S POV

Sobrang tahimik sa loob ng classroom, kahit na katabi ko si Seven ay hindi ito nagsasalita ni hindi man ito tumitingin sa gilid nya sa kung saan nakaupo sina Justin at Bryan. Hindi na naman pumasok si Bryan ng araw na iyon, lagi nalang syang hindi napasok? Ano kayang problem ng batang ito? Haist.

Nagbalik ang mga ala-ala kahapon, parang sobrang maraming nangyari kahapon, malulungkot at Masaya at may kasama pang action oh diba?

Sobrang boring ng subject namin ng araw na iyon, haha Values kasi! Wala kasi ako noong jk!

Kaya nag-sulat sulat nalang ako sa notebook ko, hindi ko alam nakabuo na pala ako ng pangalan.

“heart + Seven ?” Hea + Ven wow I can’t imagine na maganda pala ang kinalabasan kapag pinagsama ang pangalan naming dalawa Heaven.

Biglang napatingin si Seven sa ginagawa ko, kahit na nagsusulat ito sa kanyang notebook ng nilelecture ni mam sa harapan.

“what’s that?” sabay silip pa sa notebook ko.

Tinakpan ko kasi nakakahiya, at sobra akong nahihiya bakit ko ba naman kasi ginagawa ito? Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko talaga maintindihan.

…………………………

Lunch Break. Ng lumapit si Jutin sa pwesto naming dalawa

“Seven? Can we talk?” sabay tumingin sa akin si Justin na para bang hello? Nagapaalam lang na kung pwede kaming mag-usap

“jus the two of us? Pwede ba?” sabay tingin ulit kay Seven, syempre papaya yang si seven?

Tumingin si Seven sa akin, hinawakan nya ang kamay ko, shet? Anong ginagawa ng lalakeng ito

“Sorry! Justin! Maglulunch pa kasi kami ng Girlfriend ko, mukhang gutom ka kasi sya eh later nalang ok lang ba? Importante ba yang sasabihin mo?”

Bigla akong nagulat sa sinabe ni seven, what’s happening here? Sya? Sya pa? tinanggihan ang alok ng ex nya na kausapin sya?

“no! actually it’s not importante, sige later nalang thanks ah” si justin sabay tumalikod sa aming dalawa na parang nadismaya sa ugaling pinakita ng ex boyfriend nya.

Sabay tinanggal ni seven ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

“Let’s go to cafeteria, nagugutom na ako” sabi pa ni seven sabay binitbit ang gamit ko at sabay kaming bumama sa canteen.

After naming kumain ay tahimik parin si seven, hindi ko maintindihan bakit ganitoa ng kinikilos nya hanggang sa pagkatapos ng klase ay tahimik parin si seven, hiyaya ko syang pumunta kami sa Bar (harrold) pero hindi sya pumayag magrereview pa raw sya, hindi ako sanay na hindi nya ako pinapansin, hindi nya pinapansin ang pagiging makulit ko sa kanya ano bang problema nya?

……………………………………….

Sa bahay ay lumapit sa akin si mommy.

“malapit na ang birthday mo anak? Anong plano mo sa 17th birthday mo? Gusto mo ba Engrande? Don’t worry pinaghandaan na namin ng daddy mo ito, last year pa so ano?”

Excited na sabi sa akin ni mama na para bang sya itong magtuturn seventeen

“kahit ano mommy, basta magiging masaya ako, at gusto ko lahat ng mga kaibigan ko nandoon para sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko, ang kaarawan ko”

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon