Chapter 15 - Who Is He?

69.5K 2.3K 233
                                    


[ M A R C ' S P O V ]




"She had a head injury. It means she really did receive a hard blow from the car crash. As of now, she's in the state of comatose. To be honest, Mrs. Llanes is still lucky to be alive. So, all we can do is to pray that she'll wake up as soon as possible. If you excuse me, I still have some patients to check. You can now enter to her room. Please call me if there are still unclear details for you." wika ng respetadong doktor na siyang ilang taon na ring tumitingin sa pamilya namin. I chose him personally because he is trustworthy enough to keep our family's issues. Moreover, he's my mom's cousin.



Hindi ko alam kung nabawasan ba ang kaba at takot ko kanina nang isugod si Rennei dito sa ospital. Sa sinabi pa lang ng doktor, alam kong walang kasiguraduhan na magising pa siya dahil sa malakas na impact ng car crash sa katawan niya. Siyempre ayoko namang maging negatibo pero kahit anong sabihin ng mga tao sa paligid ko, hindi mawawala ang katotohanan na nasa bingit pa rin ng kamatayan ang asawa ko. She's still lucky? Iyan ang pinakanagpatakot sa akin. Ibig sabihin ba nito, dapat ay nasa morgue na kami at hindi dito sa may harap ng mga malalaking salamin kung saan kitang kita ko ang babaeng pinakasalan ko na nakaratay sa kama?



Naninikip ang kaloob-looban ko. Napasandal na lang ako sa pader nang tuluyan nang makaalis ang doktor. Sa mukha pa lang niya, alam kong ginaanan na niya ang statement na binigay niya sa amin nina Spade at Sean. Napapikit ako ng mariin. Tila ba bumalik ang mga alaala kung kailan magkasabay pa kaming lumalaban noon sa mga kalaban at kami ang nanonood sa pag-agos ng dugo nila bilang pagbabayad ng kanilang kasalanan. 'Yung mga panahong matibay pa ang pagkakaibigan naming lahat sa at pare parehas kami ng paninindigan.



Nang idilat ko ang mga mata ko ay otomatiko akong napatingin sa mga kamay ko. Mga kamay ko na may bakas ng dugo at pati ang damit kong namantsahan ng dugo. Parang bumalik sa akin ang eksena kani-kanina lang. 'Yung mga oras na palabas na ako ng mansion at nakita ko na ang paparating na truck na papasalubong sa kotse niya. Naisip ko noon na kung may pakpak lang ako ginamit ko na ito para pumunta sa kanya at paalisin siya roon.



Huli na nang makalabas ako. Sa isang iglap, ang babaeng kakakita ko lang na nakatayo ng puno ng dignidad at tugatog ay natagpuan ko na sa loob ng kotse habang naliligo sa sarili niyang dugo. Only God knows kung gaano ako natakot nang makita ko siya ng ganoon. 'Yung kahit ilang beses mo siyang tawagin at gisingin ay hindi niya binubuksan ang mga mata niya at tutugon sa mga tawag mo. 'Yung kahit anong gawin mong tingin sa kanya ay hindi na siya ngingiti pa at gigising na lang bigla para kurutin ang mga pisngi ko.



Kahit hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. I'm scared to death. I don't want to lose her. I don't want to lose the mother of my child. I don't want to lose my bestfriend. I don't want to lose this woman.



"Marc, I don't know what word should I say to comfort you now." sabi ni Spade at ipinatong niya ang isa niyang kamay sa may balikat ko.



Yes. No words can comfort me right now. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nangyari ito. Hindi ko dapat siya kaagad hinusgahan. Hindi ko dapat pinauna ang galit ko. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon nang hindi ko pa naririnig ang eksplenasyon niya. This is all my fault. I'm very sorry, Rennei.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now