Chapter 34 : Uncovered

69.2K 2.1K 513
                                    


[ S P A D E ' S  P O V ] 




"Master! Master! Masamang balita po! Ang inyong asawa! Sumusuka na naman po siya ng dugo!" balita sa akin ng isa sa mga tauhan ko. Kasalukuyan akong nakaupo rito sa aking opisina sa aming mansyon at nag-aayos ng mga papeles nang mapakinggan ko ito. Agad ko namang naitapon ang mga hawak kong papeles at napatayo mula sa aking pagkakaupo. 



Walang anupama't dali-dali akong kumilos papunta sa kwarto namin ni Alex. Diyos ko po, bakit po ba nagkakaganito ang asawa ko? Masyado nang marami ang napagdaanan niya para bigyan niyo pa po siya ng karamdaman. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng pagpatay na ginawa ko? Pero ginawa ko lamang ang mga pagpatay na iyon upang mapagtanggol ang mga mahal ko sa buhay. 



Nakarating ako sa pangalawang palapag kung saan matatagpuan ang kwarto naming mag-asawa at naabutan ang ilan pa naming mga tauhan sa labas ng kwarto namin. Mas binilisan ko ang paghakbang ko papunta roon at hinayaan naman ako ng mga tauhan ko na dumaan ng malaya papasok sa silid. 



Doon ay agad kong hinanap ang kanyang kinaroroonan. "Alex?" nasambit ko na lang hanggang sa makuha ng atensyon ko ang impit na pag-iyak. Mabilis na napalingon naman ako sa direksyon kung saan matatagpuan ang tinig na iyon. 



"Daddy! Mommy ... s-she's vomitting blood ... Daddy, w-what's happening to our mom? Bakit siya sumusuka ng dugo?" hindi magkamayaw na wika ni Alexei habang nasa tabi ng kanyang ina at hinahagod ang likod nito habang patuloy pa rin sa pag-ubo.



Lumapit naman ako kaagad kay Alex at umupo sa tabi niya. Hinagod hagod ko rin ang kanyang likod habang siya'y umuubo nang may puting panyo sa kanyang bibig. Her skin color ... her face ... she looks so pale that it even makes my own expressions pale. I can't take to see her like this. Para bang sa araw-araw na nakikita ko siyang nahihirapan ay para rin ako mismo ang pinapahirapan ng sakit. Alam kong sa paggising namin sa bawat araw ay pinipilit na lamang niya ang ngumiti para sa amin ng kanyang mga anak. Pilit din niyang itinatago ang sakit na nararamdaman niya. Ni ayaw niya ring magpa-opera. Dahil naniniwala siya sa sinabi ng doktor na wala nang kasiguraduhan kung maililigtas pa siya ng isang operasyon. 



But I want her to live. I don't want her to die. Hindi ba pwedeng ako na lang? Mas kakailanganin siya ng mga anak namin. Mas gusto ko na siya pa ang mabuhay ng mahaba. For everything that she had suffered from before, she deserves to be happy. She deserves to live comfortably with no worries and to enjoy life to it's peak. Hindi pa ito ang tamang panahon para kunin siya sa amin. 



"Alex ... bakit hindi ka na lang magpa-opera? Kahit maliit na tiyansa man, kahit gaano kamahal pa ang gastusin natin para sa pagpapagamot mo, wala akong pakialam. Please. Please do this for us. I need you. Our children need you! Paano na kami kung sakaling iwan mo kami?" halos pasigaw kong sabi sa kanya nang matapos siyang umubo at naipakita niya sa amin ang dugo sa panyo na kanyang ginamit. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now