Chapter 21 - Church

75.8K 2.3K 543
                                    


[ M A R C ' S  P O V ] 




"Ouch! Dammit!" agad akong naalerto at napalingon sa likod ko kung saan natagpuan ko si Janice na may iniindang sakit. Mabilis namang napalapit sa kanya ang iba pa naming kasamahan pati na rin ako upang tingnan ang kalagayan niya. 



"What happened?" may pag-aalalang tanong ni Sky sa kanya sabay patong pa ng kamay sa balikat nito. Bago pa man makag-utal ng kahit anong salita ay pansinin na ang hapdi na nararamdaman niya. Kahit ano namang sabi namin na ipapauwi na lang namin siya at doon na muna magpahinga ay ayaw naman niya sang-ayunan. 



Tila may napansin naman si Sky at pumaupo siya at dahan dahang iniangat ang paa ni Janice. Napasinghap naman sina Dereen na agad namang pinatalikod ni Dash nang hindi niya makita ang malakas na pagdurugo ng paa ni Janice na nakaapak pala ng may kalakihang bubog. Wala naman nang ibang nagawa pa ang babae nang buhatin na siya ni Sky in a bridal way. 



Nagpumiglas siya dahil ginigiit niya na mas may nalalaman siya ukol dito at mas makatutulong siya kung mananatili siya sa pagsama sa misyon. "Bring me down! I can take care of myself, Skyzzer!" Hindi naman kami makaangal sa gustong mangyari ni Sky dahil halata naman nang hindi na kakayanin pa ni Janice ang paglalakad. Pagsapit ng ilang oras ay siguradong magiging malala ang sitwasyon niya kung hindi pa niya ito aalalahanin. 



Ilang sandali naman ay lumapit sa amin ang isa sa apat na tauhan ni Alexander na ipinasama niya sa amin upang maging bantay namin sa kung anumang pwedeng mangyari. "Masters, in behalf of my superior, Master Alexander, I am suggesting that we should take refuge first. Mistress Janice needs an immediate medication. Our leader will surely punish us if something bad happened to her." he said. Oo nga pala. Naikwento na sa amin ni Janice na nagkaroon ng pribadong kasal sa pagitan niya at ni Kuya Xander. Ang tanging naimbita lang ay sina Sky, Alexandria and her personal reapers, Uncle Johan, and other close relatives. Estimatedly, there's only about less than fifty guests on their wedding. 



Ang kwento niya sa amin, matapos ikasal sina Spade at Alex ay nagtapat na ng kanyang pag-ibig si Alexander. Hindi naman daw ito kaagad na binigyan ng sagot bagkus binigyan muna nila ng oras ang isa't isa na makapag-isip at makasama ang isa't isa. Kinabukasan matapos ang binyag ni Alexei ay nagdesisyon silang mangibang bansa muna at doon na rin nagpakasal. Isa pa ngang sikreto nila ay mayroon na pala silang anak na naiwan sa ibang bansa dahil nga sa agaran nilang pag-uwi rito. Not just one but two! Twins! Hindi naman na daw sila masyadong nag-aalala dahil nasa mabuting pangangalaga ito ng ilang kamag-anak nila roon. Their children's names are Alice and Allyson.



I can't help but to sigh. Kamusta na kaya ang anak namin ni Rennei? Wrong question. Kamusta na kaya ang mga pisngi ng anak namin? But, I have no choice. Sa mga kamag-anak lang namin maipagkakatiwala ang anak namin sa ngayon. Ayoko naman na dalhin sa Vantress Mansion si Aquilles dahil baka manlumo lang siya sa nakaratay niyang ina. 



"Alright. Doon muna tayo sa simbahan na iyon. Sky, pasanin mo muna si Janice hanggang sa makarating tayo roon. I guess these guys have a medicine kit with them. Magpahinga na rin muna tayo. Kaninang madaling araw pa tayo bumabiyahe." suhestiyon ko na siyang sinang-ayunan naman na ng lahat. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now