Chapter 20 - The Antidote

67.5K 2.2K 345
                                    


[ S P A D E ' S P O V ]




"Happy birthday Valor! Happy birthday Valor! Happy happy happy birthday, happy birthday, Valor! Yey! Blow the candles, sweetheart." excited na turan ni Fiacre sa anak ko habang inaalalayan niya ito sa paghipan sa pitong kandila na nakalagay sa ibabaw ng parihaba niyang cake.



I can't help but to show a smile while watching my little boy growing up. He is surrounded by his friends, schoolmates, and the rest would be his mother's personal reapers, and our highschool friends. Alex, can you see? Our son is getting bigger and bigger for every single day. You won't believe on how much he resembles you. Maybe that's the reason why I neglected him the most among our three children. It's just that, it is so painful looking at his face because he resembles you so much.



"Why don't you join them? It's your son's birthday afterall." rinig ko sa isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Agad akong napalingon upang tingnan kung sino ito. "Xander." nabigkas ko na lang at napabuntong hininga. Abang binalik ko ang tingin ko kay Valor na ngayon ay masayang hinahabol at pinapahiran ng icing ang mga kuya niya. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ganoong ngiti sa mga mukha ng mga anak ko.



"Valor looks like Alex, seriously. I hope he can grow with dignity, bravery, intelligence, and kind heart just like his mother. Hey, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit hindi ka sumama sa kanila? Bakit nandito ka sa may balcony ng dating kwarto na ginamit ni Alex noon?" tanong niya. Kasabay nito ang pag-ihip ng may kalakasang hangin. Dumapo sa amin ang lamig at lakas nito. Tila ba mga kung anong bagay na lumilipas at dumaraan sa amin.



Napaayos naman ako ng tayo mula sa pagkakasandal ng bigat ko sa railings kanina. Ipinamulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa. "I've done enough for his birthday today. Isa pa, alam kong sapat na ang naibigay kong regalo sa kanya para alalahanin pa ang presensya ko doon sa party." sagot ko. Muling nagbalik sa akin ang may galak na ngiting mayroon si Valor nang buksan niya ang kahon na siyang naglalaman ng regalo ko. It was priceless.




"Dad, you called for me?" Valor asked me when I asked one of the maids to call him for me. I was sitting calmly on my swivel chair when he came in and greeted me formally. Then, I stand up to move and to get my gift for him. I opened a small vault placed inside a cabinet here in my office.



When I was able to open it, I carefully took the golden box with emerald gems out. A small box with a great object in it. Nang tuluyan ko na itong makuha ay isinarado ko na muli ang vault at ang kabinet. Kaya naman napabalik ako ng tingin sa anak kong nananatiling nakatayo pa rin. "Don't be so gloomy. It's your birthday, remember? Of course, I called you because I want to greet you and to give you my gift personally." I told him. Bigla naman siyang napaangat ng tingin at tumingin sa akin ng may nasasabik na mga mata.



Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa harapan niya. Lumuhod ako ng bahagya para maging magkasingtaas lang kami at upang mas makita at makausap ko siya ng maayos. Ugh, why does he have this pair of eyes that always makes me remember Alex's pair of eyes too? Itinabi ko muna ang pangungulila ko sa aking asawa at iniabot na sa kanya ang kahong dala ko. Agad ko namang nakita ang pagtataka sa ekspresyon niya at wala naman na akong ibang nagawa kundi ang ngumiti na lang.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon