Chapter 24 - Samara

74.3K 2.3K 367
                                    


[ M A R C ' S  P O V ] 




"I can't believe it. The one who saved Valor is his own maternal grandmother. To think that Lady Alexandra doesn't remember anything about her past and she doesn't even know that Valor is her own grandson. Is this fate or something?" Dash said. He still can't believe what we found out today. 



Napabuntong hininga na nga lang ako at ibinaba ko ang librong binabasa ko at inilapag sa side table ng kamang kinalalagyan ko ngayon. Polaris insisted that we should spend our night here since it will be dangerous for us to return due to the time problem. Therefore, they gave us a one big room for us to accommodate. Rather than being hunted one by one, the Clan of Light's resources and wealth are still living. They have this extravagant rooms with excellent designs inspired by European buldings. 



"Hindi lang naman ikaw ang hindi pa rin makapaniwala. After all these years, wala tayong kaalam alam na buhay pa pala siya. Ang alam lang natin ay nasunog silang mag-asawa sa malaking pagsabog na iyon. Sinong mag-aakala na mabubuhay pa siya?" nasambit ko. For me, it's like a miracle. To survive from the huge mess. 



Pero ngayong nakumpira na nga namin kanina na siya nga si Alexandra Dela Vega nang dahil sa mga napagtugma naming mga impormasyon at litrato na hawak ni Janice, kahit papaano ay may maibabalita kaming maganda sa pagbalik namin. Gayunpaman, hindi pa namin nagawang matanong si 'Azalea' kung nais ba niyang sumama sa amin. Naging magulo ang mga bagay bagay sa kanya nang idineklara ang kumpirmasyon. Muntikan pa nga siyang magwala nang dahil sa frustation at confusion. Sa ngayon ay nasa ibang kwarto siyang para magpahinga. May ilang nakabantay rin kung sakaling magising siya at magwala na naman. 



Alexandra Dela Vega. For all these years, everyone thought she's already dead. The woman who is one of the creators of 'Escape', a genius scientist, a former reaper of Mafia Vantress, the brilliant lady who gave us those arrows as hints to find the way inside the underground basement of Mhorfell Academy, the beloved daughter of the Dela Vegas and most of all, the mother of Alexandria, Alexander, and Axel. 



"Grabe. Akala ko tapos na lahat ng problema nang maresolba natin ang totoong katauhan ni Alex at ng mga misteryo sa Mhorfell Academy. Pero hindi pa pala. Nakakanerbyos, nakakatakot, dahil hindi natin kilala ang mukha ng kalaban natin. But even so, I'm still happy." litanya ni Skyzzer habang inaayos ang mga unan sa ulunan ng kama niya. Kasalukuyan kasi kaming nandirito na sa mga kama namin. 



"Happy?" Dereen asked. 



Hindi kaagad sumagot si Sky. Bagkus humiga siya at napatingin na lamang sa malawak na kisame na puno ng mga magagarang disenyo. "Ewan ko. Basta sa mga oras na ito na nakakasama ko kayo ulit tulad ng dati? Puro saya lang ang nararamdaman ko kahit na ba may kaunting kirot dahil nga hindi pa rin natin alam kung nasaan si Alex o kung may katuturan pa ba kung mahanap natin ang White Antidote. I mean, what's the point of obtaining that antidote if Alex is already gone. Yeah, Alex may be alive and kicking somewhere but we can't avoid the fact that she was infected by that damn Onyx Blood Disease. Kung buhay nga siya, baka nga nakalimutan na niya tayo at ang sarili niya. Pwede ring balang araw, susugurin niya na lang tayo na may iba ng kulay ng pares ng mga mata. Pero naisip niyo ba kung paano natin siya pwedeng palayain sa kapit ng Onyx Council kung sakali? Don't get me wrong. I love my cousin so much. All of you know how I opposed my superior just to get the hell truth out of him. Ayokong mawalan ng pag-asa. Gusto kong bumalik siya sa atin. Kaso, paano kung huli na talaga ang lahat?" matapos ng mga sinabing ito ni Sky at napapikit na lamang siya at napatalukbong ng kumot. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang