Chapter 2: Disguise

464K 17.5K 4K
                                    

I decided na hindi na pumasok pa. Dito nalang ako tatambay sa tabing-ilog habang hindi pa mainit. Siguradong kalat narin naman iyon sa buong campus ang ginawa kong confession. At for sure, ibu-bully na naman nila ako. Wala pa ako ngayon sa mood para sabayan ang trip nila.

Ibabato ko na sana sa ilog ang nadampot kong bato nang may sumilaw sa gilid ko. Natamaan siguro sa sikat ng araw.

Tinignan ko ito at isa itong singsing. It's a ring na pale blue ang kulay ng bato at parang mamahalin pa kasi ang ganda.

“Hi!” Someone greeted me mula sa taas. Mabilis kong kinuha ang singsing at binulsa ito.

Bigla siyang bumaba at tumabi sa ‘kin. Napakunot ang noo ko. Sino ba ‘to?

"Bakit ganyan ka makatingin?" He giggled. Yes, he's a guy.

Walang naglakas loob na kumausap sa 'kin dahil nga sa mukha ko. Isa nga raw akong halimaw. Pero bakit ito hindi yata takot sakin?

“I'm Drew by the way. From Wadeford Academy.” He then stretched his right hand for a handshake, perhaps?

Tinitigan ko lang ang kamay nito. Kaya pala kinakausap niya ako dahil hindi niya ako kilala. Pag nalaman niya kung sino ako, tiyak lalayuan niya rin ako. I don't need friends. I can live without them.

“Mukhang wala ka yatang balak makipag-usap sakin. Hehe...” sabi niya at napakamot sa batok na parang nahihiya.

Tatayo na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita. “Bago lang kasi kaming lipat ng pamilya ko dito kaya wala pa akong kaibigan kahit isa. Nakita kita at naramdaman kong mabait ka kaya naisip kong pwede kita maging kaibigan.”

Kaibigan? Tsk.

“Nagkamali ka ng taong pinili na pwede maging kaibigan.” sabi ko at umalis na sakay ng aking bike.

“Shea!” Bigla siyang sumabay sa ‘kin sakay rin ng kanyang bike.

Kulit din ng lahi nito eh. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Tigilan mo na ako."

Natahimik siya. Siguro ini-isip niya na ang pangit ko na nga ang sungit ko pa. Pero kailangan eh.

“Alam mo Shea maganda ka pala.” Nagulat ako sa sinabi niya. Ako maganda? Ini-insulto ba ako nito? Parang kumulo bigla ang dugo ko.
Tumigil ako sa pag pedal at hinarap siya.

“Alam mo kung wala ka namang magandang sasabihin tumigil ka na. Sawang-sawa na ako sa pangbu-bully niyong lahat.” mariin kong sabi at mabilis na umalis. Maganda? Tsk.

Dumiretso ako sa park at doon nalang tumambay. Nakakainis! Kung saan maganda na yung pwesto ko kanina saka pa may dumating.

Nilagay ko yung earphones ko at nakinig ng kanta. Music is my one way to escape myself from reality. Tinatamad pa akong umuwi ng bahay.

Habang nakikinig ako ng kanta ay biglang may ice cream na tumambad sa harapan ko. Tumingala ako at mukha na naman niya ang narito.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?”

“P-pasensya na!” sabi niya at yumuko habang nakalahad sa ‘kin ang ice cream.

Mas lalong kumunot ang noo ko na puro wrinkles. Pasensya? Ngayon lang may nagsabi sa ‘kin niyan.

"H-hindi ko naman sinasadyang ma-offend ka. Hindi naman ako tumitingin sa panlabas na anyo eh. T-totoo ang sinasabi ko kanina Shea, maganda ka." sabi niya.

Mukhang seryoso naman siya. Hindi naman siguro ‘to isa sa mga pakana nina Katie.

Umusod ako sa bench senyales na pwede siyang tumabi. Parang nagliwanag naman ang mukha niya.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now