Chapter 8: First Day

392K 15K 8.2K
                                    

Minulat ko ang mga mata ko and checked my phone na nakapatong sa mesa katabi lang ng higaan ko. It's exactly 6:00 a.m. Hindi ko na kailangan ng alarm dahil kusa nalang ako nagigising ng ganitong oras. It's what they call body clock.

Magkaiba ang sched namin nina Cein at El. Their class starts at ten o'clock while mine is 8. I think they based our schedule sa points na nakuha namin.

Niligpit ko muna ang higaan ko bago dumiretso sa banyo upang maligo. Tinanggal ko muna ang  disguise ko bago tuluyang naligo.

-
  

Papunta na ako ngayon sa first subject ko and I don't know where the hell that room is. PR7 ang nakalagay sa schedule. Dapat naglagay manlang sana sila ng map para 'di maligaw ang mga bagong students nila dito. Buti sana kung maliit lang ang campus nila, eh.

I feel really uncomfortable wearing their uniform lalo pa't' di na ako sanay mag suot ng hindi oversize na damit. Saka ang ikli ng palda kainis. Sino ba nagpauso ng ganitong uniform?

Puting long sleeve sa loob na pinatungan ng dark green coat na may tatlong butones sa baba, exposing the dark green bow na na nakatali sa puting blouse ko. Tapos maikling green pleated skirt at itim na knee socks at sapatos. Kung makabalot itong uniform nila, parang may winter naman dito.

(A/N: Uniform ng MA sa media. Uniform talaga 'yan ng My Hero Academia na anime kinuha ko lang kasi type ko haha. Kaway-kaway sa mga otakus dyan!)

While I was walking in the middle of nowhere dahil puro building lang naman ang nakikita ko dito at wala akong makitang PR7 na pangalan, a group of students came running from my back. Natulak pa nga ako ng isa pero tiningnan niya lang ako na parang nandidiri dahil dumikit ang katawan niya sa 'kin. Muntik na nga akong madapa, eh. Tinawanan nalang nila ako at tumakbo na ulit.

Inayos ko ang malaking salamin ko at 'di na lang pinansin ang ibang taong nagbubulungan sa paligid. Apat na taon ba naman akong ginaganito di pa ako nasanay. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Bes masusuka na yata ako."

"Ako nga rin, eh."

"'Di ba siya yung napabalitang demon slayer? Tama nga ang chismis. Malandi siya."

"Kapal naman niya hahaha!"

"Pre bilis halikan mo na!"

"Wag ka nga diyan, pre nanayo balahibo ko sayo, eh."

"Eww she's so pangit!"

"And nakakadiri!"

Sari-saring mata ang nakatuon sa'kin ngayon pagtapak ko ng hallway. Sige lang, i-enjoy niyo lang 'yan. As if may mapapala kayo sa pinangagawa niyo.

Nakita ko na ang PR1. Ayos, malamang sa may dulo na nito ang room ko. Pero bakit kaya tinatawag nila akong malandi? Buti sana kung si Alysia ang nakikita nila ngayon, ang magandang version ko. May reason pa sila para tawagin nila akong malandi, pero ngayon na si Shea ang narito? Pangit na nga, manlalandi pa ako? Seriously people?

May makakasalubong akong tatlong babae at ang paraan ng pag tingin nila ay halatang mambu-bully na. I thought they call a demon slayer cool and unique because of what they're capable of but why are they doing this kind of things to me? Well, I'm used to it.

Nagtatawanan sila at nagkukuwentuhan hanggang sa nagkasalubong na kami. Saktong papalampas na sila sa'kin ay 'yon naman ang pagkadapa ko. Pinatid ako ng isa sa kanila.

"Oops! Sorry!" maarteng sabi ng babae sa hulihan. Ash blonde ang mahaba niyang buhok na may curl sa dulo. Ang puti ng mukha niya dahil sa kapal ng concealer in contrast sa leeg niya na ang itim. Nagtawanan naman ang ibang mga kasama niya at ang ibang nakikinood.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Место, где живут истории. Откройте их для себя