Chapter 11: The Alpha

356K 13.3K 5.8K
                                    

Tinitingnan ko pa rin sila ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, lalo na pag tinitingnan ko yung lalaking nakaitim na tahimik na kumakain kasama pa ang ibang Alpha.

It feels like there is a strong force pulling me towards him kaya hindi ko matanggal ang pagkakatitig ko sa kanya.

Titig na titig din ang iba sa kanila, hindi nga lang pinahahalata. They are all beautiful and their aura screams elegance and power. Pito silang lahat, apat na lalaki at tatlong babae.

Yung isa, brownish yung buhok na medyo curly. Ang puti niya at mukhang siyang masayahin sa grupo. Siya kasi yung maingay sa table nila. Yung isang babae, mukhang simple lang. Her hair has a light color at ngumingit-ngiti lang. And the other one is just eating silently. The way she looks is intimidating. Itim yung buhok niya at sa kanilang lahat, siya yung pinakamaputi.

"Ang guwapo ng mga boys, 'no?" bulong sa 'kin ni El while eating her fries.

"See that guy over there na panay ang kulitan nila ni Ezra? That's Trevor. Ang wafu, no? Pero sayang, boylet din pala ang hanap niyan!" mahinang tawa ni Eloiny.

Napatingin ulit ako sa table nila habang kausap niya yung babaeng brownish ang buhok na Ezra pala ang pangalan. Sayang nga. Karamihan na kasi ng mga gwapo ngayon, eh gwapo rin ang hanap.

"And those two na nag-aaway sa ulam, that's Fire and Ice. Obviously, kambal sila. Ang cute nila, 'no? Hihihi!"

"El nee-chan!" muling sita na naman sa kanya ni Cein.

I looked at them. I must admit that they really look charming. Pero hindi ako interesado. They look very similar at ang palatandaan nalang ay ang buhok nila which is red. I think that's Fire, and blue, which is Ice.

"Nee-chan, hayaan mong ako naman ang magsalita. Ang dami mo na kasing nasabi kay Shea-chan, eh," Cein pouted.

Eloiny just rolled her eyes. Lumapit naman sa 'kin si Cein para bumulong.

"And see that cool guy with the all black get up, Shea-chan? Siya si Kiyan Hayashi. Handsome as always. Yun nga lang, tahimik siya at hindi namamansin pero okay lang. Mas gumagwapo pa siya in that way," she said dreamily while looking at him. Mukhang naimpluwensyahan na rin siya ni Eloiny.

I didn't talk the whole time pero nakikinig ako. Sanay na rin naman sila.

I stared at Kiyan. Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang siya nakita but there's something in him na nakukuha ang atensyon ko. I don't know, ngayon ko lang naramdaman 'to.

Mas lalong nagwala ang sistema ko nang maramdaman kong nagiging blue ang aking mga mata. I haven't worn my contact lens since I entered this academy dahil katulad ko rin ang mga nandito. But heck, parang may gustong kumawala sa katawan ko. I tried to control the colors changing in my eyes pero mas lalo pang nagwala yung sistema ko.

"Shea! Anong nangyayari? Okay ka lang ba?"

I can hear Eloiny's voice. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Nakapikit lang ako habang nakatungo. Ang init! Para akong sinusunog.

                   
ELOINY'S POV

Bigla akong kinabahan. Si Shea, bigla niya nalang natapon yung kinakain niya at bigla siyang sumigaw. What to do?! What to do?!

"Shea, anong nangyayari sa 'yo?" Nag simula na akong mag panic. Waaahh! 'Di pa naman ako marunong mag handle ng mga ganitong sitwasyon.

"Cein, anong nangyayari kay Shea?!"

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now