Chapter 65: The Apostle of Love

113K 4.7K 2.7K
                                    

ELOINY'S POV

As Shea closed her eyes, tila panandaliang tumigil ang oras. Parang dinudurog ang puso kong makita sa ganoong sitwasyon ang kaibigan ko.

"Eloiny..."

Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi lungkot at sakit dahilan para mas lalong madurog ang puso ko.

"Hindi lang talaga tayo nasa tamang panahon, Trev."

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong pinag isipan ko 'to ng mabuti at hinanda ang sarili ko, pero iba pa rin talaga kapag nasa mismo ka nang sitwasyon.

Nakita kong tumingin sa 'kin si Master. Senyales na sisimulan na namin ang plano.

Bago pa man kami pumunta rito, masinsinan kaming nag usap ng buong Alpha at ni Ren tungkol sa planong gagawin namin. Si Master ang nanguna sa pag pupulong and presented a plan na walang sinong matinong nilalang ang papayag na gagawin ito.

I will be the sacrifice.

In order to end this chaos, kailangan muna namin mapawalang bisa ang goal ng kalaban na kunin ang dugo ng buhay na Mistress.

At ang natatanging paraan na naiisip ni Master upang maging totoo ito, is to end the life of the Mistress.

Oo papatayin namin si Shea. With that, the enemy will lose its purpose to fight, rendering his weakness, and defeat him. Lahat ng ito ay plinano ni Master and everyone disagreed with him. Lalong-lalo na si Ren.

Pero at the end wala kaming magawa dahil kahit anong isip namin ng ibang paraan, this is the only way through this. Makikita ko sa mata ni Ren kung gano niya kinasusuklaman si Master Kiyan, ngunit maging siya ay sumuko at sumunod nalang sa plano.

He himself offered his life. Even at the very end, si Shea pa rin ang iniisip niya. Hindi pa rin siya nag aalinlangang ibuwis ang buhay niya ng paulit-ulit para sa mistress niya. At para sa babaeng mahal niya.

Oo matagal ko nang alam na tuluyan na siyang nahulog kay Shea. Sus, kahit sinong nilalang makakapag sabi agad na mahal niya si Shea sa paraan palang kung paano siya tumingin dito.

Malungkot akong ngumiti. Lahat ba talaga kami dito walang chance magka happy ending manlang? Bakit lahat kailangan ng sakripisyo? Bakit kailangan maging ganito?

Sabagay, sa una palang hindi na ordinaryo ang mga taong nakapaligid sa 'kin. Isipin mo yun, yung isang bestfriend ko naging alagad ng kadiliman, tas yung isa naman reyna ng kadiliman.

Tapos ako naging "strongest" apostle of Light.

Napatingala ako. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang tinitingnan ko ang mga mahahalagang tao sa paligid ko na unti-unting nawawala. May nakabaong kutsilyo sa likod ni Paxton habang nakabaon naman ang Sword of Creation sa dibdib ni Shea.

Hindi. Hindi ko na kayang manood. Gusto kong umiyak pero nakakapag taka at walang luha ni emosyon ang lumalabas sa 'kin.

Shea has no idea what we've planned. Dahil alam naming kahit anong mangyari hinding-hindi siya papayag dito and it will turn out na pipilitin niyang siya nalang mag isa ang lalaban kay Lucifer which is ginawa na nga niya.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now