Chapter 46: Apostles

271K 9.9K 7.7K
                                    

ELOINY'S POV

Nandito ako sa loob ng hotel na tinutuluyan namin ni Cein. Nakaupo sa gitna ng kama. At nakatunganga.

"Waaahh! Ceeiiinnn! Asan ka na ba?" ginulo ko ang buhok ko at sinubsob ang mukha sa unan.

Eh kasi naman eh. Kagabi pa sya nawawala. Kaninang madaling araw pa ako hanap ng hanap. Kaso naisip ko, madaling araw pa. Baka tulog pa sya. Kaya bumalik nalang ako dito sa hotel at natulog ulit. Tapos nagising. Gising na siguro—

Wait....
    
  

Processing....
  
   
  

Ting!

"EH TANGA KA NAMAN ELOINY BAKIT MO NAISIP NA NATUTULOG 'YUN EH NAWAWALA NGA?! MAY KILALA BA SYA DITO PARA TULUGAN?!"

Napukpok ko ang ulo ko dahil ngayon ko lang narealize ang pinanggagawa ko.

Tracking ang isa sa mga ability ko kaso di pa 'to reliable kasi minsan mali ang tinuturo nito sa 'kin dahil malabo ang visuals na pinapakita nito sa utak ko. Tini-train pa 'to sa academy. Di nga nagwork 'tong ability ko kay Shea at sa Alpha eh.

"Oplan: Tokhang ang punta namin dito eh. Pero ako pa yata yung natokhang." napahinga nalang ako ng malalim at sinubukang mag concentrate upang hanapin si Cein.

Pumikit ako at hinayaan ang ability kong gumana. I was like that for almost ten minutes but...

"Waaaah! Wala talaga. Nasan na ba kasi kayong dalawa? Uwi na tayong academy. Huhuhu..."

Nagpagulong-gulong ako sa kama hoping na magkaroon naman ng laman 'tong utak ko para sa susunod na gagawin.

May bigla akong naramdamang kakaiba kaya napatigil ako.

This feeling...

Nakakakilabot. Parang ganito kalakas ang pwersa ni Shea kapag nagseseryoso sya. Pero...

Mukhang mas malakas 'to na nagawa kong gamitin ang kapangyarihan ko na di ko alam. May body acted on its own because of my instincts.

Nagmadali akong lumabas ng hotel. Meron pa nga akong nabunggong bata kaya muntik na syang natumba. Buti nalang nahawakan ko sya kaya lumutang sya at di tuluyang nabagsak. Gulat na gulat pa nga syang nakatingin sa 'kin eh. Ngayon lang ba sya nakakakita ng dyosa? Charot.

As the elevator reached the ground floor, agad agad akong tumakbo sa labas at hinanap kung saan nanggaling ang malakas na pwersa na 'yun. Pero wala akong napansin na kakaiba. Pati na naman ba yung pakiramdam ko niloloko na ako?

Tumingin ako sa taas at doon nanlaki ang mata ko.

"O.M.G" slowmo pa yan.

Isang napakalaking liwanag na ewan ang pabulusok sa kung saan. Para itong comet with different colors.

Bigla akong kinabahan dahil mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari.

Nandito si Kiyan at Shea. Anything not ordinary that is happening right now might be related to them. Kapag sinundan ko ang liwanag na 'to, maaari ko na silang makita. Marahil nandon na rin si Cein. Ang daya talaga ng babaeng 'yun inunahan pa ako.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن