Chapter 55: Choice

223K 8K 4.8K
                                    

ELOINY'S POV

Nakapasok na kami sa abandoned underground village dito sa Underworld. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang tensyon habang papalapit kami sa lokasyon kung saan si Shea.

Sunod-sunod na rin ang paglabas ng green signal flares na ang ibig sabihin ay cleared na ang mga kalaban at pwede na kaming dumaan.

Nakikisakay ako sa dark cloud na gawa ni Ren. Para tuloy kami nasa dragon balls. Si Ren parang si Goku kasi may buntot rin sya. Tapos ako si Majinbo hohoho.

Master looks very majestic on his golden wings. He flew majestically na parang maiiyak ka ng hindi mo alam. Ang ganda kasi tignan na parang safe ka na ewan kasi protektado ka ng mga pakpak nya kahit nasa teritoryo  kami ng kadiliman. He truly is the Master of Light.

I pressed my hairpin to summon my weapon accessory. Naninigurado lang. Alam ko namang malalakas ang kasama ko eh pero malakas rin kaya ako.

Pero nakakainsulto yung posisyon ko eh. Apostle of Love tapos single? Grabe siguro ang tawa ni Marjorie pag nalaman nya kung ano ako.

"Sht." rinig kong bulong ni Ren sa likuran ko.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Di nya ako sinagot. Bakit ganon? Snob nya lang ang beauty ko? Ang beauty ng bestfriend ng Mistress nya? Lahat nalang sila di ako pinapansin. Si Master ang tahimik. Si Ren naman mukhang si Shea lang ang kinakausap eh. Pag ako napuno, di ko kayo papayagang makalapit kay Shea. Kala nyo ha.

Gusto ko nalang kumain ng hotdog. Pag nakalabas talaga ako dito, di ko rin sila kakausapin.

May signal flare na namang lumabas ngunit kulay pula ito. Na-alarma ako dahil red means reinforcement.

"Master! Kailangan nila ang tulong natin."

Sino kaya 'yun? Sana okay lang si Trevor. Sana walang mangyaring masama sa kanya.

Di parin nila ako pinansin at nasa harapan lang ang tingin nila. I saw several bodies of creature na patay na. Yung iba ay mga abo. I thought Underworld is the place of the undead, kung mamamatay sila, saan sila mapupunta?

"Master!" tawag ko. One of his Apostles needs reinforcement. Bakit di namin tulungan?

"Focus Eloiny." tanging sagot lang nya sa 'kin.

What?

"Pero—

A green flare went up kung saan kanina nanggaling ang pulang signal flare. Ibig sabihin they already eliminated the enemy.

Napatingin ako kay Ren at Master Kiyan. Kaya ba nila ako hindi sinagot dahil gusto nilang ako mismo ang matuto by observing?

"They are my apostles Eloiny. I chose them. Have faith in them."

Sa mga sinabi ni Master ay mas lumakas pa ang loob ko. Tama sya, sila ang Alpha. The apostles of the Master. Pinili nya kami dahil alam nyang karapat-dapat kami. Hindi lang dahil sa malakas o mahina kami.

Napatigil kami when a herd of devils blocked our way. Pula ang katawan nila na parang hotdog pero may sungay. Parang ayaw ko na tuloy kumain ng hotdog.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now