Chapter 30: Beginning

289K 11.6K 3.7K
                                    

“Y-yung gown mo. Waaaah! Shea yung gown sira na. May sumira ng gown mo huhuhu..." Eloiny explained teary-eyed.

Napatingin ako kay Paxton and he just sighed.

"Sira ang gown niya? Sasali ba siya?"

"Pfft! So siya nga ang papalit kay Alzena? Hahaha. Nakaka-insulto yata 'to."

"Buti nga sa kanya. Feelingera kasi."

"Pabebe pa nga ayaw pang mag practice. Tingin niya mananalo siya?"

"Mukhang naduduling na yata ang organizer dahil nakasali siya sa pageant. Qualified din pala ang ganyang mukha? Hahaha!"

"Kung sino man ang sumira sa gown niya, magkakasundo talaga kami. Hahaha!"

"Pre, may sako pa tayo sa dorm di ba? Bigay mo nalang sa kanya. Kawawa eh mukhang wala na siyang masuot mamaya."

"Hahaha gago!"
         
  
And they talked and laugh mocking me non-stop. Wala akong pakialam. Tumingin ako kay Eloiny who’s still holding back her tears and disappointment was drawn all over her face.

"Pano na 'to mamaya? Ano susuotin ni Shea? Ano sasabihin ko sa ate ni Cein? Na nasira gown niya? Huhuhu... Saan ako pwede makahiram ng bagong gown? Waaaah!" she keeps on talking to herself.

"Where's the gown?" I asked.

"Sa locker ko."

"Let me see it."

Tumayo na kaming tatlo at lumabas ng theatre room. Dumiretso kami sa locker room para tingnan ang gown. As we arrived, kita agad ang nakakalat na tela sa sahig, halatang ginupit at pinunit.

Nasa harapan na kami ng locker ni Eloiny and I already noticed a scratch in the keyhole. May konting gasgas ito which is a sign na marunong mag lock-picking ang salarin.

"Here." nilabas ni Eloiny ang gown at halos di na makilala kung damit pa ba ito.

It's a black long metallic prom dress with sleeves. Nakakalat na sa sahig ang ibang bahagi pati sequence nito. It looks like a rag na pwede nang pampunas ng mga alikabok.

I stared at the remaining parts at naramdaman kong tumabi sa 'kin si Paxton.

"Looks like the competition is on. They are threatened by your presence." bulong niya sa tenga ko which gives me goosebumps.

I smirked, "They should be."

"Huhu Shea pano na 'yan? Kung sino mang impakta o impakto ang may gawa niyan, sisiguraduhin kong magbabayad siya! Grrr! Kukunin ko ang gravity sa paligid niya hanggang lulutang nalang siya habang buhay. This is getting into my nerves. Gosh!"

I observed the remaining parts and details of the long gown. Floor-length pa naman siya kaso may mahabang slits na hanggang bewang. May mga cut and tore parts nga lang sa may top. O well.

"It's okay. I'll wear this." sabi ko.

Obviously, they were shock. "Ha? Sa tingin mo ba masusuot mo pa ‘yan? Don't worry maghahanap nalang ako uli. I'm sure marami pa dyan."

"No need. I'll wear this. Only few hours left before the contest starts. Wala nang oras."

"Pero—”

I cut her off.

"No buts. This will be fine. Ako nang bahala."

"Don't tell me ako ang paayusin mo niyan. Wala akong alam dyan." sabi ni Paxton.

"Nope. Susuotin ko lang 'to mamaya. Hindi na 'to kayang ayusin. Besides, ginusto mo naman 'to di ba? Ang mapahiya ako sa maraming tao?"

Biglang lumukot ang mukha ni Paxton while glaring at me, "What are you saying? Akala ko ba pinag-usapan na natin 'to?"

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum