PART 1

11.2K 224 18
                                    

PART 1

Pumasok si Von sa loob ng opisina niya at pasalampak na naupo sa swivel chair nito sabay taas ng dalawang paa sa mesa at pinag-krus ito. 

Kasabay nitong pumasok ang sekretarya niya na si Lavina. Tumayo ito sa harapan ni Von at binigyan ito ng mapang-akit na ngiti sabay lapag ng dalang folder sa mesa at pasadyang ipinakita ang cleavage sa binata.

Napatingin naman si Von sa cleavage nito at balik din ng tingin sa mukha ng dalaga na ngayon ay nakatunghay sa kanya ng may mapanuksong tingin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Von sabay nagsalita ito. "I'm getting bored with you Lavina." Sabay tingin nito ng diretso sa dalaga. "You're Fired".

Nabigla naman ang sekretarya nito at panay ang salita ng kung anu-ano pero hindi na ito pinansin ni Von at sa halip ay dinampot na lang ang tumutunog na telepono. May tawag galing sa Reception ng Kumpanya.

"Sir, Chairman is here" Pagkaparinig ni Von ng tawag na iyon ay agad ang pagka-tensed ng binata.

"FCK!" Sigaw nito dahilan para magulat ang babaeng kaharap. "Go get out of here Lavina and do something on you're fcking blouse! Make sure it is properly buttoned! For Pete Sake! " Dali-dali at naiinis na sabi ni Von. Agad din naman ang pagkaripas ng alis ng sekretarya niya.

Panay ang pagmumura ni Von habang inilalatag lahat ng folder sa mesa niya at pinagbububuksan iyon. Mabilis nitong naisuot ang coat na nakasabit sa isang sulok at lagay ng kurbata. Sinuklay nito ang buhok sa pamamagitan ng kamay.

At nang napapakinig na niya ang mga yabag sa labas ay agad nitong dinampot ang cellphone at tinawagan si Xien. Hindi pa man nakakaimik ang nasa kabilang linya ay inunahan na ito ni Von ng pagsasalita. "Act like you're not hearing anything" Von hissed. Sabay tawa naman ni Xien sa kabilang linya, he already knows what's happening. 

Humugot muna ng malamim na hininga si Von saka dire-diretsong nagsalita. "Regarding the Plan that we are talking, I see the report that you submit. And it would be better if we will reduce the costs of the product----

Saktong bukas naman ng pinto at nagunguna-ngunang pumasok ang Chairman ng kumapanya kasabay ng ilang mga nakabussiness attire din na mga lalaki pero nagkunwari si Von na hindi napansin ang mga ito at patuloy na nagsalita.

--- and maximize more our marketing strategy. As you can see our target market---- Napatigil lang si Von nang tumikhim ang Chairman.

"Dad" Pormal na sabi dito ni Von. "I'm sorry I'm talking to my client" sabay ngisi nito at mabilis na ipinakita ang screen ng cellphone sa Chairman pero sa mabilis na paraan lang upang hindi nito mabasa kung sinong kausap niya.

"I see" anang baritonong boses ng Chairman. "Who is it?" Chairman sabay tingin sa cellphone ni Von, agad naman iniiwas ni Von ang screen dito.

"A big Client that you will meet soon" An assuring smile appeared on Von's face.

Tumango-tango naman ang Chairman at bumaling sa mga kasama nito. "This is my son. Von Gerard Carson" Tukoy nito kay Von. "And Von, we will be soon working with them. This is Mark Mendez" tukoy naman nito sa mataas na lalaking katabi "He will be the Sales and Marketing Executive for this joint project. You two will going to work together."

Inabot naman ni Von ang kamay ng bawat isa. At maya-maya rin ay nagpaalam na ang mga ito at dumiretso sa opisina ng Chairman at naiwan si Von sa cabin niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Von at nagtungo sa sofa sa office nito at naupo. Napansin naman nito na nandun parin pala si Xien sa telepono.

At nang itapat niya ang cellphone sa tenga ay napakinig niya ang tawanan sa kabilang linya at pag-uusap ng mga ito at siya ang topic. "XIEN!" Sigaw ni Von.

Pakinig naman niya ang paglapit ng mga ito, nakaloudspeak ang tawag niya. "Hey! So the Chairman is Back ha'!" Yvo sa kabilang linya na tatawa-tawa pa. Tama ang hinala ni Von na magkasama nga ang dalawa ni Xien.

"Pare" Xien. "Bilang ganti sa pagtulong ko sayo. Bilhin mo tong bagong model ng Jaguar kung hindi..." Tumawa muna ito bago nagsalita "Isusumbong kita sa Chairman." Sabay tawa na naman nito ng malakas "I'm you're Big Client, right!" SInabayan na ito ni Yvo sa pagtawa.

Napangisi naman si Von at umiling, maling tao talaga ang ginawa niyang alibi. "Asa!" Sagot ni Von dito at tinapos na ang tawag.

Nang ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa may nakapa siyang piraso ng papel. Kinuha niya ito at tiningnan.

Agad naman ang pagngiti niya nang maalala ang pangyayari kaninang umaga lang. Natutuwang pinitik niya ang pirasong papel na hawak.

"Amber Rodrigues" bigkas ni Von sa pangalan nito sabay tawa nito at inalala kung pano naging abnormal na lang basta ang tibok ng puso niya nung umagang iyun.

**

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now