PART 19

3.7K 92 5
                                    

PART 19

AMBER POV

'I'm afraid to do this... 

that's why I should stop hanggang kaya ko pang humakbang paatras sa kanya... 

... pero ang hirap kung kada atras ko ay siyang paghakbang niya papunta sakin...'

I exhale loudly.

Ang hirap maipit sa kanilang dalawa. 

Dumistasiya ako kay Von at tumungo. "...Masasaktan si Mark" mahinang utas ko at kumalas sa pagkakahawak niya.

I can sense his intent look 

"That's how it works" paos niyang sagot.

Mariin akong umiling "Hindi ko kaya" Unti-unting nag-init yung gilid ng mga mata ko "Ayokong saktan si Mark" hindi ko na nakayanan at pumiyok na ang boses ko."Hindi ko kayang itapon na lang ang limang taon naming pagsasama..." May umalpas na luha sa mga mata ko at agad ko rin itong pinahid "Hindi ako ganung kasama Von, hindi ko siya magagawang saktan" Lalo pa akong napatungo at may iilan pang mga luha ang umalpas sa mga mata ko.

Natatakot na ko, dahil tama siya kunting hila na lang niya babagsak na ako at baka hindi ko makaya ang kahihinatnan ng magiging desisiyon ko. Oras na ipagpatuloy ko na ang maling simula namin ni Von, there will be no turning back. 

Kailan pa ba naging tama ang epekto ng maling simula?...

Pakinig ko ang malalim na buntong hininga ni Von.

"Then hurt me instead, Amber" Mahinang bigkas niya na siyang nakapag-paangat ng tingin ko dito, sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya at unti-unting tumaas ang kanang kamay niya para haplusin ng marahan ang pisngi ko. "This is a tug of war and I'm fucking desperate for you're full attention. I'm already trying my best to win you that's why I'll do anything just to make you mine, sweetheart " he smile weakly habang patuloy parin siya sa paghaplos ng pisngi ko.

Napapikit ako sa nararamdaman ko. Ang hirap huminga. 

Bumagsak ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid niya. At unti-unti akong nag-angat ng tingin para salubungin ang puno ng emosyon niyang mga mata.

"When I know that you're already committed, that time I should already stop pursuing you... but how can I?" Nahihirapan niyang sabi sabay sapo niya sa ulo niya. "Hindi na bumalik sa normal ang tibok ng puso ko sa tuwing nakakasama kita. And I fucking love that feeling!" Tumingala ito na parang pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. "You Got Me at your first glance, it so unfair, you make me fall without even trying!" In his broken voice, kita ko ang paglunok ni Von, hindi parin siya makatingin ng diretso sakin.

Hindi ako makapaniwala. No. He can't fall for me! Hindi pwedeng ganun na kaagad kalalim ang nararamdaman niya sakin. 

Unti-unti siyang tumingin sakin at nagtama ang paningin namin ni Von, mamasa-masa ang mga mata niya.

Kinagat nito ang labi bago nagsalita "Aasa ako at paniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan, bahala na kung kelan matatapos ang pag-iilusyon ko, hanggat masaya ako hindi ako titigil. Mali na kung mali, basta ikaw Amber, susugal ako" huminto ito at saglit pang naghinang ang mga mata namin. 

Wala na bang mas kokomplikado pa sa nangyayari na 'to?

Napapikit ako ng mariin.

"Nahihirapan ka na ba?" Paos na tinig ni Von. "Sorry dahil nakikigulo ako. Tsk. Wala eh'... tinamaan ako" kasabay nun napakinig ko ang puno ng pait niyang tawa. "Ang gago ni Kupido!" 

Sandaling katahimikan. 

Nakapikit parin ako ng mariin, parang ayoko nang imulat ang mga mata ko. 

 Ramdam ko ang unti-unting paglapit sakin ni Von, nararamdaman ko ang init ng katawan niya.

Napapitlag ako ng hawakan niya muli ang pisngi ko. At ilapat niya ang nuo niya sa nuo ko. 

"Don't close your eyes, Sweetheart, so you will see me fighting for you."  Von said while his breath fanning may face. Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.

Agad ang paglalim ng kunot ng nuo ko dahil pinipigilan ko ang paghikbi. Gusto kong umiyak sa lahat ng naririnig ko kay Von. 

 "Sleep well, Amber" Kasabay nun naramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko. At napakinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ng kwarto ni Von.

Nagmulat ako ng mata at kusa akong napaupo at napasandal sa dingding. 

Tell me, what should I do?...

***

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

YOU GOT ME OFFICIAL PAGE LINK ON THE EXTERNAL LINK! 


*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now