PART 5

7.1K 135 15
                                    


PART 5

AMBER POV

Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na sina Faye, kapatid ni Mark, at Kristel na naging kaibigan namin ni Faye sa University.

Nandito kami sa sala sa bahay namin ni Mark at pansamantalagang nanunuod ng TV.

Panay lang ang tawanan nung dalawa dahil sa pinapanuod pero ako hindi ako makarelate.

May gumugulo sa isipan ko at dahil ito sa pangyayari kaninang umaga lang. Hindi parin ako makaget-over sa ginawa niya.

Shet! Hinalikan niya ko?! Tapos siya pa yung magiging Boss ko? Pero... Argh! Bakit bigla na lang niya kong hinalikan tapos iniwan na lang ako nitong tulala sa ginawa niya at siya na may nakakalokong ngiti na bigla na lang umalis ng Opisina niya. 

Nangyari ba talaga yun? Napapakagat na lang ako ng labi tuwing maaalala ko kung pano niya ko hinalikan. OMyGad. Gusto ko nang magback-out. 

"Hindi ko na itutuloy ang pagta-trabaho sa Carson Land Enterprise" I suddenly blurted out.

Sabay namang napatingin sakin sina Faye at Kristel nasa gitna ako ng dalawa. 

"Oh! Nandiyan ka pala Amber" Sarkastikong sagot sakin ni Kristel na agad ko namang sinamaan ng tingin.

"Hindi kasi namin maramdaman ang presence mo" Sarkastko ding sabi ni Faye.

Napabuntong-hininga ako at napa-facepalm "Hindi ko na itutuloy ang pagtatrabaho ko sa Carson Land Enterprise" ulit ko sinabi ko.

Napa-aray na lang ako ng bigla nilang hilahin ang buhok ko sa magkabilang gilid. 

"Kinakain ka na naman ng katangahan mo" Faye.

"Ano namang inaarte mo, ha?" Kristel.

Huminga ulit ako ng malalim "He Kissed me. The son of the owner of that company KISSED ME! Hinalikan niya ko Girls! Manyak sya." I blurted out again. 

Tinitingnan ko naman ang reaksiyon nilang dalawa. Mukha silang matatawa dahil ginagawa nilang biro yung sinabi ko pero nung sineryoso ko na sila ng tingin ay agad namang tumayo si Kristel sunod si Faye. Hindi mapakali ang dalawang ito.

"Seryoso ka talaga?" Faye.

"Yung anak ng may-ari?" Kristel.

Tumango-tango naman ako. 

Nagulat ako ng bigla na lang akong hinampas ng unan ni Faye. "Yah! Bat ka nagpahalik! Gusto mong isumbong kita kay Kuya!" Faye. 

Ibinato ko naman pabalik sa kanya yung unan. "Nabigla rin ako sa ginawa niya!" 

Natuon ang atensiyon namin ng biglang sumigaw si Kristel nasa harap na ito ng laptop.

"Siya ba? Siya ba? Siya ba yun?" Kinikilig pang sabi nito.

Agad naman kaming lumapit dalawa ni Faye dito.

Nakita ko ang picture dun ng lalaki na may naka-caption na "Von Gerard Carson"

Walang gana akong umupo pabalik sa sofa "Oo siya nga" sabi ko sa dalawa.

Sabay namang kinilig ang dalawa tapos maya-maya ay sinamaan ako ng tingin "Yah! Bat ka naman niya hahalikan!" Si Kristel.

Sinamaan ko ulit ng tingin si Kristel. "Wag kang umarte diyan na parang gustong gusto ko yung nangyari"

Sinamangutan naman ako nito pabalik at binalik ang tingin sa monitor sa Laptop. "Shet! Ang papable!" sambit pa nito.

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon