PART 14

5.2K 110 19
                                    

PART 14

AMBER POV

"Amber, punta ka na dito" Sigaw na tawag sakin ni Kristel, nasa dagat na ang mga ito.

Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Kasama ko ang pamilya ni Mark, kasama din namin si Faye at ang boyfriend nito. 

Nakasuot si Faye ng two piece suit pero nagsuot ito ng mini short, parehas naman kami ni Kristel na naka-sando at mini short.

Nanduduon na sa dagat ang mga ito pwera kay Mark na hindi ko alam kung nasaan.

"Amber, Bilis!" Tili pa ni Kristel, pinagtutulungan kasi ito nina Faye at nang boyfriend nito na sabuyan siya ng tubig.

Naramdaman ko naman na umangat ako sa lupa at bigla na lang may matangkad na lalaki na bumuhat sakin at kinarga ako sa balikat. So now, I'm facing his back muscle.

"Mark!" malakas na tawag ko dito.

Nakita ko na lang na nandito na kami sa dagat at pinagsasabuyan na kami nung tatlo ng tubig, napapatili pa ako, nilalamig kasi ako. Pero dun pa talaga ako bingsak ni Mark sa malalim.

"Urgh" Nang makaahon ako at sinamaan ko ng tingin si Mark. Agad naman nitong pinulupot sakin ang mga braso niya.

"Sorry, Babe" Natatawang sabi nito sabay hampas ko sa kanya sa braso.

Nagtagal pa kaming lima sa dagat. At dahil hapon na din naman, inabot na din kami ng paglubog ng araw nang umahon na kami.

Dumiretso na sina Mark at Liam, boyfriend ni Faye, dun sa cottage kung san nandun din ang parents nina Mark na mukhang busy sa pagluluto.

Nahiga kami nina Kristel dito sa tabing dagat, naaabot ng tubig ang mga paa namin.

"Akala ko kayo pa ni Charlie, Faye?" Tanong ko dito, ako ang nasa gitna ng dalawa.

"Wag mo ngang mapagdikit ang pangalan namin" Naiinis na sabi nito "He's a jerk. Ayoko sa lahat yung niloloko ako. Hindi ako yung tipo nang babaeng mapapaikot niya" Nakakunot-nuong sabi nito. "Hindi ako yung tipong kagaya ni Kristel" Sabay tawa na nito.

Sa aming tatlo, si Faye yung palaban. Malimit man siyang magpalit ng boyfriend pero pag sinabi niyang tapos na sila, wala na talaga sila. Mabilis siyang gumawa ng desisyon, minsan padalos-dalos.

"Excuse Meeee" Sabat sa kanya ni Kristel "Hindi ako ganung ka-naïve. Kung magbo-boyfriend ka naman kasi dapat yung kagaya nina  ----

I cut her off  "Oh please Kristel, isasali mo na naman sa usapan yung mga k-pop artist na gusto mo" Tumawa naman ito bago nagsalita ulit.

"Dapat kasi kahit papano piliin naman natin kung sinong lalaki talaga ang nababagay satin, yung deserve tayo. Umayaw ka kung hindi mo siya gusto, i-reject mo siya, hindi yung o-oo ka na lang sa lahat ng magkainteres sayo" Naka-pout pang sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi nito. Alam kong may patama ito kay Faye but I know she doesn't mean it directly to her, sadyang may pagka-wais talagang mag-isip si Kristel. Total opposite sila ni Faye ng ugali. She's a major fan girl/stalker ng crush pero alam niya kung san ang lugar niya, she's still living in reality after all her fantasies.

"So anong gusto mong palabasin, Ottaku?" Nakangising umangat si Faye, nakatuon ang bigat nito sa siko. Isa ding dakilang Ottaku si Kristel, napakahilig niyang manuod ng anime.

Humagikhik naman si Faye "Whatever Faye. Affected ka lang" sabay tawa pa nito.

"Excuse me 'no" Faye. Umayos ito sabay naupo at hinarap kaming dalawa. "Yung bilang ng mga ex ko, doble nun yung mga binasted ko" Depensa nito. Natawa naman kami ni Kristel at umakto na nawalan ng gana.

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now