PART 3

7.9K 144 3
                                    


PART 3

AMBER POV

Nagising ako ng may naramdaman akong humalik sa nuo ko.

Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Mark.

"Hhhmmmm?" Nakataas kilay kong tanong dito.

"I'm Going. I already cooked your Breakfast. See you later" Pagkatapos ay mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Napangiti naman ako dito.

"Bye Babe" sagot ko dito.

Naglakad na ito papunta sa pintuan. "Bumangon ka na. May interview ka pa. Goodluck. I love you" sabay kindat nito sakin na siyang ikinapula ko na dahilan para matawa ng bahagya si Mark.

Lumabas na rin naman kaagad ito ng pintuan.

We've been together for 5 years now. And until now he didn't fail to make me blush.He proposed to me na maglive-in na kami when I graduated from College na hindi ko naman tinanggihan. But though live-in na kami hindi parin namin ginagawa yung alam mo na yung mga ginagawa ng mga mag-asawa. 

Matanda sakin si Mark ng 4 years kaya masasabi kong matured na siya at may plano na sa buhay. That's why I feel so lucky! 

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Tiningnan ko ang screen sabay naman akong napangiti ng mabasa ang pangalan nito. "Babe" medyo may pagka-husky ko pang sabi at pasadya ko yun. Haha.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Mark sa kabilang linya. "Don't tease me. Bumangon ka na. Saka mo na ipagpatuloy ang pagnanasa mo sakin." tatawa-tawa pa nitong sabi.

Medyo nagtagal pa ang pag-uusap namin at maya-maya rin ako na ang nagpaalam kasi mukhang ayaw niya akong babaan. Haha.

Mabilis akong nagpunta ng banyo at naligo pagkatapos ko kinuha ko na ang susuotin ko.

At nang mapatingin ako sa skirt na nakahanger napakagat labi na lang ako. Bakit ba sa tuwing maaalala ko yung pagyayari sa LRT biglang nag-iinit ang mukha ko. Aish. Nakakahiya kaya. Tapos... Aish. Ipinilig ko na yung ulo ko at mabilis na nagbihis at nag-ayos.

Napakasimple ko lang na babae, ordinaryo kungbaga.  Hindi ko na kailangan ipa-rebond pa ang buhok ko dahil natural na straight na siya. Hindi ko na rin kinakailangan na mag-lagay pa ng Eyebrowliner kasi makapal na din ang kilay ko kailangan ko lang imaintain na may korte. Madalas lang akong gumamit ng lipstick para magkakulay ang mukha ko at konting blush on. Then tapos na. Ipinusod ko na lang ang buhok ko. At kuntentong tumingin sa salamin. Then Im ready to go!



Nang pinapasok na ako nung maarteng secretary sa opisina nung mag-iinterview sakin. Agad ang pagkabog ng dibdib ko na para bang wala nang bukas. Sobra yung pagkakaba ko.

At nang oras na buksan ko na yung pinto at yumapak na yung paa ko sa loob ng opisina ng anak ng may-ari agad na hinanap ng mata ko kung sinong tao dun. Pero napakunot ang nuo ko ng wala akong makita. Nilingon ko yung secretary kasi hanggang ngayon hawak ko parin yung seradura ng pinto. "Miss Nasan -----"

Agad na may humila sakin papasok at sinaraduhan ang pinto, nanggaling ito sa likod ng pintuan.

"Hi" Bungad sakin ng lalaking nakatayo sa harapan ko at hawak ang kanang kamay ko. Isang mapaglarong ngiti ang nakarehistro sa mukha nito at ganun na lang kalakas ang kabog sa dibdib ko. Shit! Siya yung lalaki sa LRT. Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko. 

Pero agad din akong nakabawi at pinilit na magmukhang normal sa harapan  niya. Inalis ko ang tingin dito at kumurap-kurap. Nang maramdamn kong gumalaw ang kamay nito na nakahawak sa wrist ko nuon ko lang napansin na hindi pa pala nito tinatanggal ang hawak sakin. Inalis nito ang hawak sa wrist ko saka hinagip ang palad ko na siyang ikinabalik ng tingin ko dito.



"Nice Meeting you..." Von, saka kuntentong ngumiti "It's really nice meeting you... again" dagdag pa nito may kung anong kislap sa mata  sabay pisil pa ng palad ni Amber. 


VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now