PART 11

5.2K 113 9
                                    

PART 11

AMBER POV

Ilang minuto na rin akong nasa opisina nang dumating na rin ang Chairman kasama ang secretary nito. Tinanguan ko ang mga ito at binati.

Sumulyap lang naman sakin ang Chairman at nagdiretso na papasok ng marangyang opisina nito.

At makalipas pa ang ilang minuto rin ay dumating na din si Von, ang Boss kong hindi ko maintindihan ang ugali o sadyang wala na lang talaga siyang mapag-tripan kaya naman ako ang pinagdidiskitahan niya. 

Tiningnan ako nito at inirapan din kaagad ako. Hindi kaagad ako naka-get-over sa ginawang pag-irap nito somehow gusto kong matawa.

Nang nasa harapan ko na ito ay babatiin ko na sana siya pero natigil sa lalamunan ko yung sasabihin ko nang sulyapan pa ako nito habang inaayos niya ang kurbata niya at samaan ako ng tingin!

Sa halip na batiin ko siya ay hindi ko na mapgilang matawa sa pagtrato niya sakin.

"Is something funny?" Nakakunot nuong baling sakin ni Von, mukhang wala talaga ito sa mood.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Nothing Sir"

"Tss" Von. Inirapan na naman ako nito at nagdiretso na papasok ng kanyang Opisina.

Napatulala naman ako sa pintong pinasukan niya. Ok, He's mad, I know! Grabe makairap daig pa ako ahh. 

Makalipas ang ilang oras pa ay wala akong nare-recieve na tawag galing sa Boss ko, kaya naman wala akong ginagawa dahil maaga ko nang natapos ang mga report ko.

Sumagi naman sa isip ko yung nangyari nung isang gabi. Napatulala ako at naisip ang mga sinabi ni Von.

'Bat daw hindi pa kami kasal sa tagal na naming magkasintahan ni Mark?'Tss. Hindi ba obvious na mga bata pa kami.

At bakit ba gulat na gulat siya nang malaman niyang limang taon na kaming magkarelasiyon? Hindi pa ba din obvious na dahil yun sa mahal talaga namin ang isa't- isa kaya hanggang ngayon kami parin? 

Hays. Can't he just state the obvious?! At hindi ko nagugustuhan ang pakikipag-flirt sakin ni Von! For pete sake! Dapat nilulubayan na niya ako dahil alam niyang may Boyfriend na ako! Anong akala niya mahuhulog ako sa bitag niya?

Pede pa ba akong mahulog? Eh, nahulog na nga ako kay Mark! Posible pa ba yun?

"Care to tell me what you're thinking?" untag ng isang boses, kaya naman napa-angat ako ng tingin. At sinalubong ang mga mata nitong pinagmamasdan ako. May kunot parin sa nuo nito.

"S-Sir" Approach ko kay Von.

Ngumisi naman ito pagkatapos ay sumeryoso uli  "I've been calling you but you're not answering" Tinitigan ako nito ng masama.

"S-Sorry Sir" Aish. Sagot ko.

"We have to go. The Chairman is already waiting" Pagkatapos ay nilampasan na ako ni Von. 

Gulat naman akong napatingin dito at dali-daling kinuha ang mga gamit ko na hindi pa naka-ayos.

Buti na lang bago magsara ang pinto ng elevator ay nahabol ko ang Boss ko, hindi man lang talaga niya ako inantay. 

Napabuga pa ako ng hininga nang makapasok na ako ng elevator. Nang napatingin naman ako sa gawi ni Von ay nakasandal ito sa kabilang gilid at nakahulukipkip na diretso lang ang tingin sakin na mukhang pnag-aaralan ang bawat galaw ko. Kaya naman panay na lang ang paling ko sa kabilang direksiyon. 

Hanggang sa makababa kami ng Ground Floor ay ganoon lang ang pwesto niya kaya naman dali-dali akong humakbang ng makalabas na ako ng elevator. Major Awkwardness! 

Naabutan naman ako nito ng makalabas na kami ng Building. Nagulat pa ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa likod ko. "Duon tayo" Sabay turo nito sa itim na sasakyan. "We're going to the site" Malumanay nitong sabi. 

Nakakapagtaka, kanina lang ang sungit-sungit. Medyo umiwas naman ako kay Von pero parang may glue yung kamay niya ayaw matanggal. Aish.

Pinauna naman ako nitong pasakayin sa Van. Dun kami mauupo sa likod ng Chairman at biruin mo nga naman 'oh, ang laki ng ngiti ni Von pano ba naman naka-skirt ako tapos ako pa yung pinauna niyang sumakay.

Argh. Mukhang nag-enjoy pa ang loko sa view dahil sa ngiti nito ng makatabi sakin. 

Hindi ko naman ito pinansin at pumaling na lang sa kabilang gilid ko. 

Narinig ko ang buntong-hininga nito. At kasabay nun ang pag-akbay niya sakin.

Bumaling ako dito. "Tsk. Von" Mahina kong sita dito dahil nasa una lang namin ang Chairman. 

"Hays Amber" Sabay tingin nito sakin. Napakalapit namin sa isa't-isa "Kailngan ko pa bang gumamit ng dahas. makuha ka lng o... pa-ibigin na lang kaya kita" Sabay ngiti na naman nito.

Nag-init ang pisngi ko at napasamid pa ako sa sinabi niya sabay iwas ng tingin dito. Alam kong ang pula-pula ng pisngi ko at ayaw kong makita niya yun. I jerk away his arm na nasa balikat ko at thankfully tinaggal niya naman ito. Napakinig ko pa ang pagtawa niya sa gilid. 

Argh. Seryoso?! Ba't ako namumula sa simpleng sinabi niya? God Amber!

Nakita ko pang medyo napatingin samin yung secretary ng Chairman na siyang nasa unahan lang din namin. 

"Kailngan ko pa bang gumamit ng dahas. makuha ka lng o... pa-ibigin na lang kaya kita" 

*dub -dub* *dub-dub* *dub-dub*   Shet! Ang puso ko! B-bakit?

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO


You Got Me Official Page (Click the link at the External Link) Diyan Updated sa mga happening sa YGM. At makikita niyo diyan yung mga FC ko. :) 

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now