PART 13

5.3K 121 12
                                    


 That pic--------->

.... is from the Official You Got Me Page. (See External Link)

PART 13

Pagkarating nina Chairman sa Tent at nadatnan ang dalawa ni Amber at Von na parehas lang tahimik ay nagyaya na din ito para mag-lunch.

Sa malapit na restaurant lang napili ng mga ito kumain dahil kasama parin nila yung Head Engineer sa site at yung architect na babae.

"Chairman, we have some designs for your approval, kaya lang yung architect na may hawak nito ay baka mamaya pang hapon makakarating Sir. Pero pwede naming ipagpabukas na --------

Pinahinto ito ng Chairman sa pagsasalita "Von Gerard will stay, until he comes" anang baritonong boses nito.

Napatigil naman sa pagsubo si Von at diretsong napatingin sa Chairman "I have a meeting after this"

Tinitigan naman siya ng matalim ng Chairman.

"Ok then" sabay kibit-balikat ni Von "My secretary will also stay"

Kunot-nuong tiningnan ni Chairman si Amber na katabi lang naman ni Von sa mesa.

"A-Ah. Y-Yes, Sir" Atubiling tango ni Amber dito. Lihim namang napangiti si Von.

Panay naman ang pag-uusap ng Chairman at nung Engineer, hindi naman masyadong nakikisali sa usapan yung babaeng architect na malimit lang ang pagsulyap nito kay Von. Nakikisali naman sa usapan si Von tuwing tatanungin lang siya ng Chairman.

Matapos kumain ay umalis na nga ang Chairman at Secretary nito.

"Saan may malapit na Hotel dito?" baling ni Von kay Eng. Andrei, gulat naman itong napatingin sa kanya. Habang yung Architec ay masama ang tingin kay Amber. Halata naman din ang pagkagulat sa mukha ni Amber at nakatingin lang din kay Von.

Bahagya namang natawa si Von "You're not expecting us to wait in the construction site, right?" puno ng sarcasm na baling nito sa gulat na Engineer.

"Ah" Mukhang naunawaan naman ni Andrei ito, nahihiyang tumango ang binata kay Von at sinabi ang pangalan ng isang kilalalang Hotel na malapit dito.

"O-K" mabagal na pagkakasabi ni Von. Nginitian nito si Andrei "Can I borrow your Car?  Confident pang sabi ni Von.

Tiningnan naman ito ni Andrei at ibinigay din ang susi ng sasakyan nito.

"Thanks. Pabalik ko na lang Pare bukas" Anang nakangisi na si Von. Humakbang na paalis si Von pero naiwan parin si Amber duong nakatayo.

"Let's go, Amber" naiinip na tawag ni Von dito. Medyo nakalayo na ang binata.

"What?! I'm coming with you?" Gulat na tanong ni Amber sabay turo pa sa sarili.

"Of course you are!" Naiinis namang binalikan ito ni Von. Binalingan muna nito yung dalawa "Pwede na kayong bumalik sa site, Andrei"

Inirapan naman ng babae si Amber bago nagtungo sa sasakyan nito, sumunod na din dito yung lalaki.

"OhMyGod Von! I'm not coming with you!" Bulaslas ni Amber ng makalayo na ang dalawa. Terror was written on her face.

Kinuha ni Von ang kamay niya at hinila "As if, I'm giving you a choice".

Hila-hila parin nito si Amber, na mukhang na-estatwa na, papunta sa sasakyan.

"Wala akong gagawing masama, wag kang mag-alala" ani ni Von, hindi na nito mapigilan ang matawa.


*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Where stories live. Discover now